I

6.1K 81 2
                                    


          "Bb, I miss you" Napangiti ako sa boses na narinig ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at ang ngiti nya ang bumungad sakin. "Goodmorning" Ngiting sabi nya at akmang hahalikan ako pero nilayo ang muka ko at tinakpan ang bibig ko. 

"Bb, okay lang yan. Lab parin naman kita" Sabi nya pero iling lang binigay ko at patakbong pumunta ng Cr at naghilamos ng muka at nag toothbrush. "Are you done?" Rinig kong sabi nya kaya iling kong binuksan ang pinto ng Cr at napaatras ako. 

"Sorry..." Nakangiting sabi nya habag hawak ang bewang ko dahil hinila nya ako papalapit sakanya. "Ikaw naman kasi! Bakit kailangan pang mang gulat dyan" Nakangiting  sabi ko at hinila sya sa paupo sa kama. 

"I miss you po kasi" Sabi nya at bigla akong hinalikan sa lips kaya napangiti ako at umiling. 

"Goodmorning,Bb" Sabay namin sabi at natawa kaming dalawa..."Wala kang pasok ngayon?" Tanong ko sakanya graduating na sya this year at ako kakatapos ko lang grumaduate. 

"Uh-uh...tapos narin ang training, b" Nakangiting sabi nya kaya tango tango akong ngumiti. 

"Nasa baba pa si Ate Pangs?" Tanong ko at tumayo dahil para kumuha ng ipit sa buhok ko. 

"B, bakit nagiipit kapa eh maikli na ang buhok mo" Natawa ako sa sinabi nya at hindi ko na lang sya sinagot dahil miski ako ay hindi ko alam. Nasanay lang ako siguro sa kada game ay nagiipit kaya ganun. "Tara na b, baba na tayo" Nakangiting sabi ko sakanya at nilapitan sya pero humiga pa sya sa kama ko kaya iling akong lumapit sakanya. 

"B" Tawag ko sakanya kaya napatingin sya sakin pero nag-pout lang sya kaya natawa ako dahil sa kakyutan na pinapakita nya sakin. "Kiss mo muna ako tas baba na tayo" Nakangiting sabi nito at nag indian sit pa sya, Dahan  dahan kong nilapit ang muka ko sakanya habang sya pumikit pa. 

Agad ko syang binigyan ng mabilis na halik dahil para ikamulat nya. "Yun na yun?" Tanong nya at tanging ngiti lang ang binigay na sagot ko sakanya at naglakad na palabas ng kwarto pero bigla nya akong hinila at nanlaki ang mata ko pero agad ko rin pinikit at hindi ko maiwasan na gumanti sa halik na binigay nya hanggang sya ang bumitaw at yinakap nya ako at ginantihan ko ito habang nakangiti ako. "Let's go na, b" Sabi nito at tinignan ako kaya agad akong humawak sa kamay nya at tinanguan sya. 

I'm super blessed because I have her. Hindi ako makapaniwala na sya ang binigay sakin ni God para makasama ko at sana pang habang buhay nato. 

Nakangiti kaming bumaba at nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa dahil kahit kailan wala akong balak na bitawan sya. Sobrang thankful ako sa pagdating nya sa buhay ko, Binuo nya yung Jessica na winasak ng iba kaya wala akong balak na wasakin ulit ang sarili ko.

     "Deanna" Tawag ko sakanya at sa paglingon nya ay agad ko syang yinakap ng sobrang higpit. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko pero hindi kaya ng mga salita. 

"Yiiiiie" Sabay kaming napahiwalay sa pagkakayakap ko dahil sa boses na yun. "Mafe! Sabi nang wag mong guguluhin eh!" Saway sakanya ni Ate Pangs. That's my sister Jovilyn Galanzaa and yung bunso is Mafe Galanza. 

Hinawakan ko ang kamay ni Deanna at tinignan sya and she is my girl. Deanna Wong.

"Tara na nga, kumain na tayo" Sabi ko at hinila si Deanna papuntang dininig table namin agad ko nilagyan ng pagkain ang plato nya. Namiss ko sya dalawang araw din kaming hindi nagkita. 

"Wala nang bakas ng past ah" Napalingon ako sa nagsalita. "Cy!" Saway ni Ate Pangs at binatukan sya bigla akong nawalan ng gana dahil sa naalala ko na naman sya. "B" Bumuntong hininga ako bago ako ngumiti sakanya at tumango. 












        "Happy 3rd Monthsary, babe" Napatingala ako at unang bumungad sakin ang liwanag dahil nasa park ako at hinihinatay ang babaeng nasa harap ko ngayon. Agad syang umupo sa bakanteng space sa tabi ko. "For you, babe" Ngiting sabi nya at binigay ang tatlong piraso ng blue roses tinanggap ko yun at ngumiti sakanya.

"Happy 3rd Monthsary din babe" Nakangiting sabi ko sakanya at yinakap sya. "Sorry, late na ba ako?" Tanong nya at agad akong umiling at ngumiti sakanya. 

"I miss you" Sabi nito kaya biglang akong nahiya dahil sa sinabi nya. Ewan ko ba tatlong buwan na kami pero nahihiya parin akong hawakan sya o kaya titigan lang sya. "I m-iss you too" Sabi ko at inalayo ko ang tingin ko sakanya pero bigla nyang hinawakan ang baba ko at hinarap ito sakanya at bumungad sakin ang mapungay nyang mata at ang maganda nyang ngiti. 

"Sobrang mahal kita" Para bang matutunaw ang puso ko dahil sa sincere na pagkakasabi nya. 

"Sobrang mahal din kita" Nakangiting sabi ko sakanya pero bigla nya akong yinakap at hindi na ako tumanggi pa roon dahil ito ang kailangan namin dalawa ngayon. Hindi ko na yata kakayanin kapag nawala pa sya sakin. Gumanti ako ng yakap sa kanya at hinigpitan ko yun. 

"Let's date, babe" Ngiting sabi nya at bumitaw sa yakap nya at tangong nginitian ko lang sya. Sobrang mahal kita Bea. 









      "B, you okay? Ayaw mo na?" Napatingin ako kay Deanna at nilibot ko ang paningin ko at nagkatitigan kami ni Ate Pangs at tinanguan nya ako. Ilang buwan pa lang nakakalipas simula ng iniwan ako ni Bea. Hindi ko na dapat patong maramadaman! dapat wala na yung sakit! 

"B...did you hear me?" Tango at pilit na ngiti ang binigay ko sakanya. Bakit pa kasi kailangan maalala ko sya. "Uhmm, B...later let's eat some Ice cream?" Nakangiting sabi nito at napabuntong hininga ako. Binibili nya lang ako ng Ice Cream kapag nagtatampo ako sakanya kapag hindi ako okay. 

Jema, umayos ka. Wag mong saktan si Deanna. "Sure baby, mall narin tayo you want?" Binigyan ko sya ng ngiti at this time totoo na yun. Ayokong maramadaman nya na ginagamit ko lang sya. Apat na buwan ko na syang minamahal pero hindi ko maalis alis sakin yung sakit. "I'm always just here, Baby" Binitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor at mabilis syang binigyan ng halik. 

Don't get me wrong ha? Mahal ko si Deanna. Hindi ko naman sya sasagutin kung hindi pero kasi hindi ganun mawala yung sakit na dinulot ng taong minahal mo ng sobra at sinabi ko yun kay Deanna bago pa lang akong pumayag na ligawan nya ako. Mahal ko sya pero may kunting sakit parin sa puso ko eh at gusto ko ng mawala yun. "Before tayo mag mall, ubusin muna natin yung pagkain natin ha?" Nakangiting sabi ni Deanna kaya ngiting tinanguan ko rin sya. 

    "Here's your Ice cream babe and of course with fries too!" Nakangiting sabi nya kaya ngiting kinuha ko rin ang binibigay nya. Sobra sobra sya sa hinihiling ko kay G. 

Naglakad lang kami at nagtingin tingin sa mga stalls hanggang sa maubos namin dalawa yung binili nya napatingin ako sakanya ng may ice cream pa sya sa gilid ng labi nya kaya agad ko syang pinigilan sa paglalakad at tinignan nya ako ng may pagtatanong kaya umiling ako sakanya at ngumiti. Agad kong kinuha ang panyo ko at pinunsan yung amos nya. "Dungis ng baby ko eh" Natatawang sabi ko at dahilan para matawa din sya. 

   "Tara b, arcade tayo" Nakangiting aya nya sakin kaya agad kong hinawakan ang kamay nya at tangong nginitian sya. 

Best PartWhere stories live. Discover now