Chapter 3: Assists

6 3 0
                                    

Risha's P.O.V

Malakas na katok ang gumising sa akin. Papikit pikit kong tinungo ang pintuan at ito ay binuksan.

"Hi there! Mag-aalmusal na kami. Gusto mo bang sumabay" nakangiting bungad sa akin ni Flery.

"Yes" sabi ko at tumalikod na sya.

Naabutan ko na silang kumakain.

"Risha tara kai-- *cough* *cough*" halos lumuha si Kisha dahil nabilaukan sya.
Hinimas himas naman ni Flery ang kanyang likod at pina-inom sya ng tubig.

"Ayos ka na ba?" Anang ng kanyang kaibigan.

"Ayos na ako" at bahagyang tumawa sya.

"Ikaw kasi eh, lalapit din naman sya pero ikaw tong dakilang madaldal ayan tinawag pa sya" pangaral pa ni Flery.
Napalabi naman si Kisha.

"Yuck! Kadiri ka friend. Bawal kang gumanyan sa harap ng pag kain. Nakakawalang gana" Pang-aasar pa nito.

Babatukan na sana sya ni Kisha ng gumawa ng ingay ang pag hila ko ng upuan.

"Hehehe, sige kain ka na. Ikaw talaga Flery, nakaka hiya may bago pa naman tayong kasama" napakamot sa ulong sabi ni Kisha.

"Aba! Ako pa talaga ha. Yari ka sa akin mamaya" at sumubo na ng pag kain si Flery.

Tahimik kong hinuhugasan ang mga plato nang mag salita si Kisha sa aking likuran.

"Ayos na ba ang mga gamit mo para sa pasukan?" Tanong nya.

"Hindi pa" sagot ko. Nag aantay pa yata sya sa iba kong isasagot dahil hindi pa sya umaalis dun sa kanyang pwesto.

Nakita kong nilaro nya ang kanyang mga daliri bago muling magsalita.

"Sasamahan ka namin ni Flery sa pamimili mo ng gamit at pag papatahi ng uniform" naka ngiti nyang saad but her eyes shouts hesitation. Napa tango nalang ako.

"Ah pag katapos mo pala dyan, maligo kana para maka alis na tayo." At tumalikod na sya.

Ng matapos ko na nga ang pag huhugas tinungo ko na ang aking kwarto at inihanda na ang susuotin kong damit at pumasok na sa banyo para maligo.

"Risha tapos ka na ba?" Katok ni Kisha.

"Malapit na" sagot ko.

Nang matapos ko ng itali ang aking mahabang buhok ay pinasadahan ko pa ang aking sarili sa salamin. I'm wearing a white shirt and a ripped jeans then I paired it with my favorite black and white converse.

Naabutan kong nag kwe kwentuhan sina Flery at Kisha ng makalabas ako ng kwarto.

"Oh ready kana pala. Kaya, gora na tayo!" Sabi ni Flery.

Ngumiti nalang ako at nag pahila sa kanilang dalawa.

Para narin kaming mayroon sariling bayan dito, dahil ng makalabas kami ng paaralan, may makikita kang di kalakihang mall, cafe, boutiques, kahit hospital meron din dito.

Hindi ko ito napansin nung nakarating ako dito, dahil ang buong atensyon ko ay ang paaralan lang.

"So tara na! Punta na tayo kay Ms. Kila para mapatahian ka na ng uniform" at hinila na nila ako sa isa sa mga di kalakihang boutiques.
Bago kami makapasok sa loob ay nahagip ng mata ko ang mga manikin na naka display sa harapan. Hmm, magaling nga siguro syang gumawa ng damit.

"Good morning Ms. Kila, may gusto pong magpatahi ng uniform" nakangiting bungad ni Flery.

"Oh! Magandang umaga din Flery, Kisha. Isa ba sya sa mga bagong estudyante dito?" Anang Ms. Kila.

"Opo, so pwede nyo na po ba syang sukatan?" At pinalapit ako kay Ms. Kila. Ngumiti nalang ako.

Makalipas ang ilang minuto...

"Ang ganda ng katawan mo iha, alagaan mo yan" tumango nalang ako.

"Flery, nakita mo na ba ang The Alpha Pieces?" Narinig kong tanong ni Kisha.

"Hindi pa nga" nakasimangot na sagot ni Flery.

Napatigil ako sa paglalakad ng may naalala ko.

"May problema ba?" Lingon sa akin ni Flery.

"Ah may sasabihin lang ako kay Ms. Kila tungkol sa pag tahi ng uniform ko" at dali-daling bumalik kung saan kami tumungo.

Pagbalik ko kung saan ko iniwan ang dalawa kong kasama ay nakita ko silang parang mga bulate na hindi na mapakali.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Kakadaan lang ng The Alpha Pieces" kinikilig na sabi ni Kisha.

"Parang kanina lang pinag- uusapan namin sila, nang bigla nalang dumaan sa harapan namin. Kyahh!" Kinikilig din nasabi ni Flery at sinabayan pa ng irit.

"Sino?" Tanong ko.

"Ayun oh!" At tinuro ang grupo ng mga lalaki at babaeng naglalakad palayo sa amin.

Halata ngang sikat ang mga iyon dahil sa bawat taong madadaanan nila ay napapalingon sa kanila, also their aura shouts authority and mystery. Just staring at them gives me creeps, it is obvious that they are danger and trouble, so I better avoid them.

"Hey, may gagawin ka ba sa buong linggo?" Tanong sa akin ni Kisha. Umiling ako.

"Gusto mo bang sumama sa amin. You know girl bonding?" Nag aalinlangang tanong ni Flery.
Why not? Wala naman akong gagawin sa halos isang linggo, siguro maganda ding sumama sa kanila para makilala ko sila at baka matulungan nila dito sa paaralang ito.

"Ok, I'll join you guys" pag tanggap ko sa pa anyaya ng mag kaibigan.

"Great!" Flery squeal.
Muntik ng lumawa ang aking mata ng biglang ilabas nya ang kanyang long list.

"See this. I already plan what we will gonna do for the whole week" at masaya pa nyang ibinalandra sa akin ang kanyang list. Well I guess my whole week here will not gonna be the boring one.

#
_____________________________________
© MyNameIsHali
Halitreia Tatilahana

Gravestone UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon