Akala

56 0 0
                                    

Akala ko madali lang lumimot
Akala ko madali lang mabura yong mga alaala
Pero bakit sa tuwing pumipikit ang aking mga mata ay ikaw ang nakikita
Nasasabi ko nalang sa sarili ko, Ang sakit pala.

Akala ko ba ok na ako
Akala ko ba kaya ko na
Akala ko ba tapos na
Pero akala ko lang pala

Hindi mo naman kasi mabubura yong alaala
Hindi mo din naman kayang lumimot nalang basta
Kasi minahal mo eh, minahal mo yong taong hindi naman para sayo
Kasi minahal mo yong taong may mahal ng iba

Akala mo kapag kayo, ikaw na ang mundo niya
Akala mo pag sinabi mong mahal mo sya mahal ka din niya
Akala mo nakukuha ang lahat sa mga magagandang salita
Kaya saan ka dinala ng akala mo ngayon?

Sep 30, 2018

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon