Mga kababayan , si Mark Macaraeg.
MAKOY's POV
Hindi ko alam kung kailan ako naging "Marcus" dahil mula pagkabata, ako si "Makoy ".
Siguro,nagsimulang mabuhay si Marcus sa katawan ni makoy noong ideklara ng mga magulang ko na angat kami sa Iba .
Mga kababayan,ipinapakilala ko ang aking mga magulang: ang mga trying HARD.
Mayaman DAW kami.
Hindi yata alam ng mga magulang ko ang ibig sabihin ng salitang Mifddle class.
Para sa kanila,dalawa lang ang klase ng tao sa mundo- mayaman at mahirap.
At buong buhay nilang iniwasang maging mahirap at hinding- Hindi papayag na hindi tawaging mayaman.
Inisip din nilang nag,-Ateneo ako,kahit isang medyo de klaseng high school ang pinasukan ko.
At nang mapasabak ako sa gulong pangmahirap,para na rin akong nawalan ng mga magulang.
Isang ganja-doobie ,damo,marijuana-NA HINDI SA AKIN.Yan ang dahilan kung bakit ang tingin nila sa akin ay black sheep. Itim na bunga.Salot sa mundo Adik.
Pero isipin mo,ha ? Nakita nila ang doobie sa bag ko na nakabalot sa page ng Bible. Kilala ba nila ako ?
Kahit pinipilit lang nila akong magsimba lingo-lingo ,hindi ko pipilasin ang isang pahina ng Biblia para rolyohan ng doobie kahit paano,natatakot akong tamaan ng kidlat.Pero wala ,durugist raw ako,basagulero. At noong bagong dating ako sa probinsya ,isinama ng lola ko ang lahat ng amiga niya sa Bible study group para ipagpray over ako.
Lahat sila ay nagkumpulan sa paligid ko,nakataas ang mga kamay sa ulo ko,may isang umiyak ,may isang pangFAMAS ang linyang binitawan para mapaalis ang masamang espiritu sa ngalan ni lord.
Pero hindi ako ang pumilas ng Bible para hithitin ang doobie .Bakit walang naniniwala sa akin ?
Hindi ako durugista . Minsan ,nag try akoong mag-doobie pero napraning ako kaya hindi na ako umulit.
Aminado rin akong may mga kabarkada akong nagdu doobie pero sila yon.
Ano ang gusto ng mga magulang kong gawin ko ?
Agawin ko ang mga doobie ng mga yon ?tapos itapon ko ?"Ang mga barkada mo,lahat patapon . Pabanda -banda ka pa ? Wala kang kikitain diyan ! Hindi mo yan pwedeng pagkunan ng pantustos sa pamilya. "
Iyon ang sabi ni Papa sa akin,parte ng limang oras na sermon.
Limang oras, Binilang ko. Mula alas otso ng gabi hanggang ala una ng madaling araw . Kung hindi naghikab si mama at ipinaalalang kinabukasan ay titingin sila ng bagong kotse ,hindi ako patutulugin ni PaPa.
Sa totoo lang ,mas gusto ko pa na ipagpray over ako kaysa makinig sa sermon ni papa. Pero mas gusto kong makinig sa sermon ni papa kaysa makinig sa sermon ni mama. Dalawang taong hindi ko na kilala.
Noong bata ako ,medyo kilala ko sila . Si papa noon, nagtatrabaho sa isang kompanya ng gamot bilang ahente .
Si mama, housewife. Simple lang ang buhay namin. Tapos nanganak uli si mama noong six years old ako kaya napilitan si Papa na magabroad. After one year ,sumunod si Mama sa abroad. Hindi ko na uli sila nakita . Lumaki ako at ang kapatid ko sa tiyahin namin, si Tita Laurice. Bumalik sina mama noong fifteen years olad ako .
Iba na sila . Hindi ko na sila kilala. Parang hindi na rin nila ako kilala.
Tapos yon nga naging Marcus na ako. Noong una nila akong tawaging Marcus,nagtaka talaga ako .
Ako ba ang tinatawag nila?
BINABASA MO ANG
ROCKSTAR PERO WEIRD
Teen Fiction"I vowed never to fall in love until I'm thirty five. I mean, in love at eighteen? That's got to be the corniest thing in the world."