Chapter 1: Passed, Approved, Good bye

7 3 0
                                    

Risha's P.O.V

Congratulations Ms. Alejo. You've passed the exam. As exchange for your hard work, you will get a full scholarship, monthly allowance and a free room from the school dormitory.

Please pack your things, cause tomorrow one of the admin in the school will pick you up. When you get to the school we will talk about the rules and regulations.

Good day!

Gravestone University

Tili ko ang pumuno sa tahimik naming pamamahay.

"Risha" sita sa akin ng aking ina.

"Pasensya na ho ma!" Sigaw kong hingi ng paumanhin.

I really doubt that I could pass, but here it is I'm reading and touching the proof! I passed?! I freaking passed the entrance exam and now I can study in my dream school!

Lumabas na ako ng aking silid upang ibalita sa aking ina na ako ay naka pasa sa entrance exam ng isang sikat na paaralan.

"Ma! Ma! Tingnan nyo po oh!" Masaya kong ipinakita sa aking ina ang sulat na galing sa paaralang gusto kong pasukan.

"Nakapasa po ako" nakangiti kong pahayag. Ngiti lang din ang isinukli sa akin ng aking ina.
Napabuntong hininga ako, my mom didn't really want me to go to that prestigious school. The reason? It is still a mystery to me.

"Ma naman eh!" Napa padyak ako sa ipinakitang reaksyon sa akin ng aking ina.

Napabuntong hininga si mama.
"Congrats nak!" May bahid ng lungkot ang kanyang boses.

Niyakap ko sya.
"Pasensya na ma, ito po ang gusto kong pasukan na paaralan eh" sabi ko.

"Ok lang anak, siguro kaya ako ganito dahil mamimiss kita." At ginantihan ako ng yakap.

"Uuwi naman ako kapag vacation ma, o di kaya kapag sembreak. Wag ka na pong malungkot" pag lalambing ko. Naramdaman ko ang paghigpit nya ng yakap sa akin.

"Oh sya sige na, wala na din akong magagawa. Ipag luluto na kita ng paborito mong ulam"

"Yie, salamat ma! Love you" at pumasok na ako sa kwarto para maligo.

It really saddens me though by thinking I will leave my mother here, in this lonely house. But I really need to do this, for me and for her.
Para sa kinabukasan ko ito at para sa ikagaganda ng buhay namin, dahil sa totoo lang hindi kami mayaman.

Ng matapos ay nagbihis ako at pumunta sa hapag, dahil ako ang mag hahanda ng mga plato at kutsara.

Pag katapos kumain at pag katapos kung mag hugas ng plato ay nag paalam ako kay mama.

"Ma, punta lang ako kay Hamish" Hamish is my only girl best friend, sa kadahilanan na din ilag ako sa mga tao at wala din akong hilig makipag sabayan sa mga babaeng ang alam lang ay inarte at pag gagasta.

"Sige anak, basta bumalik ka din ng maaga ha. Mag eempake pa tayo ng gamit mo."

Humalik ako sa pisnge nya at tumungo na sa bahay nina Hamish.

"Tita andyan po ba si Hamish?" Tanong ko sa babaeng nagdidilig sa harap ng isang malaking bahay.

"Wala sya dito Risha, nag paalam kasi sya na may pupuntuhan sya" sagot ng ginang.

Mag papaalam na sana ako sa kanya kaso wrong timing ang pagpunta ko dahil nasa ibang lugar sya.

"Salamat po tita, sige po mauna na ako" paalam ko.

Tumalikod nalang ako at tumungo sa parke dito sa aming lugar.

Umupo ako sa isa sa mga swing at inisip ang mga pwedeng mangyari sa akin  sa paaralang pinapangarap ko at ngayon ay abot kamay ko na.

There are too many possibilities that makes me feel anxious and excited.

Halos mag gagabi na ng makauwi ako sa bahay, napa haba ang pag iisip ko.

"Anak tara mag hapunan na tayo, para makapag ayos na tayo ng gamit mo at makapag pahinga kana" salubong sa akin ni mama

"Sige po ma" at tinungo na namin ang hapag kainan.

"Nakapag paalam kana ba kay Hamish?"

"Hindi po ma, wala kasi sya sa bahay nila. Ng tinanong ko naman po si tita walang sinabi sa kanya si Hamish kung saan pupunta." Malungkot na kong pag iimporma sa kanya.

"Ayos na ba iyan? Oh tama na ba iyang gamit na dadalhin mo? Bat parang ang unti naman nyan?!" Natawa ako sa inasta ni mama.

"Ma kalma, hindi ko kailangan dalhin ang buong bahay duon"
Napa buntong hininga siya.

"Anak wag mong pababayaan ang sarili mo ha. Kumain ka ng maayos. Lumaban ka kapag may ng away sayo dun" paalala ni mama. I feel warm sensation building in my heart.

"Ma naman, ang laki laki ko na pero kung makapag habilin ka para lang akong isang paslit ah" I pout, she always says that whenever I'm leaving.

"But you're always be my baby" nanatawang hinaplos ni mama ang aking buhok.

Tahimik ko lang pinakikiramdaman ang galaw ng aking ina. Pinapakiramdaman ang kanyang presensya, ang kanyang malambot at mainit na palad sa aking ulo.

"You should go to sleep. Maaga kang susunduin bukas" aniya at tumayo na.

"Good night anak" hinalikan ako sa noo.

"Good night din ma" at ng maipikit ko na ang aking mata, sinakop agad ng kadiliman ang aking ulirat.


"Risha, dalian mo na dyan. Ang sundo mo ay nan dito na" katok sa akin ni mama.

"Opo ma! Malapit na pong matapos"

Dali dali kong inipit ang aking buhok, at nag mamadaling lumabas ng kwarto.

Naabutan ko sa may sala si mama at isang lalaki. Ang seryoso silang nag uusap.

"Ma" tawag pansin ko.

Napalingon si mama at ang kanyang kausap.

"So, nice to see you again. Mad--" itinaas ni mama ang kanyang kamay para ipabatid na wag ituloy ang sasabihin.

"Matagal na yun at kinalimutan ko na yun. Kaya sana huwag mong ipag sabi itong aksidenteng pagkikita natin Mr. Safir" di ko mabasa ang ipinapakitang emosyon ni mama sa taong kausap nya.

Tumango ang kausap ni mama.

"Sige na Risha, sumama ka sa kanya. Para maaga kayong makarating" at iginaya na kami papunta sa sasakyan.

"Bye ma" yinakap ko sya ng makarating na kami sa gate ng bahay.

"Mag ingat ka anak." At hinalikan ako sa noo.

Sumakay na ako ng kotse. Sumilip ako sa likod at nakita ko ang lumalabong pigura ng aking ina.

Paalam ma, mamimiss kita...

#
___________________________
© MyNameIsHali
Halitreia Tatilahana

Gravestone UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon