Chapter 02 ~ GAIL'S POV
"HAY! Ano ba 'yan nakakatamad namang bumangon." Nag-alarm yung phone ko at dahil two weeks akong hindi nakapasok dahil sa naging preparation ng kasal namin, naninibago ako.
Nung isang araw lang kasi natapos yung kasal and I can't still believe it, parang napakabilis, misis na agad ako at Mrs. De Leon pa. Patayo na ako ng higaan ko nang bigla na namang tumunog yung cellphone ko, but this time tawag naman.
"Hello?" bungad ko sa tawag na 'yon.
"Nasaan ka na ba, Gail? Ang tagal mo naman, eh." Wala man lang hello? Nagmamadali masyado?
"Hello! Ang aga-aga pa kaya!" sabi ko naman, ala siyete pa klase namin at anong oras pa lang naman, 'di naman siya masyadong excited.
"Eh, excited na kasi akong makilala yung bago nating Professor natin, e. Ang balita ko kasi bata pa siya at ang gwapo-gwapo daw," kinikilig naman na sabi niya.
"Asus! Sobra ka naman ma-excite." Biglang nagising yung diwa ko sa sinabi nya, Hay! Ano pa nga bang kahinaan ng mga girl college student kundi ang gwapong professor.
"Nakita ko rin kasi siya kahapon, eh, bakit kasi ang tagal mong nawala? Two weeks kang absent." Oo nga, tulad ng sabi ko kanina two weeks akong absent dahil sa kasal namin ni Alden. At kahit sa kaibigan ko ayaw kong sabihin ang pagbabagong 'yon sa buhay ko dahil maghihiwalay rin naman kami, tulad ng usapan namin.
Sa iisang bahay lang kami nakatira pero magkahiwalay ng kwarto. May tatlo rin kaming katulong dahil 'di naman ako sanay sa mga gawaing bahay. Lumaki akong parang prinsesa dahil sa kompanya na itinayo ni Papa na naiwan sa amin nung mamamatay siya noong 13 years old pa lang ako. Naitaguyod naman ni Mama mag-isa ang negosyo ni Papa. Ako naman ay walang kainte-interest doon dahil hindi ko naman kasi pangarap 'yun. Simple lang kasi ang gusto ko at yun ay ang maging teacher, pre-elementary education.
"Hoy Gail! Bakit 'di ka na nagsalita d'yan ha? Wag mo sabihing... OMG!" OA na sabi niya.
"Ano na naman 'yang iniisip mo?" tanong ko naman, alam ko namang imposibleng malaman niya yung totoo.
"BUNTIS KA?!" OA pa ring sabi nya. Hay! Sa dami naman ng maiisip, oh.
"Hindi 'no! Paano naman ako mabubuntis, eh wala naman akong boyfriend? Nagka-emergency lang dito sa bahay." Pambihira naman! Ano bang klaseng tao 'tong kaibigan ko!?
"Sabagay may point ka. Oh siya, sige, na bilisan mo ha, hihintayin kita," sabi niya sabay end ng call. Lumabas naman ako ng kuwarto ko para kumain.
"Manang si Alden po?" tanong ko sa isa sa mga katulong namin.
"Maaga umalis, hija," sagot naman niya, wala naman akong interest kung saan siya pumunta.
"Ganoon po ba?" nawika ko na lang. "Sana di na bumalik," dugtong ko na pabulong, 'di naman sa masama ako kaya lang ayoko talaga sa kaniya. Kahit si Manang na matagal na naming katulong ay hindi alam na arranged marriage lang kami. Ang dinahilan na lang namin kaya kami hiwalay ng kwarto ni Alden ay dahil masyado pa akong bata para sa mga gawaing ginagawa ng mag-asawa. Naintindihan naman niya 'yon, buti nga hindi siya nagtatanong kung bakit pinakasal kaagad ako kung hindi pa pala ako handa sa mga gano'ng bagay.
Pagtapos kong kumain ay nagbihis na ako at sumakay ng sasakyan ko para pumasok sa school. Pagdating sa school naghanap agad ako ng parking space, 'di pa ko nakakababa nang makita ko si Charles. "Minsan pala swerte rin ako." He is my long time crush, I think since third year highschool pa lang ako. Nakangiti akong bumaba ng sasakyan kilala niya naman ako dahil nga classmate kami mula pa nang highschool, dumaan ako sa harap niya para mapansin niya ako. Syempre papansin ang lola niyo.
BINABASA MO ANG
[MTD 1] Married To Death [COMPLETED UNDER DREAME ✅]
RomanceSIGNED STORY UNDER DREAME Dreame Account: Miss Rayi ==== Napilitang magpakasal si Gail kay Alden dahil sa kagustuhan at kahilingan ng Mama niyang may sakit. Pero bago pa man maganap ang kasalan ay nagkaroon na sila ng kasunduan nito, 'Na kasal lang...