💋PROLOGO

22 2 1
                                    

Tumigil ang isang babae sa harap ng Casa De Sia's Angels, na isang bahay-ampunan para sa mga batang babae na inabandona ng magulang. Ang mga tagapangalaga ay ang mga naging matandang dalaga at mga na byudang walang anak.

Ito ay isang kawanggawa ng may-ari ng isla dito sa Casa De Sia ng pamilya Sia. Ang mga batang lalaking inabandona naman ng magulang ay obligadong ampunin o alagaan ng mga taga-isla. Kapag nasa tamang edad na ang mga ito ay pwede na silang magtrabaho bilang manggagawa sa Casa De Sia.

Ngayong dapit-hapon ay walang tao sa paligid at tahimik ang lugar. Simoy ng hangin at kuliglig lang ang naririnig ng babae. Nakasarado ang malaking gate na kulay rosas na nagsisilbing bakod ng Casa De Sia's Angels sa labas.

Lumingon ang babae sa bandang kaliwa at nakita nito ang kambal na malaking puno. Humakbang ito palapit sa puno. Sinabit nito sa magkabilang sanga ang hawak nitong dalawang bag. Ang isang bag ay bayong at ang isa ay shoulder bag pagkatapos nitong ma tsek na hindi mababali ang mga sanga ay mabilis itong umalis at iniwan ang dalawang bag.

Kinabukasan, pasikat palang ang araw ay nakaugalian na ni Nanay Susan ang lumabas, siya ang pinakamatanda sa Casa De Sia's Angels kaya siya ang namamahala sa bahay ampunan. Pagbukas palang niya ng gate ay bumungad na agad sa kanya ang nakasabit sa puno. Kumunot-noo ang matanda habang papalapit doon at sinilip kung ano ba ang nasa loob ng dalawang bag.

"Diyos ko." Nalaglag ang panga niya nang makita ang nasa loob nun at agad na kinuha. Bitbit nito ang dalawang bag papasok sa loob ng bahay-ampunan.

"Ano po ang dala niyo, Nanay Susan?" tanong ng batang si Emma na nasa sampung taon gulang pa lamang.

Hindi sumagot si Nanay Susan kaya sumunod si Emma sa matanda papunta sa isang kwarto. Pinatong nito ang dalawang bag sa kama at kinuha ang laman nun.

Umiyak ang isang sanggol na galing sa shoulder bag nang ilapag ni Nanay Susan sa kama. Ang sanggol naman na galing sa bayong ay tahimik na natutulog.

Tinitigan ni Emma ang dalawang sanggol. "Nay Susan, kambal po sila?"

"Oo, kambal sila. Hindi ako makapaniwalang sa tagal ng panahon ay may kambal nang titira dito." maluwang niyang ngiti habang pinagmamasdan ang kambal. "Magtimpla ka ng gatas baka nagugutom lang siya." utos ng matanda.

Emma immediately followed her and returned with two feeding bottles. Dinalahan na rin nito ang isang sanggol para pag nagising ay makainom na ng gatas. Tumahimik na ang isang sanggol pagsalpak ng tsupon sa bibig.

Tuwang-tuwa si Nanay Susan at Emma habang pinagmamasdan ang kambal. Para silang naduduling lang dahil parehas na parehas ang dalawa.

"Bakit kaya iniwan sila ng magulang nila, kung ako may kambal na anak tapos ganyan kaganda ay hindi ko iiwan, gagawin ko silang artista." ani Nanay Susan.

Tinitigan ng matanda ang kambal, naghanap siya na palatandaan sa mga ito. Siguro naman ay may pinagkaiba pa rin ang dalawang sanggol. Palihim siyang ngumiti nang may nakita siya.

"Ano po ipapangalan natin sa kanila?" tanong ni Emma.

"Ang may nunal sa kaliwang dibdib ay ipapangalan natin ay Lai at yung isa ay si Lei na may nunal sa kanan ng dibdib." ani Nanay Susan.

"Si Lai at si Lei." ngumiti ang batang si Emma pagbigkas nito.

Si Lai at si LeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon