Anniversary

115 1 0
                                    


He woke up way too early.

JM: "ay, ang sarap mo talagang tignan. Kahit tulog na tulog ka, ang ganda mo talaga." Sabi ni JM sa sarili habang pinapanood si Barbie na himbing na himbing sa pag tulog.

Dahan-dahang umalis si JM sa tabi nito. Anniversary nila ngayon at marami siyang plano para sa araw na ito kaya mabuti na tulog pa si Bie. Bumaba ito ng kwarto nila at dumiretso sa kotse niya.

Kinuha niya ang isang di kalakihan na improvised fridge. Nilagyan niya kasi ito ng blue roses na ibibigay sa asawa. Ayaw niyang makita niya ito at para mapreserve na rin ang bulaklak na binili niya kahapon. Pagpasok niya sa loob ay saktong gising na ang 2 kasambahay nila at nape-prepare na sana ng breakfast nila ni Bie.

JM: "Manang, pwede bang day-off muna kayo ngayon?"

Manang: "huh? Ngayon na po Sir? Sigurado po ba kayo? Baka kailanganin niyo kami ni Ma'am Barbie."

JM: "Eh Manang, anniversary po kasi namin ngayon, gusto ko sana ma-solo muna namin ni Bie yung bahay eh."

Manang: "aah ganun po ba? Happy Anniversary po! Hindi niyo naman po kasi nilinaw Sir. Sige po bihis na kami at aalis na po kami." Natatawang sabi ng matanda. "Pero tapusin na muna namin yung pag prepare ng breakfast niyo. Kailan niyo po pala kami gustong bumalik?"

JM: "Ako na din po ang bahala mag prepare ng breakfast. Kahit po siguro bukas na lang ng tangahali." May kinuha itong pera sa bulsa at binigay sa matanda. "Manang, suhol oh. Baon niyo po. Salamat." Nakakalokong ngiti ni JM.

Manang: "Naku, si Sir. Ang dami niyong paandar!"

It was quarter past 6. At usually kapag walang pasok si Bie sa pastry shop at siya naman sa office ay karaniwan late na sila talaga gumigising.

JM: "I still have enough time."

Maya- maya pa ay natapos na ni JM ang pagluluto. Fried rice, bacon, hotdog and eggs at ang favorite ni Bie na hash browns. Nagtimpla din siya ng freshly squeezed orange juice. Tahimik at dahan-dahan din niyang inayos din niya yung tub. Nilagyan niya ng scented candles around the bathroom at rose petals ang tubig ng tub. He also decorated the room with balloons. Inayos na niya ang kanyang mga niluto sa breakfast tray pati ang bulaklak na binili niya kahapon at dahan-dahan itong umakyat sa kwarto nilang mag-asawa.

JM: "ang himbing ng tulog ah. Di man lang napansin na kanina pa ako labas-pasok dito sa kwarto"

Dahan-dahan itong lumapit sa asawa.

JM: "Baby. Bie... wake up."

She slowly opened her eyes and surprised with what she saw "ay Love...Wow.. Ano ito?"

JM: "Celebration? Happy Anniversary." at tumabi na ito sa asawa at humalik.

Bie: "Happy Anniversary din, Love. Touched naman ako. Pero hindi mo naman kailangan gawin ito eh."

JM: "Nah-uh, because you.re my wife. This is our first anniversary as a married couple, kaya I want this day to be special."

Bie: "Kahit na walang surprises, as long as andiyan ka sa tabi ko, my days will always be special."

JM: "Gusto ko lang din mag thank you sa'yo. Sa lahat-lahat."

Bie: "Dapat nga ako ang mag-sabi niyan di ba? Still, ako pa din ang pinili mong iharap sa altar sa dami ng mga pinagdaanan natin noon."

JM: "The very first time I saw you sa look test ng Araw-Gabi, I have this feeling na, you're the one I'll settle down with. At aaminin ko sayo, simula ng araw na iyon, I look forward to each day na ikaw ang unang taong makikita ko pag-gising ko at huling taong makikita ko bago ako matulog. Alam ko na sa sarili ko, na hindi ko kayang mawala ka sa akin."

One-shotWhere stories live. Discover now