I wasn't that interested in science pero napasama ako sa science camp all because I am one of our school's topnotcher. I am fourth year high school at ngayon lang ako makakaranas umattend ng ganito. I don't want to go pero para sa grade at maingatan ko ang position ko as valedictorian ay napilitan pa rin akong pumunta.I busied myself in observing the whole time at the camp. Kung sana kasama ko man lang si Stephanie ay hindi ako mabobored. Mas lalo akong nakaramdam ng inis. She's acting weird this past few days. Palagi kasing nasa bahay lang sya at hindi na kami nagkakasama madalas. I oftentimes call her but she never answers. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka iniiwasan nya na ako.
Nakatitig lang ako sa bonfire sa harap na napapaligiran naming mga estudyante habang may lalaking kumakanta at naggigitara. I am still thinking of Steph. Naguguluhan na ako sa ginagawa nyang pagtanggi sa mga aya kong date at hindi pagsagot ng tawag ko. Hindi na ba nya ako mahal?
"Tol.. Sya yung sinasabi ko sayong lider nung sikat na banda sa Calapan.." natigil ako sa pag iisip nang sikuhin ako ni Shan. I frowned at him before looking at the guy he is pointing. Sa halip na ito ang makita ko ay naagaw ng pansin ko ang isang babaeng hindi kalayuan sa amin. She has that glowing smile na kahit ako ay napapangiti dahil roon. Lumalabas din ang konting dimple nito at kumikislap ang kanyang mga mata.
"Sino yun?" Tanong ko kay Shan pero hindi yata nito narinig ang sinabi ko. "Nevermind..."
"Girlfriend nya yata yung maganda... Tingnan mo naman kung magtitigan.." Hindi ko alam kung bakit nainis ako bigla. Mas lalo akong nawalan ng ganang panoorin ang walang kwentang campfire kaya minabuti ko na lang bumalik sa tent para matulog na. Gusto ko ng mag umaga para makauwi na agad ako.
"Ayos tol ha... Hindi mo man lang ako ginising.. Hindi pa ako nakakaayos ng gamit.."
"Tsk.." Iniwan ko si Shan na parang babae kung pumutak. Ang aga aga ay napaka ingay nya.
Ilang beses na akong tumatawag kay Steph pero hindi pa rin sya sumasagot. Dati naman ay isang ring pa lang ay sinasagot nya na agad.
Napamura na lang ako at sumuko ng tawagan sya. Hindi nya rin nireplyan ang mga message ko sa kanya simula ng science camp na ito.
"I..I'm going back to Calapan...b..but before that...C..can I get your number first?..i..if you don't mind." Napakunot noo ako sa narinig. Nilingon ko kung saan nanggalig ang boses na iyon..
"S..sige.." Pinanood ko ang reaksyon ng babaeng kausap nito. It was the girl i saw last night at iyong lalaki ay ang sinasabi ni Shan na lider ng sikat na banda sa Calapan. Namumula ang mukha ng babae at mukhang nahihiya. Now, i dislike her. Masyadong easy to get.
"Oy tol..san ka naman galing?.. Naghihintay na service natin.."
Dire diretso ako sa parking area nang hindi nililingon si Shan. I am so pissed. Hindi nya dapat basta basta binibigay ang numero at nakikipagkita sa lalaki sa ganung lugar ng mag isa. Paano kung hindi mapagkakatiwalaan iyong lalaki?
"Tulog pa siguro si Steph kaya di mo matawagan, tol... Agang aga busangot ka dyan.."
Tinapik ni Shan ang balikat ko nang maupo ito sa tabi ko sa loob ng sasakyan. What he said hits me. I am pissed not because of Steph kundi dahil sa babaeng yun na hindi ko naman kilala. Kung kapatid ko yun ay malamang nasuntok ko na iyong lalaki at napagalitan ko pa ang kapatid ko.
Itinulog ko na lang ang buong byahe para makaiwas sa ingay ni Shan. Ginising na lang ako nang makarating ng bahay namin.
"Kuya Maico!.. We miss you!" Sinalubong ako ng dalawa kong kapatid na babae. Natulog na nga lang ako sa byahe para makaiwas kay Shan pero hindi naman ako nakaiwas sa dalawa kong kapatid na doble pa ang iniingay.
"Jamming muna tayo kuya Maico.. Nandyan si Kuya Jared... Sige na.." Hinila ako ni Kc paupo sa sofa at iniabot sa akin ang gitara.
