Hindi ko maiwasang mag alala Kay Ashley dahil hanggang ngayon ay wala parin sya, nandito ako ngayon sakanilang bahay dahil tinawagan ako ni tita Susan nong nasa bahay ako.Nag aalala nadin ang kanyang mga magulang. Birthday nya bukas kaya nakahanda na lahat.ilang beses nanaming tinawagan ang kanyang cellphone pero walang sumasagot,napatingin kami Kay Brian na kinuha nya ang susi at pinipigilan lang nito ang kanyang galit dahil nakakuyom na ang kanyang mga kamao.
"San ka pupunta? "Tanong ko ng lalabas na sya
"Hahanapin sya, ano paba? Hindi natin sya mahahanap kung walang maghahanap"tiningnan nya ako ng masama"palibhasa kasi walang kwentang kaibigan"mahinang sambit nya habang nakatitig padin saakin ng masama
"Brian! stop!"si Tito, habang nakaalalay Kay tita dahil umiiyak na rin ito.
"Why? Totoo naman ah! Tss. "Sigaw nya sabay labas.tinawag pa sya ni Tito pero parang wala syang narinig.
"Pasensya kana Kay Brian, ganon talaga yon pagdating sa kapatid nya"si tito
"It's okay Tito, I know naman na mahal na mahal talaga nya ang kapatid nya, and siguro kapag sa kapatid ko yon nangyari ganon din ang gagawin ko"mahinang tugon ko sakanya at pilit na ngumiti sakanya.
"Dito ka muna matulog,doon sa kwarto ni ashley"si tito
"Si–sige po, excuse me lang po"pagpapaalam ko sakanya at umakyat na sa kwarto ni Ashley.
Agad bumuhos ang aking mga luha na kanina kopa pinipigilan.bakit ganon? Kahit ginaganon padin nya ako gusto ko padin sya? Bakit hindi ko magawang magalit sakanya?. Siguro to too nga, wala akong kwentang kaibigan. Ako ang dahilan kung bakit sya nawala. Ako ang may kasalanan.
Pinahid ko ang mga luha ko at napag desisyunang kong maligo muna.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umupo muna ako sa kama at nagsuklay ng buhok. Sinuot konadin ang damit ni Ashley. Ganon kami kapag sya din ang natutulog sa bahay sinusuot din nya ang mga damit ko.
Habang nagsusuklay ako ay nag isip isip ako kung saan pwedeng pumunta si Ashley. Napahiga nalang ako dahil parang antok na antok naako. Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayong araw.
Hindi ko namalayan na akoy nakatulog na pala."Anona!?,nasan na ang anak ko!? "
Nagising ako dahil sa sigaw ni tita, napatingin naman ako saaking pintuan na mukhang sa labas nito sila. Agad ko namang binuksan ang pintuan ko at bumungad sakin si tita tito at si Brian, agad akong niyakap ni tita habang umiiyak sya at hinaplos ko naman ang likod nya. Titig na titig naman sakin si Brian.
"Tahan na tita"ako. kumawalas naman sya sa pagkayakap at pinahid nya ang mga luha nya, sumunod naman ako sakanila ng bumaba sila. Hanggang sa hagdan ay nakikita kona ang mga police na nasa baba.
"Ano na? May balita naba kayo sa anak ko? "Umiling naman ang mga police"sorry po ma'am"sambit ng police na napatingin naman saakin.
"Wala kayong mga kwenta!,ano bang silbe nyo!"sigaw ni tita at inalalayan naman ni tito dahil hinang hina na sya. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang pag init ng mga mata ko kasabay non ang pagtulo nito.
Hindi ito maaari, masama ang kutob ko. Napaangat naman ang ulo ko ng tinawag ako ng isang police"Diba kaibigan mo sya? Sinong huli nyang nakasama? "Tanong nya sakin, hindi ako agad nakasagot at lahat sila ay nasaakin ang paningin at naghihintay ng sagot ko.
"Si–si amanda and kim"mahinang sagot ko. "Mga kaklase po namin sila,pinaalam nila sakin si Ashley and ang sabi nila–kakausapin lang nila, gusto lang daw nilang makipag ayos kay Ashley"dagdag kopa.
"Sige, pero hindi pa sapat ang impormasyon nayan, kaylangan makausap namin ang sinasabi mong mga kaklase mo, ahh sige po, maraming salamat po. Don't worry gagawin po namin ang aming makakaya"sambit ng police
"Sige na iha, mag ayos kana "sabi sakin ni tito. Tumango nalang ako at tumingin muna Kay Brian bago umakyat. Nakita konanaman ang tingin nyang masama saakin. Ako talaga ang sinisisi nya sa nangyari kay Ashley.
Pagkatapos kung mag ayos ay bumaba na ako, walang Tao sa sala.lalabas na sana ako ng naiwan kopala ang susi ng sasakyan ko sa kwarto ni Ashley. Agad akong umakyat sa kwarto nya, bat wala dito? San ko ba 'yon nalagay?hinanap ko ng hinanap pero wala talaga dito. Kaylangan Kong mahanap yon habang may oras pa.hahanapin ko sya. Hahanapin ko ang kaibigan ko.napatingin naman ako sa isang kahot,Kahot na medjo malaki. Iwan ko kung bakit ko ito kinuha, parang may nagutulak din saakin na kunin ko yon. Nakatitig ako sa kahon habang pinatong ko sa kama.
Dahan dahan ko itong binuksan at nakita ko ang isang picture, lumang picture nilang pamilya. Naagaw ng isang babae ang atensyon ko. Babaeng nakangiti. Katabi nya si Ashley at magkahawak sila ng kamay. Sino sya? Hindi ko alam na tatlo pala ang anak nila tita.hindi ko naiwasang mag isip.sa ilalim ng picture ay may isang damit, damit na kulay pula.pagkuha ko dito ay nabigla ako ng may kutsilyo sa ilalim into.agad tumulo ang mga luha ko at iwan ko kung anong dahilan.agad ko itong pinahid at binalik ang kahon sa dating kalalagyanan into. Agad akong lumabas aaking kwarto at pumunta sa kwarto nila tito, kumatok muna ako bago ito binuksan. Nakita Kong nakatulog si tita habang si tito naman ay napatingin saakin habang may hawak na cellphone."Ah–sorry po sa isturbo tito, pwede pobang mahiram ang kotse nyo, nawawala po kasi ang susi ng kotse ko eh"mahinang sabi ko
"Saan ang lakad mo? "Tanong nya habang nakaupo sa kama.
"Uuwi muna ako, magpapaalam lang po ako kila mommy na dito muna ako"sagot ko sakanya. Napatango naman ito at inabot sakin ang susi"Sige lang, mag iingat ka "sya at kinuha ko naman ang susi at ngumiti sakanya. "Maraming salamat po"tugon ko sakanya at lumabas na.agad akong lumabas at sumakay na ng kotse,pinaandar ko ang kotse at pagkarating ko sa bahay ay pinark ko muna ang kotse, pagpasok ko ay nagtataka ako kung bakit walang Tao. Asan sila? Napalingon ako sa isang yaya namin na nagwawalis
"Ya, where's mom and dad? "Tanong ko sakanya.
"Ahh–umalis po sila kanina ma'am, sabi nila may pupuntahan daw po silang meeting "sagot ni yaya. Napatango nalang ako at umakyat saaking kwarto. Agad akong kumuha ng bag at nilagyan ng mga pangbahay Kong damit, doon muna ako kila tita Susan, kaylangan ko silang tulungan.
Pagkatapos ay bumaba na ako. Agad Kong tinawag si yaya. Oonga pala Saturday ngayon kaya wala kaming pasok."Ya, I'm hungry "ako, tumango nalang ito at kumuha ng pagkain.gutom na talaga ako kanina pa, hindi kasi ako nakakin kanina kila tita. Pagkatapos Kong kumain ay lumabas na ako at sasakay na sana ako ng may bumusinang sasakyan dahilan para mapalingon ako. It's mom and dad, agad akong lumapit sakanila, nakita konaman sakanilang mga mata na nag aalala sila,humalik naman ako sakanila.
"Sorry mom, hindi ako nakapag paalam kahapon"Mahinang sambit ko, ito nanaman si luha ko, dadalawin nanaman nya ako.
"I understand baby,"hindi ko napigilan ang mga luha ko at tumulo na ito. Agad akong niyakap ni mommy.pinahid ko ang mga luha ko at humarap sakanila.
"Mom, dad, kila tita Susan muna ako, kaylangan ko silang damayan"ako
"Sige lang anak, basta mag iingat ka ah"si daddy. "Hindi namin kakayanin kapag nawala ka"dagdag ni mommy. Napangiti naman ako at yumakap sakanila ulit.
"I love you mom and dad"ako
"I love you too"sabay nilang sabi. Agad naman akong kumawalas sa pagkayakap.
"I need to go mom"sambit ko
"Mag iingat ka, sige na"si mommy.
BINABASA MO ANG
Who Is The Killer?
Teen FictionSino ngaba ang mamamatay Tao? Isa kaya ito sa kanilang mga kaibigan? Pamilya? O kaaway? Please support my story guys! Thanks for reading! And follow me!