Naging Kayo Daw
Andiyan ka nakatayo,
Habang ako'y nandito nakatingin sayo.
Tinatanong ko kung kelan pwede maging tayo.
Itinanong ko kung mahal mo ba talaga ako.Pero alam mo? nakakapagtaka,
Kung bakit kaya mong lumingon sa iba.
Palagi naman akong nandiyan,
Nakabuntot sayo.
Pero parang bluetooth, nung nawala ako,
Naging kayo.Naging kayo daw ah. Nung pumunta ako ng France,
Umiyak ka sakin dahil nalaman mo yung boyfriend mo pala ay trans.
Nagalit ka, sinisi mo sakin kung bakit kaya ko'ng lumayo, kung bakit ayaw ko na, kung bakit nagsasawa na ko.Sana nadama mo, yung sakit na naramdaman ko, nung nawala ka sa tabi ko— Araw at gabi, iniisip ko, kung maghahanap ka o sakin ka lang loyal.
Pero nung trinato ka lang niya na parang princesa, na parang royal, dun ko nalaman na kaya mo palang bumitaw.Pero sabi ko, mabuti na rin yun.
Kesa naman, nakakapit ka sa puso kong namimilipit sa sakit, nung nalaman kong may iba ka na palang inaakit.Wala naman akong intention na magbulag-bulagan, na parang ngayong kong pagiwas.
Bakit hindi nalang tayo magdula-dulaan, para saka ko malaman, ako pala'y minamalas.Nandun ako sa dilim, kung san malayo ang iyong pagtingin.
Kahit alam kong ayaw mong umitim, mainit at maliwanag na lugar, dun kasama ang sikreto ng iyong mga damdamin.
Kahit hindi ka umamin, alam ko na may mahal kang iba, maliban sakin.Nandun naman ako sa liwanag, naghihintay na ika'y magpaliwanag.
Gusto kong malaman kung hindi ba ko sapat, o sadyang hindi ka marunong makiramdam.Ilang "goodmorning" at "I love you" pa ba,
Ang kailangan para maniwala kang mahal kita.
Ilang "I hate you" at "Goodbye"
Ang sinabi mo pero pinilit kong i-try,
Na magsorry kung may pagkakamali kong ginawa.
Paulit-ulit ko nang sinabi sa sarili ko "Be strong and dont cry"
Para sa pagtanda natin magsama tayo until we die.Hindi pa ba sapat yun?
Sumulat ako ng tula para sayo,
Pero ano bang ginagawa mo?
Alam ko'ng kasama mo siya,
Hindi nakakapagtaka.Kasi, naging kayo daw ah.
Sama naman ako diyan.
• • • • • • • • • • • • •
#Humor
Readers,
This could be a little exaggerated
but hopefully you'll like it.
YOU ARE READING
Poems [Love Can Hurt pt.1]
Poesia|| P O E T R I E S || B Y G A B R I E L A L F O N S I || I'm an inspired itialian who wrote poems for my special friend who gave me this opportunity. This is a collection of honorable poems and quotes written by yours truly, Gabi. Translation cr...