|| Paano Kung Tayo Pa || SPOKEN POETRY

58 5 5
                                    

Paano Kung Tayo Pa

Yun nga, yun ang problema.

Hindi nalang basta-basta't pwedeng itago ang sariling damdamin,
Kahit ilang beses ko na ring hindi inaamin.
Ngunit nakakapagtaka, 'di ko maintindihan kung bakit malayo,
Malayo na ako'y patuloy na umaasang meron pang "tayo"

Kaya nga tinanong ko sa aking sarili,
Kung bakit kailanman hindi na 'ko nagsisisi,
Na lumayo sayong harap-harapan,
Kung san hindi na tayo maghahanapan.

Matagal na din kasi nung araw na 'yon,
Nung araw na sabi mo "mahal" sa ngayon,
Sa ngayon lang, kasi alam mo at alam ko din
Na hindi tayo magtatagal na parang pinangako mo.

Alam ko rin naman, na minahal mo ko noon,
Mula lupa hanggang langit, oo, umabot doon.
Sanabi mo pa nga, "Naaalala ko roon,
Yung masaya pa tayo na parang gayon."

Ika'y sumumbat at muling ngumiti,
Samantalang gustong gusto kong tumili,
Dahil ngayon nakita ko na ang iyong mga ngiti,
Mula sayong matatamis na labi.

Pero bakit? Bakit may natira pang panghihinayang para sayo,
Hindi naman na kita mahal, hindi na.

Tama na. Tama na kasi.

Paano kaya kung tayo pa?
Pano kung mahal mo ko at mahal din kita?
Sana nga hindi totoo ang sinasabi nilang "walang forever",
Ngunit ikaw na mismo ang nagparamdam na walang "Happily ever after".

Siguro, nagdikta ako ng tula tungkol sayo,
Pero kelan man hindi lang ito'y iyo.
Maraming tao sa daigdig na nakaranas nito,
Hindi lang siya, hindi lang ako, kundi yung mga pusong pinilit na durugin ng iba.

Siguro, pinapatamaan kita,
Ginawa ko 'yun dahil baka nagseselos ako sa kanya.
Pero inuulit ko, hindi lang ako, ngunit marami na:
Maraming taong nagtanong, "Paano kung tayo pa?"

• • • • • • • • • • • • •

#LitongLito

Requested by lah-ako-isip-

Poems [Love Can Hurt pt.1]Where stories live. Discover now