Prologo

29.8K 519 28
                                    

Isang libong dekada o mas matagal pang panahon ang lumipas sa panahong pinangalanan nating Jurassic Period. May nakatayong 26 na kastilyong may katumbas na letra o rune, elemento at mga nilalang na sumisimbolo dito. Ang panahong ito ay payapa sapagkat balanse ang mga elemento at namumuhay nang tahimik ang mga tao, hayop o maging ang mga halimaw. Ang panahon rin na ito ay meron lamang iisang lupa kung saan nakakalat ang mga kastilyo. Sa mga kastilyong ito nagmumula ang mga taong espesyal na pinipili nang elemento bilang tagapangalaga nito at tinawag na tagapagmana. Ang lupang ito ay tinawag natin na Atlantis, isang lugar at sibilisasyong sinabing naglaho sa pamamagitan nang pag-lubog sa tubig.

Ang payapang lugar ay biglang naglaho dahil nawasak ang isa sa kastilyo:

Ang YORE o Time Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang "Garuda". Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang kontrolin ang oras, kaya nya itong pabagalin, pabilisin o patigilin. Kaya rin nyang makapunta kaagad sa lugar na gusto nyang puntahan at makita o makapunta sa hinarap o nakaraan nang isang bagay o sinuman.

Ang kastilyong ito ay nawasak sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. At dahil sa pagkawasak nito nang biglaan ay walang natirang tao dito. Pagkatapos nito ay nagsisihan ang mga natitirang kastilyo at nagsanib pwersa laban sa ibang kastilyo. Ang mga kastilyong  natira ay ang:

Ang AMPLITUDE o Space Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang "Amphithere". Dito nagmumula ang tagapagmana na may kakayahang kontrolin ang ano mang nasa kalawakan, kaya nyang gumawa nang mga replica nang mga ito na sa kanyang katawan mismo lumalabas. Bukod sa kakayahang ito ay kaya rin nyang basahin o kontrolin ang isipan nang isang tao.

Ang BRUTISH o Animal Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang "Griffin". Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gayahin at controlin ang ano mang hayop.

Ang CRYPT o Dark Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang "Raven". Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa, kontrolin o sumanib sa dilim. Ang dilim na nilalabas nito ay kayang higupin ang ano mang bagay na tumama rito.

Ang DAWN o Light Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang "Dove". Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gumawa, kontrolin o sumanib sa liwanag. Ang liwanag na nilalabas nito ay nag-mimistulang laser na kayang tumunaw sa ano mang bagay na tamaan nito.

Ang ENSANGUINGED o Blood Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang "Gytrash". Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang paramihin ang kanyang dugo, kaya rin nyang gumawa nang mga sandatang gawa dito, ang tibay nito ay depende sa dami nang dugong ginamit sa paggawa nito. Dapat ding may hawak na parte nang sandata ang tagapagmana, kung hindi ay babalik ito sa pagiging dugo.

Ang FATALITY o Death Castle, binabantayan at pinoprotektahan nang isang "Demon". Dito nagmumula ang tagapagmana na kayang gawing Dark Elements ang mga normal na elemento:

Dark Fire - kayang sunugin ang ano mang bagay at hindi namamatay hangat hindi ito tinitigil nang gumawa o naging abo na ang tinutupok nito.

Dark Water – isang uri nang malakas na acido na kayang tunawin ang kahit na anong bagay.

Dark Land – isang uri nang lupa na parang torpedo na sinusundan at lumalabas sa ilalim nang kalaban na parang drill.

Dark Wind – isang uri nang hangin na gawa sa mahika, sinusonod o ginagawa nito ang ano mang naisin nang gumawa dito.

Dark Vine – isang uri nang halaman na sinusundan at kinakain ang ano mang kumikilos kapag inutos nang gumawa rito, hindi rin ito basta-basta napuputol o nasusunog.

Elemental Warriors (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon