Chapter 03 ~ GAIL'S POV
PAGTAPOS ng klase namin, pumunta na kami sa bahay nila Janela. Tahimik lang siya habang na sa daan kami. Sakay kami ng sasakayan niya, yung sasakyan ko babalikan ko na lang mamaya.
"Uy, Janela, galit ka ba sa akin?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya dahil hindi niya ako kinikibo kanina pa.
"Hindi naman, nagtatampo lang kasi naman ang tagal na nating magkaibigan hanggang ngayon may nililihim ka pa rin pala sa akin," tugon naman niya. Yun ang pinaka-ayaw niya yung pinaglilihiman siya pero ibang usapan na kasi talaga yung tungkol sa kasal namin, eh. Hindi ko naman alam na makakahalata siya kaagad.
"Hindi naman sa gusto ko talagang maglihim sa'yo, ikukwento ko naman lahat sa'yo mamaya eh," sabi ko naman.
"Siguraduhin mo lang ha, naku! 'Di talaga kita papansinin pag may kulang sa kwento mo," banta ulit niya. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Oo nga, lahat. Promise." Pagdating namin sa bahay nila tumuloy agad kami sa kwarto niya at nagpadala na lang siya ng makakain namin. Nagbihis lang siya at dumating na rin yung meryenda namin, umupo kami sa kama niya. Ganun na kami ka-close dahil highschool palang kami siya na ang lagi kong kasama kaya kilalang-kilala na niya ako. Walang-wala akong maitatago sa kaniya kahit ang pagkakagusto ko kay Charles since highschool, s'ya lang rin ang nakakaalam no'n.
"Oh ngayon, simulan mo na," seryosong sabi niya sa'kin.
"Eh kasi..." Huminga muna ako ng malalim. "Kaya two weeks akong nawala dahil sa unexpected wedding ko." This is it na talaga.
"WHAT?! BAKIT? PAANO? WALA KA NAMANG BOYFRIEND AH!" sunod-sunod na tanong niya at siyempre gulat na gulat siya. At ano pa nga bang kakaiba dun? Kahit sino naman talaga magugulat, eh.
"Eh kasi ganito yun, gusto ni Mama na magpakasal ako sa taong gusto niya para sa akin, kahit na ayaw na ayaw ko sa taong 'yon." Tumingin ako sa kaniya tahimik lang siya kaya tinuloy ko na lang yung kwento. "Nang una ay ayaw ko pumayag kasi ayoko talaga sa taong 'yon, pero napapayag niya ako dahil sa kalagayan ng Mama ko. May cancer sya, Janela, di pa lang alam ni Mama na alam ko na pero soon ipapaalam ko rin sa kaniya na alam ko na ang kalagayan nya," seryosong sabi ko.
"Sino yung lalaki?" tanong naman niya, di talaga ako makakaligtas. Napatingin ako sa kaniya, di ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. "You told me nawala kang ililihim kahit isa," paalala niya sa'kin.
"Okay, okay, siya si Alden John De Leon, yung bago nating Prof." NO CHOICE!
"What?! Bakit nagawa mong itago sa akin 'yon, Gail? And, paano kayo nagkakilala?"
"Eh, kasi ang usapan naman namin maghihiwalay kami pagwala na si Mama. Kaya para sa akin wala ng dapat makaalam ng bagay na yun, Janela. Sabay kaming lumaki, ahead lang siya sa akin ng apat na taon," kuwento ko naman sa kaniya.
"Eh, bakit kailangan mo pang makipaghiwalay? Na sa'yo na pakakawalan mo pa. Tanga ka talaga!" singhal naman niya sa akin.
"Janela, hindi ko mahal si Alden at lalong ayokong makasama s'ya habang buhay, hindi siya yung lalaking pinangarap kong makasama," paliwanag ko naman sa kaniya.
"Siguro nga di mo pa siya mahal pero imposible namang hindi mo siya mahalin. Alam ko matagal-tagal din ang pagsasamahan ninyo saka bakit ba parang galit na galit ka sa kaniya ha? Hindi naman siguro niya kasalanan kung bakit siya yung gusto ng Mama mo para sa'yo. Gwapo naman siya, matalino at for sure mayaman. Di ko rin naman masisisi ang Mama mo kung bakit ka niya gustong ipakasal sa taong hindi mo naman mahal bukod sa sushunga-shunga ka, eh. Ikaw rin ang nag-iisang magmamana ng lahat ng ari-ariang maiiwan niya. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana at sa laki ng maiiwan sa iyo malamang maraming tao ang gugustuhing makuha ka kaya gusto lang siguro niya makasiguradong na sa mabuting kamay ka."
BINABASA MO ANG
[MTD 1] Married To Death [COMPLETED UNDER DREAME ✅]
RomanceSIGNED STORY UNDER DREAME Dreame Account: Miss Rayi ==== Napilitang magpakasal si Gail kay Alden dahil sa kagustuhan at kahilingan ng Mama niyang may sakit. Pero bago pa man maganap ang kasalan ay nagkaroon na sila ng kasunduan nito, 'Na kasal lang...