She’s Dating The Gangster by SGwannaB
Eto?!?!
ETO LANG NAMAN ANG NAGPALABAS NG GABALDENG LUHA SA MGA MATA KO!! TT__TT Naalala ko na naman! >,<
Eto pa naman ang kauna-unahang story na nabasa ko dito sa Wattpad pero pinaiyak lang ako. Eto yung mga panahon na after kong mabasa e nakatulala lang ako sa kawalan. AS IN TULALA! Honestly, suuuuuuuuuuuuuuuuper nadepressed talaga ako sa ending ng SDTG. PERO WORTH READING!
Nirecommend lang to sakin nung isa kong classmate. At first, I’m hesitating reading this kasi di ako mahilig magbasa, mas gusto ko pinapanuod. But when I started reading, I can’t stop myself from reading. As in, eto yung sinasabi ko na 5 am na ko natutulog kasi ang super lapit ko na sa pinaka-climax nung story. Tas dun na ko sa nakakainis na part, yung gusto ko na talaga sapakin si Kenji delos Reyes! Pero mahal ko siya e. *totoo!* Siya ang kauna-unahang fictional character na minahal ko. Dahil nga sa silent reader ako, wala akong idea kung ano ang itsura ng mga characters, pero dahil magaling si miss author sa pagsusulat, nakalikha ako ng sariling imahe sa isip ko. Galing nga e! *__*
Sobrang sikat talaga nito until now. Late ko na siya natuklasan pero ang dami pa rin talagang nagbabasa. Sa internet shop, sa tren, sa bus, sa jeep at minsan pa nga e nadidinig kong napag-uusapan ng magbabarkada.
Sa sobrang touchy ng story na ‘to, three times ko siya binasa but I just got the same feeling sa first time na pagbabasa ko-----DEPRESSED! Ang galing lang talaga umantig sa puso ng SDTG. Lalo na pag may BG music, PAK na PAK! Kusa nalang tutulo luha mo. I remembered, one time nung nasa school na ko then dumating yung isa sa classmate ko , UMIIYAK SIYA! (As in! May luhang iyak!) Then We asked her, “Anong nangyari?” She just simply answered, “Tapos ko na yung She’s Dating,”. Ang ginawa namin sa kanya, pinaghahampas namin siya sa braso dahil naalala namin ang mga panahong natapos din namin ang SDTG. We all got the same feelings and emotions. Truly the best! Award winning e. ^0^/
Yung “I LOVE YOU” speech nila yung talagang pinakatumusok sa puso ko e. Pati yung video record ni Athena para kay Kenji. Ayyyy graaaaaaaaabe! TT__TT Habang sinusulat ko ‘to, gusto ko ulit talagang basahin yun. Kahit ilang beses pa! :(
Clap clap clap at walang katapusang clap para kay Ms. SGwannaB dahil nakalikha siya ng isa sa maganda, oh let me rephrase that, NAKALIKHA SIYA NG PINAKAMAGANDANG STORY na nabasa ko BUONG BUHAY KO. Walang halong echos! Swear! Sincere talaga ako diyan promise. Ang ganda talaga e. I love Kenji-yah until now.
More power miss author! And GOD bless you! :)))
SEXYLOVE AND LOVEBABE <3
P.S: Isa pang dahilan kung bakit super laki ng epekto sakin ng SDTG ay dahil taga-BF Parañaque ako!! Waaaah! >_<
--> SweetSerenity08
BINABASA MO ANG
BEST AUTHORS AND STORIES IN WATTPAD <3
RandomALL that is written here are just my opinion. If you didn't find your favorite author/s or story/ies here I'm very sorry 'cause these are just my OWN OPINION of BEST AUTHOR/S AND STORY/IES. :))))) *U* Comment kung naka-relate. Vote kung nagustuhan...