Chapter 1

50 0 0
                                    

"Ano ok ba idea ko?"

"Ha? Ano paki-ulit nga uli."

"Hay naku, kanina pa ako nagdadadaldal dito. Hindi ka naman pala nakikinig. Si Samson nanaman iniisip mo noh?"

"Samson ka jan, hindi noh!"

"Ay naku couz deny pa. Alam ko namang sya lang laman ng isip mo. Alam mo mas mabuti pa uwi tayo sa Bohol, para naman makalimutan mo sya"

Sya si Nina,bestfriend slash cousin ko. 2 years lang ang gap namin. Dahil nga sa BFF slash cousin ko sya lahat ng secret ko alam nya. Sa kanya ko tumatakbo pag may problema ako. Sya lang nakakaintindi sa akin. Kaya love n love ko sya eh.

"Ah sige. Search ka ng promo ticket. Set ka na rin ng date"

"Sige"

Ako nga pala si Althea. Mahilig sa fashion. Mahilig din ako magbasa ng books. Grumaduate akong Valedictorian nungHighschool ako. Nagkaroon ako ng BF, yun si Samson. Tumagal kami ng isang taon. Ok na ok naman yung relationship namin hanggang sa........

*FLASHBACK*

1 Message Received

From: ayen

Hello. Pwedeng magtanong?

Ako: Ano yun?

Ayen: Kayo pa ba ni Sam?

Ako: Oo naman, bakit mo natanong?

Ayen: Akala ko wala na kayo. Andami kaya nyang babae. Katunayan nga ginmit ka lang nya. Hindi mo ba alam na ang plano nya ay hanggang grumaduate lang magiging kayo?

Ako: Mahal ako ni Sam at alam ko yun. Hindi nya magagawa sakin to. Hindi mo masisira yung relasyon namin tandaan mo yan!!

*End of Flashback*

Sya si Ayen. Ex-GF ni Sam. Matagal na nya kaming sinisiraan. Ang daming balita ang kumalat sa School namin ng dahil sa kanya. Hindi nya kasi matanggap na mas pinili ako ni Sam kesa sa kanya. Hindi ko inagaw si Sam sa kanya.

Akala ko hamon lang saamin ito ni Sam. Akala ko nang dahil sa paninira ni Ayen eh magtatagal pa kami. Akala ko mas tatatag yung relasyon namin. Akala ko hindi magtatagumpay si Ayen. Pero lahat ng yun ay AKALA lamang.

Mag-iisang buwan na ring hindi nagparamdam si Sam. Hindi nya sinasagot mga tawag ko. Hindina sya nagtetext. Hindi ko na sya naaabutang magOL sa FB. Hindi na rin sya bumibisita sa bahay. Hanggang sa hindi ko na talaga kinaya, dahil nga sa paninira ni Ayen, napagdesisyunan kong makipagbreak na lang sa kanya. Kahit masakit sa akin kelangan kong gawin. Naniwala ako sa sinabi nila na KUNG KAYO TALAGA, PAKAWALAN MO MAN YAN EH BABALIK AT BABALIK DIN YAN. Babalik nga kaya sya?

*Flashback*

"Babe, belated happy monthasry and happy birthday sayo. Sana mabasa mo tong message ko, khit di ka na magreply ok na sakin tanggap ko na. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita pero wala na yatang dahilan pa para ipagpatuloy natin tong relasyon natin. Siguro nga nakahanap ka na ng iba. Maraming Salamat ah. Mag-iingat ka palagi. Break na tayo :( "

Message Sent

Mabasa nya kaya yun? :( Hindi ko yata kakayanin to. Mahihirapan siguro akong magmove on. Haaaayyyy.

1 Message Received

From: BabeSam

"Ate, si Nissy to. Nabasa na po ni kuya yung text mo. Wala naman po syang reaksyon."

Ouch. Nabasa na pala nya. Wala na nga talaga syang pakialam saakin. Hindi na nga nya yata ako mahal. Nagtagumpay nanaman si Ayen. :( Di bale, hindi lang naman sya ang lalaki dito ee. Marami pa.

*End of Flashack*

-

I Still Love Him- My Ex :(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon