The MASK (Short Story) ^_^

541 15 6
                                    

First story ko po, ishare ko lang po sa inyo.

Natripan ko lang talaga gumawa habang tambay ako dito sa bahay.

Base po ito sa aking imahinasyon.

Sorry kung may mga mali man.

Please vote if you like my story.

 Comment if you want to comment ^______^.

 dedicated ito sayo kasi kaw una kong nakausap na author sa wattpad eh ^____^.

 ENJOY ^_____^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Hi guys" sabi ko sa ko sa mga kaklase ko. Nahuli kasi ako pagpunta sa skul na ito. CALLA UNIVERSITY ( CU) kung saan gaganapin ang Sport Fest ng lahat ng University o College School dito sa Laguna.

“Bakit ngayon ka lang dumating Kate?" tanong ng bestfriend ko na si Michelle.

"Sorry ha, naligaw ako eh. Ang lawak naman kasi ng skul na ito. May tinapos din kasi ako sa skul kanina kaya di na ako sumabay sa kanila. Tapos na ba kayo pumarada?" tanong ko sa kanya. Muse kasi ito sa basketball nung pumarada kahit wala sa course namin na kasali sa grupo nila.

"Hoy Katerinang super late. San ka galling? Iniintay ka namin kanina pa buti dumating ka na." sabi ng isa ko pang bestfriend na muse din ng basketball nung pumarada na si Alyza.

"Duh, remember sa akin nyo po iniwan yung paggagawa ng mask po natin para sa sayaw. Ano natandaan mo na po ba Alyzang Sumisigaw?" may pagkasarkastiko kong sabi.

"Ay, oo nga pala. Sorry naman, break lang ngayon mamaya magsisimula na yung game nila. Bago ung game may twist pa daw silang nalalaman eh kaya buti na lang nakita ka namin agad." Sabi ni Alyza na may pagka-excited nyang sabi.

 "Ganun ba, teka tingnan nyo yung mga mask na ginawa ko tatlo lang yung dala ko kasi hindi pa tuyo yung mga dinikit ko dun sa ibang mask." Sabi ko sa kanilang dalawa habang pinapakita yung dala kong mga mask.

" Grabe sosyal ka talagang gumawa ng mga design sa akin na itong silver na ito ha." Sabi ni Michelle. Tumango na lang ako.

"Akin itong red, ganda ng gawa mo. Alam kong may ginawa ka na para sayo, kulay blue ba ito? " sabi sa akin ni Alyza.

"Malamang yun yung favorite ko eh." Sabi ko sa kanila.

"Tara na sa loob para makita ka na ng ibang kaklase natin." sabi ni michelle, sabay hawak sa kamay ko.

" Ipaalala nyo nga sa akin kung bakit pa ako pumunta dito sa malayong school na ito ha." Sabi ko sa kanilang dalawa na naiinis.

"Ako na, ako na ang magpapaliwanag sa babaeng ito Michelle. Kailangan mo pong pumunta kasi kailangan ng attendance for your clearance, we are fourth year students that’s why we are required to cheer are school. Hmmm Kate do you want me to go on, on what I’m saying for you to remember all our Dean’s says to us?" sabi ni Alyza na may pagtaas pa ng kanang kilay nya.

"Oo na ok na, tara na sa upuan haixt. " sabi ko. Mabilis ko naman naalala yung Dean naming haixt. Kung ako ang tatanungin nyo ayokong pumunta dito bukod sa malayo yung lugar ( dalawang sakay ng dyip at isang oras ang byahe), sayang din kaya yung pera ko mahal ng pamasahe eh. 

“Yan tuloy napa-english si Aly habang nag-eexplain buti walang dugong tumulo sa ilong mo. HAHAHA” sabi ni Michelle.

Ako nga pala si Kate Maranan, fourth year college student in Collier College and I’m taking the course Bachelor of Education in Elementary.

The MASK (Short Story) ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon