Kaibigan nga ba? kaibigan nga ba kita?
Pero bakit? bakit di mo magawang sabihin sakin ang 'yong nadarama?
Bakit ang 'yong sektreto ay marami na?
Di ko man lang malaman kung anong nakatago sa likod ng 'yong maskara
Hindi ba ako katiwa-tiwala?
Kaibigan nga ba talaga kita? Pero bakit ganyan ka.
Ako'y lubos na nagtataka
Minsan, napakaprangka mong magsalita
Minsan naman, sa mga kilos mo'y namimintas ka
Ako ba sayo'y naging masama?
Binibigay at sinusunod ko naman lahat ng gusto mo hindi ba?
Pinapatawa pa nga kita, baka kasi may problema ka.
At baka sakaling ang problema mo'y mawala.
Pero minsan, ba't nakapekeng ngiti't tawa ka?
Kinaibigan mo lang ba 'ko para sa tuwing may kelangan ka,
Nandito ako para ibigay agad iyun hah?
Minsan hinahayaan kitang sumasama iba
Pero sa iba pala'y ako'y iyong sinisira
Alam mo bang sobrang sakit na,
Masakit kasi, yung tinuring kong kaibigan kong talaga,
Turing sakin ay kaaway pala.
-Arianxixuemae
YOU ARE READING
Tula Ko Para Sayo
PoesíaMga tula lamang ang nakapaloob dito, kung tula man ang maituturing nyo sa mga gawa ko. Just read TULA KO PARA SAYO, and Enjoy.