▬▬▬ ( ★ Desiree's POV. )
"To add rational expressions..." Tuloy sa pagdidiscuss si Ma'am Berno
Eklabu, ganito, ganyan, equals e'to. Walang kasawa-sawang Mathematics! Sarap gumawa ng Time Machine. Tapos ibabalik na'tin sa time na wala pang Math. Hanapin ang umimbento ng Math at paslangin! Ang sama eh, 'no? Eh ganun talaga! Ikaw ba, gusto mo ang Math? Hindi? Good! Oo? E'di wow.
Pero seryoso ako dun sa time machine, ha. Gusto ko talaga magkaroon ng ganun! Astig kaya yun. Kung may Time Machine lang, e'di sana hindi ako ganito ngayon? Well, actually.. okay na state ko ngayon. Ang hindi okay, ay yung nangyari noon.
(★) ↷ FLASHBACK!
Lakad, lakad.
Normal lang naman ang lakad kapag may date, 'di ba? Ang sweet pa nga ng ganun eh! Yung parang nasa isang Korean drama kayo tapos may imaginary background music habang naglalakad kayong dalawa, holding hands pa~
Malapit na ako dun sa ganung momentum eh! Problema lang, wala yung lalaki sa scene.
"Sino ba niloloko ko?" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad
Pang-ilang beses na niya akong hindi sinupot?
"Hindi naman siya dadating eh."
Wala eh. Mahal ko kasi. 'Yan ang hirap kapag nagmamahal. Pero, medyo okay lang sa'kin. Ang ayaw ko lang, hindi niya ine-explain kung bakit hindi niya ako sinusupot.
Hay nako! Bibili nalang nga ako ng ice cream. May malapit na crepe stand dito, sa pagkakaalam ko. Asa'n na ba yun?
Nung nahanap ko na, umorder ako ng triple strawberry. Para masaya. Swaying from side to side habang hinihintay ko yung order ko, may narinig ako.
"Luke."
Napatigil ako bigla.
Tama ba narinig ko? May isang babae ba akong narinig na sinabi pangalan ng boyfriend ko? Oh baka naman kapangalan niya lang? Tsaka bakit ang pamilyar nung boses nung babae?
"Mahal mo pa rin ba si Des?"
"Napag-usapan na na'tin 'yan, 'di ba?"
Siya nga. Boses niya 'yan.
"Pero.. gusto ko pa ring marinig."
E'to? E'to yung reason kung bakit hindi na niya ako binibigyan ng pansin?
"Hindi. Hindi ko na mahal si Des."
Aray.
"Ate, e'to na po yung order niyo," sabi nung babaeng may hawak ng crepe
BINABASA MO ANG
Hour Glass
Teen FictionHey there Wattpad user! CertifiedBaliww here at your service. Read the prologue to find out what this story is about. Warning: Basahin lang sa free time. Hindi ito ganun kaganda.