SimulaSabi nila love makes our heart beat fast. Pero para sa akin, it can stop your heartbeat too. Ganoon na ang paniniwala ko noon pa man. Di ako naniniwala sa happy ending at sa mala fairytale love story o sa kahit anong cliche love story na madalas nating nababasa sa mga libro.
Graduating student na ako pero parang makokompormiso pa ata. Naging irregular ako sa kagagawan youtube, facebook at twitter. Ang dami ko pang units na kelangan na habulin kaya kabado na ako na baka hindi ako makagraduate this year.
Im a history major collage student. Di ko alam kung bakit ito yung kinuha kong course pero nasasayahan naman ako kaya no pressure. Sadiyang trip ko lang talaga balikan ang mga nakaraan.
With my four inch pumps, I run the distance of my philosophy subject room na nasa ninth floor pa actually. First day palang late na ako. Baka ipahiya ako sa prof namin sa subject na to. Kilalang terror pa naman yun at nag babagsak ng mga bata.
Hingal aso na agad ako kahit third floor palang natatakbo ko. Di ko alam ang gagawin ko kung tutuloy ba ako sa pag takbo o titigil nalang at hayaang malate. Siguro titiisin ko nalang ang pag papahiya ni Sir Ramirez. Baka atakihin pa ako ng asthma dito pag tumuloy pa ako sa pag takbo.
Di naman ako usually late eh. Madalas ako yung nauuna sa room namin. First day lang talaga ngayon kaya tinamad akong gumising ng maaga.
Naalala ko yung pag sasayaw namin ng mga groupmates ko noon kay Sir Ramirez para makakuha man lang ng kahit pasang awang grade. Ang sama pa ng loob niya noon ng nag grade siya sa'min.
Kaya lalo akong tinamad pumasok eh. Dahil sa mga prof namin na binubugbog kami sa mga gawain tapos ang baba naman ng ibibigay na grade at the end.
Napapaisip ako noon kung worth it pa bang pasukan tong klase niya. Napapagod lang naman ako kakagawa para sa wala.
Buti wala masyadong mandirigmang estudyante ang bumababa ngayon sa hagdanan kung hindi ay baka napipit ng mga ito ang lampa kong katawan dito. I wore my best dress pa naman ngayon kasi first day at pwedeng hindi muna magsoot ng uniform. Baka magmukha akong basahan nito bago makaakyat sa floor ko.
Nakarating naman ako ng kalmado at walang galos sa katawan sa floor ko. Bahala na kung late atleast pumasok ako. Hindi tulad ng iba jan na tambay lang.
Since saulo ko na lahat ng rooms dito, hindi na ako nahirpan pang hanapin ang room sa subject na ito. Huminga muna ako ng malalim bago hinawakan ang siradura at buksan ng unti unti ang pintuan. At to my surprise, wala pa ang prof namin kaya naman pumasok na agad ako.
Nag hanap ako ng kakilala na puwede kong tabihan sa klaseng ito. Nakita ko naman si Kathline na kaklase ko sa four subject last year. Nasa pinaka dulong hanay ito ng mga upuan katabi ng bintana. Kinawayan naman ako nito pagkakita sa akin at tinuro ang katabi nyang bakanteng upuan.
"Ang unti ata natin? Baka madissolve tayo nito." Utas ko dito pag kaupo ko palamang sa tabi nya.
"Hindi naman siguro. Eh kasi naman first day palang kaya akala nung iba na free cut daw." Balik nito sa akin.
"Ganon? Sino ba prof natin?" Inilabas ko ang philosophy book ko para maghanda kung sakaling mag lecture agad ang prof na papasok samin.
"To be announce pa ang nakalagay sa portal pero sana hindi na si Sir Ramirez." Nakapikit ang mga mata nito na parang nag dadasal habang sinasabi yun.
Sabagay nga naman. Sakit sa ulo lagi ang binibigay ni Sir samin. Ayoko ng sumayaw sa kahihiyan sa harap noon.
Lumilipas ang mga minuto at wala paring nadadagdag na studyante sa room at walang prof na nagpapakita sa amin kaya naman nag pasiya na akong mag ligpit ng gamit at mag ayos ng sarili para lumabas ng room.
