CHAPTER 5: Jealousy

1.1K 34 2
                                    

IT'S already lunch break, during this time kadalasan ay nag-babaon nalang ako ng lunch para hindi na ako lumabas pa ng school, hindi lang ako ang mag-isang kumakain sa loob classroom pati na rin ang ilang students. Yung iba naman bumabalik agad ng classroom after nila kumain sa labas para maki-jam sa amin na minsan ay nanonood ng mga music videos or movie sa laptop ko before mag-resume ang klase.

Naglalakad si Lyka papalapit sa table ko, katulad ni Shane mahilig din itong makipag-kwentuhan sa akin pero during lunch break naman.

"Kumain ka na ba Sir?" Tanong niya.

"Oo na, ikaw?"

"Kakatapos pa lang po."

"Hmmp teka! Para yatang may nag-iba sa'yo, babaeng babae ka yata ngayon ah!" Pabirong sabi ko, pero totoo naman talaga iyon, kapag Wednesday kasi allowed na hindi mag-uniform ang mga students kaya pwede silang mag-suot ng kahit anong gusto nila. Si Lyka kasi yung pinaka-boyish sa klase at brusko gumalaw, hindi rin siya mahilig magpaganda at kapag nakikipag-kwentuhan siya sa akin ay panay sports or adventure ang topic namin. Pero iba siya ngayon, mukhang nag-ayos talaga, lumitaw yung feminine charm na matagal niyang itinatago.

"Si Sir naman o, eh di ba sabi ko nga sa inyo na hindi talaga ako tomboy, kayo lang kasi itong ang ayaw maniwala." Nagrereklamong sabi niya.

"O s'ya sige na nga, ang totoo bagay sa'yo yang bago mong looks ngayon, maganda!"

"Talaga Sir? (Yesss!)

Bakit parang ang saya niya sa sinabi ko?

"Siguro may crush kang boy dito sa school no, may pinapa-gandahan ka, aminin mo! Dalaga na talaga ang Lyka namin." Panunukso ko sa kanya.

Hindi siya agad nakasagot, tila nagulat ito sa sinabi ko, parang namula rin yung pisngi niya.

"Ah eh, ang totoo niyan Sir gusto ko lang talaga na i-try kung babagay sa akin ang ganitong ayos para maiba naman."

"Eh kayo Sir, may Girlfriend po ba kayo?" Hindi ko inasahan yung tanong niya.

"Bakit mo naman naitanong yan?"

"Aahmm...wwala, curious lang, bakit bawal magtanong?"

"Haha... hindi naman, single ako ngayon."

"Talaga? baka naman Sir single ka kapag nasa labas, pag-uwi ng bahay married na pala hehe... ganyan kasi ang mga lalaki ngayon."

"Ang kulet neto, wala nga ako girlfriend lalo na asawa, tiyaka parang naitanong mo na saken yan ng ilang beses na mula pa nung first week ko dito ah."

"H-ha, ganun po ba? Nakalimutan ko lang siguro."

"Ah eh, sige po sir naalala ko, may bibilhin pala ako sa canteen, alis mo na ko ha."

Pagmamadali nitong paalam at tila mas namula pa yung pisngi niya.

Masipag at isang responsableng estudyante si Lyka. Madalas ko siyang utusan at nagagampanan niya ng maayos ang position bilang isang class officer, kahit na lately ay parang nakikipag-compete na siya kay Shane na president ng klase. Tumaas din ng husto yung grades niya magmula nang maging adviser nila ako compared sa grades niya nung first grading, ang layo talaga ng marka niya dati and she manage to reach the Top 5 kahit na never pa daw siya nakasali sa Top 10 noon. I wonder what inspires her to be like this.

NITONG mga nakaraang araw napansin ko na di na masyadong lumalapit sa akin si Shane, di ko alam kung bakit pero parang iniiwasan yata ako nito.

"Shane!" tinawag ko siya para tanungin.

"Ano po iyon Sir?"

"May problema ba? Iniiwasan mo ba ko?"

"Hi-hindi po! Bakit niyo naman naisip yan?"

High School Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon