Kabanata 4

6 1 0
                                    

Ella Alexandria

Magtatakip-silim na nang mapagdesisyonan kong tumigil na sa paglalakad. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong naglalakad sa gubat na ito. Hindi ko narin alam kung nasaan na ba ako. At hindi ko rin alam kung anong oras na. Isa lang talaga ang bagay na sigurado ako sa mga oras na to.

At iyon ay ang katotohanang gutom na gutom na gutom na ako.

Halos hindi ko na makaya pang tumakbo. Nanghihina na ang buong katawan ko. Kumakalam na ang sikmura ko. Oo nga't madami akong nakikitang prutas o kung ano man sila na bunga ng mga puno sa gubat na ito. Pero hindi ko alam kung ligtas ba iyong kainin dahil kakaibang talaga ang itsura ng mga nakikita ko sa mga prutas na nakasanayan ko ng makita sa mundo ko.

Kanina bago ako nagsimulang maglakad ay sinabi sakin ni Alona ang mga bagay na dapat kong malaman dahil sabi nga niya, "Sa hinuha ko ay hindi ka talaga nagmula sa dimensyong ito." Katulad nalang ng mga bagay na nasa Magia Erresuma ako, ang dimensyon kung saan nabubuhay ang iba't ibang nilalang, at oo, sinabi nya rin saakin na mayroong iba't ibang dimensyon kung saan nabubuhay ang iba't ibang uri ng mga nilalang. Na ang mga tao rito ay nakagagamit ng iba't ibang uri ng kapangyarihan. Ito ay nahahati sa anim. Apoy, tubig, hangin, lupa, salamangka at liwanag.

Kaya naman sinabi ko naman sakanya ang totoo. Na tama ang hinala nya. Hindi nga ako taga rito. Nagsabi pa ako ng ilang kaibahan ng mundo ko sa Magia Erresuma. Tulad ng sa mundo ko, iilan lang ang naniniwala sa kapangyarihan, sa tulad nyang sirena at si Makiling ay isang diwata lamang at hindi isang diyos.

Sinabi ko ring ni minsan sa buhay ko ay hindi ako nakaranas ng sinasabi nilang 'kapangyarihan'.

There she said something that bothers me.

'

Wala akong masyadong nalalaman tungkol sa nagkakabit sa dalwang mundo. Ang alam ko lang, wala pang nakararating dito nang walang kapangyarihan.' Are her exact words.

Then how did I come here?

And that is the first mystery brought to me by this world.

Sinuggest nya rin na para maka-sigurado ako, dere-deretsohin ko daw ang gubat at makararating ako sa bayan. At sa dulo ng bayan, andun daw ang mga kaharian.

Hindi naman ako nainform na ganto pala kalayo ang bayan na sinasabi nya. At nagsisimula na akong matakot sa tinatagak kong daan. Bukod sa feeling ko ay naliligaw na ako, papadilim na din ang kalangitan.

Pinagmamasdan ko ang buwan nila habang nauupo ako sa isang naputol na katawan ng puno.

Kung sa mundo ko, palubog ang galaw ng araw pag maggagabi na, dito ay hindi. Kung sa mundo ko, minsan lang natin makita ang eclipse, mapa lunar o solar man, dito hindi. Kung sa mundo ko, parang napakalayo ng buwan at araw, dito hindi.

Sa kalangitan ay makikita ang dalawang malaking bilog ng magkaibang liwanag. Na kung titignan mo ay parang abot kamay mo na dahil sa sobrang laki nito.

Ang isa ay naglalabas ng puting nakasisilaw na liwanag at ang isa naman ay naglalabas ng itim na kumikinang na liwanag.

Unti-unting naglalapit ang dalawang bola ng liwanag. Iniintay ko ang mang-yayari. Baka kasi biglang sumabog. Pigil ang hininga kong inintay na maglapat ang dalawang bola ng liwanag.

Namangha ako ng hindi ito sumabog at nagmistula itong isang eclipse sa mundo ko.

Kung sa umaga'y magkapatong sila at nakaimbabaw ang liwanag, sa hapon nama'y maghihiwalay sila't pagsapit ng dilim ay mistulang magpalit sila ng pwesto. Nakaimbabaw na ang kadiliman sa liwanag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magia Erresuma: HALVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon