CHAPTER TWO

11 4 0
                                    

Riles

Makoy POV

Dalawang buwan na ako sa San Ignacio noong nadiskubre ko itong riles ng tren.
Ang sabi ni lolo ,minsan daw ay may tumakbong tren dito,pero tulad ng lahat ng project ng gobyerno nagkalintik lintik dahil sino ba ang matinong tao sa gobyerno?
WALA ! Alam ko yan,dahil mahilig ang tatay kong magreklamo sa gonyerno.

Tax,tax,tax daw. 😒
Lahat daw,magnanakaw! Pasalamat daw ako dahil wala akong binabayarang tax.

Hindi ko alam kung ano ang koneksiyon non sa sermon niya sa akin.  TAX

Hindi ko alam kung hanggang saan abot itong riles.
Maayos naman,pero puro kalawang. Puro damo sa paligid.
Kung hindi ka matatapilok sa riles,hindi mo maiisip na merong riles doon. Gusto ko rito ,tahimik.

Minsan ay naiimagine ko,nilalakad ko itong riles. Hanggang saan kaya aabot ? Parang wala namang tao.
Kung magtayo kaya ako ng kubo doon sa malayo at doon na lang ako tumira ?

Tumingin ako sa aking relo,alas tres ng hapon.

Makulimlim. Ayos lang na abutan ako ng ulan dito. Wala sina lolo,nagpunta sa kabilang bayan.

Gusto kong maginternet ,men !!!!

Pero wala akong pera.

Yong sampung piso ko noong nakaraan,ipinag internet ko na noong isang linggo.

Nakatakas uli ako bago magBible study si lola.

Bad trip na kamote,walang reply.
Baka ngayon ,may reply na pero wala akong pang internet. Ang masaklap pa,ang bruhang katherine,hindi ko na makita sa Facebook.

Blocked na siguro ako. May pagkabruha rin talaga ang babane yon eh.
Bakit ako kailangang i-block?

Hay,buhay. Parang life.
Kung sana man lang, kahit yong gitara ko lang ay ipadala ni papa rito. Inip na inip na ako.

Kailan ba darating ang parole? Ang sarap magimagine ng parole.

Tanggap ko nang huli ako sa mga kaibigan ko-- kung kaibigan ko pa sila.

Hindi ko na kayang ibalik ang isang taon na parang madadagdagan pa.
Gusto ni papa,doktor daw o abogado. Bah,syempre ,cool yon.
Pero sila rin ang dumurog sa puso ko noong marinig ko silang naguusap tungkol sa akin.

Ang sabi ni papa,hindi ko raw kayang mag medicine o Law.
Ang sabi ni  mama, baka raw sakali na kayanin ko yung kukuha ako ng pre Med o pre Law. BAKA.SAKALI.

WOW ! Salamat sa vote of confidence ,mga parents.

Alam mo yong nagiimagine ka o naaalalq mo ang isang pangyayari sa buhay mo pero iba ang pag andar ng eksena sa isip mo ?

Parang ganito, noong biglang nabagansiya ako ng pulis at nahulihan ng doobie sa bag, ang pagkakatanda nina papa, sila ang nagpiyansa sa akin at tumawag sila ng abogado.

Pero isang taon palang yon nang  mangyari at natatandaan kong hindi sila nagpiyansa kundi nagpadulas ng pulis ng isang libong piso para pauwiin na ako.

Hindi rin abogado ang tinawagan ni mama,kundi yong pinsan niyang may kilalang abogado. Iba ang pagkakatanda nila sa pagkakatanda ko.

Parang ganito,,,,... Tuwing maiisip ko si katherine, naaalala ko noong una ko siyang makita. Sa chapel. Nakaluhod siya,nakapatong ang mga siko sa silya sa unahan, at nakayuko.

Alam kong hapon,maliwanag sa chapel ng BIS ,pero sa isip ko ay madilim. Alam kong nakauniform siya ng BIS.pero sa isip ko,puting puti ang bestida niya.

Imagine in mo si katherine--- mahaba ang buhok,maputi,simple,nakaputi,nakaluhod,magkalapat ang mga kamay ,at nakapikit.

Madilim ang buong mundo pero siya ay maliwanag.

Weird, men ! Parang ako. Hahahha

Ano kaya ang naiisip niya sa akin ngayon ?

Wala akong pakialam sa iisipin sa akin ng ibang taga BIS,pero iba si katherine. May class ang babaeng yon.
Ang bango pa.

Ayos, "I agree " daw , sabi ni junior in my pants. 😂😂 hahaha

Pero men, totoo. Ang gabing hindi ko malilimutan,

ROCKSTAR PERO WEIRDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon