Chapter 6

400 17 6
                                    

CHAPTER SIX

"Uy Ate Vans, hello!" Bati sa akin ni Tin. Aksidente ko siyang nakasalubong dito sa mall habang busy ako sa pagtingin ng mga restaurant. Oo, pagkain lang ang pinunta ko dito at wala ng iba pang dahilan. 

"Hey~! Teka, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Inangat naman niya ang dalawa niyang kamay na puno ng shopping bags. Napataas naman ako ng kilay. 

"Ohmygee, don't tell me sinapian ka ni Star?!" Pagbibiro ko. Tumawa naman kami pareho. 

"Grabe ka Ate Vans, ang hard mo ah! Hahaha!" 

Umupo naman kami sa loob ng Mcdo at nag-order ng BFF Bundle. Feeling bata muna kami ngayon. 

"Hmmm, nga pala!" Tumingin naman ako kay Tin. 

"Hm?"

"Nilapitan ako ni Charles kahapon, pinapatanong niya kung pwede kang ma-interview!" 

Napakunot naman ang noo ko. Interview?

"Para saan?"

"About dun sa relationship ninyo ni Oliver." Halos maibuga ko naman ang fries na kinakain ko doon sa sinabi ni Tin. Langya, naalala ko na naman siya. Kaya nga ako nagpunta dito sa mall para mag-relax eh. Kaasar. 

"Okay ka lang Ate Vans?" 

Tumango nalang ako. "Um, sabihin mo kay Charles ano... um..." Ano? papa-interview ba ako or hindi? Baka kasi kung ano-ano ang itanong sa akin nun tapos wala naman akong maisagot kasi nga... pretend girlfriend niya lang ako.

WAIT.

This is a good idea. Ohemgee. 

"Sige pumapayag ako!" I exclaimed with matching tayo pa. Nagulat tuloy si Tin sa reaksyon ko at nakita kong nagtinginan yung ibang customers sa akin kasi ang lakas din ng boses ko pagkasabi ko nun. Umupo nalang ulit ako sa kahihiyan na ginawa ko. 

"Okie, I'll text him nalang kung kailan ka available. Kahit sa practice time nalang 'no Ate Vans?" I nodded. 

I smirked on the inside. Maybe, ito na ang escape route ko sa fake relationship namin ni Laurenz Oliver ano? Whatcha think? 

*** 

I don't even know what I'm doing and I don't even know why I'm here in the first place. 

"Mukhang mas bagay yata ito kay Vanessa, what do you think?" Tanong ni Tita Jennica kay Mommy habang tinatapat nila sa akin yung isang color pink na dress na 5 inches hanggang tuhod ko. Matindi 'to, bakit ang ikli grabe!

"Um Tita, next? Ahehehehe, hindi ko kaya ang ikli niyan!" I said. Natawa naman si Tita Jennica and I saw my mommy looking at me.

"Sabagay, sleeveless na nga maikli pa. Sige, let's change outfit." Binalik naman ni Tita yung damit doon sa rack and naghanap ulit sila ni Mommy. Umupo nalang ulit ako doon sa sofa habang hinihintay sila makapili ng damit na if-fit ko. Haaaay, bakit ba kasi sinabi ko kay Mommy na pupunta ako ngayon sa mall? Ayan tuloy. 

"Oli, tapos ka na diyan?" Katok ni Tita Jennica doon sa fitting room. Pagkabukas naman noon ay tumambad sa harapan ko ang isang halimaw, bakulaw, demonyo at lahat lahat na. Lintek talaga, akala ko hindi ko na siya makikita ngayong araw. Pesteee!

"Wow, mas bagay 'yan sa'yo kaysa doon sa isang suit! Okay, we'll go with this." Bulalas ni Tita Jennica na manghang-mangha doon sa suot ni Laurenz Oliver. 

"Bagay naman sa kanya, hindi ba Vanessa?" Nagulat ako nung bigla akong tinanong ni Tita. Napaayos tuloy agad ako ng upo at napatingin sa direksyon nila. I examined Laurenz Oliver and saw him smirking at me. This guy.... ugh!

"B-Bagay naman po sa kanya Tita." Sabi ko and looked away. Tumayo nalang ako at tumingin nalang din doon sa ibang racks ng damit para hindi na ako tanungin ulit pa ni Tita. Mahirap na, lalaki ulo ng lalaking noon kung gagatungan ko pa. 

Busy ako sa paghahanap ng matinong dress nung biglang nagsalita si Laurenz Oliver. 

"Won't this look good on Vanessa? Terno pa sa suot kong suit." I heard him say. Napalingon ako sa kanya at nakita kong hawak-hawak ang isang black dress na may red ribbon na parang belt. Mukhang nagustuhan naman iyon ni Tita at ni Mommy at agad na itinapat sa katawan ko.

"OMG, ang ganda talaga ng taste ng anak ko. Come on Vanessa, try this on." Excited na sabi ni Tita saka niya inabot sa akin yung dress. Tinulak naman nila ako papuntang fitting room pero bago pa ako makapasok ay tinaliman ko na agad ng tingin 'tong si Laurenz Oliver. May araw ka din!

It took me 3 minutes to wear the dress. Ang dami ko din kasing suot na kung ano-ano sa katawan ko kanina kaya ayan, natagalan ako. 

Lumabas na ako ng fitting room and saw my mommy and Tita gaping shockingly at me. 

"OMG, it's perfect! Wow!" Bulalas ni Tita. 

"Mana talaga sa akin ang anak ko." Mommy said. I smiled fakingly kasi hindi ko naman alam kung anong dapat kong gawin or sabihin. 

I looked at Laurenz Oliver desperately holding in his laugh. I glared at him and stuck my tongue out. 

Ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'to kahit kailan. 

"Then you'll have to wear this stilletos and we'll go find some accessories that'll fit in that. Okay?" Sabi ni Mommy. I nodded. Nagbihis na ulit kami ni Laurenz Oliver habang binibili nina Tita yung damit namin pareho. 

"Malas ka talaga kahit kailan." Bulong ko sa kanya, careful not to let Tita hear it.

"Sus, pampaswerte kaya." He said proudly. Tinaasan ko naman siya ng kilay. 

"Sa lahat-lahat ng pwede mong gawing partner sa party, bakit kasi ako pa ang pinili mo. Napakalaki mo talagang kamalasan sa buhay ko. Tss." 

"Well, goodluck." Sabi niya sabay kindat pa. Feeling pogi eh. Asar. 

Humanda ka talaga sa interview Laurenz Oliver, mapapahiya ka talaga sa buong school. Tsk!

The Wrong Boyfriend (Girls' Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon