Surpresa

46 1 0
                                    


"Saan ba tayo pupunta ha Jeremy? Kanina pa kita tinatanong eh. Di mo naman ako sinasagot." Tanong ko sa kanya ng inirapan ko siya ng pabiro.

"Angela, basta surprise nga diba? Kalma ka lang diyan. Gusto mo matulog ka pa eh kasi, mga 30 minutes pa bago tayo makarating doon." Sagot ni Jeremy habang seryosong nagmamaneho.

"Hayy nako sige na nga. Gisingin mo nalang ako pag nandun na tayo ah?" Sabi ko ng iiglip ko ang mga mata ko.

.
.
.

30 minutes later...

(Jeremy's POV)

Nakarating na nga kami sa lugar kaso... ang himbing pa ng tulog niya. Kaya kong titigan ang kanyang mukha magdamag. Ewan ko nga ba kung bakit nagustuhan ko itong babaeng ito eh. Binago niya ang buhay ko. In a good way.

"Angela? Gising na. Andito na tayo." Ibinulong ko sa kanyang tenga.

"Ha??? Ayoko pa... ikaw na muna lumabas. Sarap pang matulog eh..." Sagot niya ng subukan niyang matulog ulit.

"Eh, di pwede yun. Dapat tayong dalawa nandon. Dali tara na." Sinubukan ko siyang gisingin ulit.

"Okay... eto na po boss..." At siyay umupo ng diretso at inayos ang kanyang mukha't buhok sa harap ng salamin.

"How do I look boss?" Tanong niya sakin habang nakatitig sa aking mga mata.

"Uhm... you look... beautiful as usual."

"Bakit may 'uhm' sa una ha? Haha o sya, shall we go to the secret place na surprise mo sa akin?"

"Sure madame."

At bumaba ako sa coche ng dalian kong buksan ang kanyang pinto para ibaba siya.

Katapos ay naglakad na kami papunta sa lugar na inihanda ko para sa kanya. Matagal ko na kasi siyang gustong i surprise with the things that makes her happy.

She likes simple things. Which I liked about her.

Ayaw niya ng mga gamit as presents. Not because hindi mahal yung bagay, but because she'd rather go out and do lots of adventure.

Gustong gusto niya na may napapasaya siya. Ayaw niyang may nakikitang malungkot because... she's been there.

She felt how sadness can actually change someone's personality and life. In a bad way.

I was one of those sad people. Pero nung dumating siya sa buhay ko, Nag bago ang lahat. Lagi niya akong pinapasaya, minomotivate at sinosupportahan sa lahat ng ginagawa ko.

Kaya ngayong gabi, gusto ko na... ako naman ang magpasaya sa kanya.

......

To be continued...

Tuwing GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon