Chapter I

0 0 0
                                    

"Eliza! Apo!" Excited na tawag saakin ni Lola Elise. Nasa buss station pa lang ako, sinundo ako ni Lola, but I didn't expect her to have someone..? Niyakap ako ni Lola ng mahigpit at binigyan ako ng malaking ngiti. Niyakap ko din ng mahigpit si lola, I really miss her.

"Lola! I miss you so much!" ani ko ng nakangiti. tinawanan ako ni lola at sinabi

"Siyempre, Apo ko pa? Oh kamusta na si Luna? akala ko kasabay mo siya ngayon." Tanong ni Lola, lumapit naman si lalaki na kasama ni Lola.

"A-ah... susunod nalang daw siya kasi daw po madami pa daw siyang aasikasuhin eh." paliwanag ko. Lola sigh with a bit disappointment. Alam kong miss niya din si Luna, dahil kahit siya ang bunso, madalas naman ang excuse sa vacation bussy siya.

"Siya sige't bahala siya. Hijo pakibitbit yung bagahe ng apo ko." Utos ni lola sa lalaki. Nung tinignan ko ng mabuti, gosh! sobrang gwapo niya pala. Matangkad, miztiso, matangos ang ilong, makikinang ang mata at makakapal ang kilay, at bonus pa ang pagka-masculine niya. 

"L-lola, may kasama pa po talaga kayo?" kunwaring pagtataka kong sinabi.

"Ahh.. Pasensya na apo, di ko agad nasabi sayo. Siya si Leonardo, nagtatrabaho sa mansyon ko ngayon. Leo, mind if you introduce yourself to my grandchild?" Ngiti ni lola. Hayys ngayon alam ko na kung saan kami nila mama nagmana.  which is: Pasosyal

Ngumiti naman ito, at sinabi "Nice to meet you, I'm Leonardo Buenavetura, your grandmother's house butler." Wow! I didn't expect him to be too much formal in speaking. Feeling ko tuloy noble lady ako. Inabot niya ang kamay niya, para makipag shakehands.

"Eliza Maria, but please, don't be so formal. Just call me Eliza." saka ko inabot ang kamay ko. Dinala niya ang bagahe ko.

At the Mansion...

Ahh!! I can finally breath! this house seems like a 1950's renovated house... but I like it.

"Leo, paki prepare yung room ni Eliza please?" utos ni lola kay Leonardo. Agad naman to umakyat para ayusin na ang kwarto ko. Pumunta naman si lola sa kusina. Siguro magtitimpla ng Citrus tea at kukuha ng cookies. Just like we we're kids. 

Hayys good old days... Umupo naman ako sa sofa at binuksan ang phone ko. Pagbukas ko ng Social media, nakita ko ang post ng kapatid ko.

Seems she's having fun with her friends... Galing din ne'tong si Luna noh... Magaling magpalusot sa mga family bonding, then uunahin yung kaibigan? Kaya nga di siya nabibigyan ng sapat na attensyon nila mommy at daddy eh... Hayy nako Luna Marie.

"Oh Eliza, you seems a bit worried? is there something wrong?" tanong ni lola. I sigh and sip the tea, that she prepared. Umupo naman si Lola sa tabi ko saka hinimas likod ko.

"Wala lang po lola, iniisip ko lang kung anong kinakabusy ni Luna ngayon." palusot ko. 

"Hayy nako Hija, masmabuti pang hayaan mo muna kapatid mo... Alam ko kung gaano ka nag-aalala sa kapatid mo. Pero Eliza, intindihin mo nalang." sabi ni Lola, nginitian ko si Lola, saka lumitaw si Leo.

"Handa na po yung kwarto niyo." sabi ni 'to

"Ahh sige lola, magpapahinga muna po ako. Pagod pa po kasi ako sa biyahe eh.." Sabi ko, pero inubos ko muna yung tea tsaka yung cookies. Tinignan ko ang orasan at bigla nalang napaisip 7:51 na pala ng gabi?

"Sige Hija, at matulog ka na din Leo." Bilin ni Lola, umagree naman si Leo, saka nag-take ng leave.

Umakyat naman na ako sa kwarto ko, at nagbihis. Itinilapon ko sarili ko sa kama at nagmuni-muni hanggang sa makatulog ako.

...

"Huy!" 

"Ano ba Leonardo? gabi na ah? bumibisita ka pa?" Pagtataray ko

"Sa tingin mo kailan talaga ko magpapakita? ala ba namang tuwing umaga?"

"Hayys Oo na, pasok ka na. Pero sandali ka lang ha!?"

"Oo na" ani ng lalaki saka tumawa. Habang nag-uusap ang dalawang magkasintahan, bigla nalang may kumatok sa kuwarto ng babae.

"Lauretta, gising ka pa ba?" ani nito habang kumakatok.

"Pagbuksan mo na, ako nang bahala sa sarili ko." Sabi ng lalaki habang nakangiti.

"S-sige sabi mo ah..." Sa gayon ay lumapit naman ang babae sa pinto, pero bago niya nabuksan ang pinto..

...

Weird? akala ko nasa 1879 ako nun ah... yes nakagising ako, which means nanaginip lang ako nun.  Pero It felt real just now... Lalo na't nasa probinsya ako.

Bumangot ako at tinignan ang paligid ko, pumunta ako sa may bandang may balcon, at nagposisyon ng parang si Juliet na di alam na nagmamasid si Romeo. Buti nalang, yung balcony ko, katapat lang ng garden ng mansyon... Habang nag-eenjoy ako sa view ko, may biglang tumawag saakin.

"E-Eliza, Gising pa pala po kayo?" Ani ng na sa baba. 

"Ay-! si Romeo!" gulat kong sinabi, nasira ang posisyon ko, sa kakaisip sa romeo & juliet at pagkamasdan ko sa dilim. Putek naman oh! nasa dilim pa kasi siya! akala ko tuloy multo! Ang puti niya kasi.

"You almost gave me a heartattack, ba't ka pa na sa labas ha? hindi ba't sinabi ni Lola na matulog ka na?" Ani ko.

"Pasensya na po hindi lang po ako makatulog." Sabi niya habang hinihimas batok niya.

"Hayys sige na nga! samahan mo nalang ako dito! di din naman ako makatulog eh." pagyayaya ko.

"Huh? Hindi po ba-"

"I told you, di mo na kailangan maging pormal, Ilang taon ka na ba? Hayys pero bago yun halika muna sa balcon ko." pagputol ko sa kaniya. Umagree naman siya saka pumasok sa loob.

Medyo tinagal siya umakyat sa kuwarto ko, yun naman pala, nag-abala pa siya mag-timpla ng tyaa. Inabot niya saakin ang isang mug na hawak niya, kinuha ko naman at nilapag ko sa table malapit sa balcony. Nung pumwesto siya sa tabi ko, pinagmasdan ko siya ng sandali.

"Ilang taon ka na ba talaga?" agad kong tanong, tumingin siya saakin saka tumawa.

"P-po?" ani nito. Huminga ako ng malalim at inulit ang tanong ko, para marinig niya na.

"A-ah... 2-20 years old." pangangamba nito. We? kasing edad niya lang Kapatid ko? B-ba't parang magkasing edaran lang kami?

"A-ah..." awkward reply ko. Hayys OA ko 25 pa lang naman ako ganto na ko? "Bakit di ka matulog ngayon, tsaka bakit ka pala nasa labas kanina?" tanong ko. Biglang napalitan ang monotone expression niya ng ngiti.

"Di nga ko makatulog, kaya ako lumabas kasi nagpapalamig lang ako." paliwanag neto. Umoo nalang ako, hanggang sa tinanong niya rin ang tanong ko saakin.

"Ikaw po? ba't pa po ba kayo gising?" Napanganga ako ng onti at kinamot ang lalamunan ko.

"P-Promise mo, wag ka maweweirduhan ha?" sabi ko. Ilang beses ko na kasi napapanaginipan yung tungkol sa babaeng yun... Kinuwento ko din naman sa mga kaibigan ko, kaso tinatawanan lang ako saka ako sinasabihang weirdo... Hayy nako... di ko kasi sure kung totoo e.

"Sige." Pagsasang-ayon neto, I sigh and tell him all about my dream.

"Bata pa lang ako, paulit-ulit ko nang napapanaginipan ang buhay ng isang babae. It's weird kasi nakakakita siya ng mga di makita ng ibang tao. It was a pretty old scenery, ipinapakitang nabuhay ang babae sa kapanahunan ng espanyol." pag-eexplain ko ng onti.

"Ano bang pangalan ng babaeng napapanaginipan mo" tanong neto.

"Hindi ko... Matandaan. Sa panaginip ko lang natatandaan ang pangalan nila, pero sa pag-gising ko parang nawala na sa isip ko kung ano ang mga pangalan nila. Pero tandang tanda ko kung ano ang mga pangyayari sa kanila." Ani ko, tumingin ako kay Leonardo, na nakatingin din saakin na parang nakakita ng multo. OMG! sinabi ko na nga ba weirdo ang iisipin niya saakin e! huehue!

"M-matulog na tayo, tutal inaantok din naman ako eh" sabi ko, at may kunwaring pag-inat pa.

"S-sandali..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rewrite our loveWhere stories live. Discover now