Chapter 1

8 2 0
                                    

Her POV

Nandito ako ngayon sa likod ng school. Yeah tama ang narinig nyo ako lang means wala akong kasama, ako lang mag isa. Ganyan naman talaga ang life diba? Hindi sa lahat ng pagkakataon merong isang taong palaging nasa tabi mo, nagbabantay sayo at may pakialam sayo.

Napabuntong hininga nalang ako

Pssssttt...

Pssssttt...

Pssssttt...

Hmmm sino bayon? Tumayo na ako at hindi ko nalang pinansin. D naman kasi ako assumera para umasang ako ba yong tinatawag tsaka hello!!! May pangalan ako hindi pssttt.

Napatawa nalang ako sa aking naisip pero sandali lang baka paghinalaan pa akong baliw dito eh wala naman akong kasama.

"Ara-ouch" sabi ko habang nakahawak sa noo kong natamaan ng bato sabay tingin kung saan nanggaling yong bato.

"Bwesit 'bat mo ba ako binato haa?!" Tanong ko sakanya. Nakita ko namang lumabas sya sa kanyang pinagtataguan at yon kaya naman pala nambato kasi lalaki sya siguro wala tong magawa sa buhay.

Tingin sa mukha nya... Hmmm pwede narin pero wait familiar sya san ko nga bato nakita?

"Anong masasabi mo sa mukha ko miss" sya sabay ngisi. Walanya nakakahiya ka Kath pshhh! Pero dahil honest akong bata...

"Pwede narin"sabay hilot ng noo ko. Muntik ko ng makalimutan.

"Bat mo ba ako binato ha?! Ayan tuloy may bukol na ako sa aking noo. Bwesit ka rin no?" Tingin ng masama sa kanya.

Nakita ko naman syang tumawa na mas lalong nag pa init ng ulo ko "Kasalanan mo. Kanina pa kita tinatawag pero ayaw mo namang tumingin sakin binge kaba? Tss!" Sabi nya sabay irap. Sa totoo lang bakla ba 'to?

"Gago ka pala eh may pangalan po kasi ako hindi po psssttt ang pangalan ko pwede namang miss tsaka tama bang pag hindi ka papansinin mambabato nalang bigla?" Mahabang sabi ko sa kanya. Ewan ko lang pero naiinis na talaga ako. Ok na sana ako kanina, nag eemote na tas aalis na sana pero bigla namang may bumato sayong asungot? Tsk!

"Okay I'm sorry miss. Kasalanan ko na" sabi nya sabay taas ng kamay tas umupo kung saan ako nakaupo kanina. At dahil mabait naman akong bata.

"Okay appology accepted"  sabay ngiti. Mukhang mabait naman ata to so pagbigyan nalang.

"Yon oh hahaha"sya sabay lapit sa akin. "So uhmm I'm Dexter Lace Mediavillo" sabi nya sabay ngiti

"Kathy Lourille Buenavista" nakangiti ko ring saad sakanya.

"Friends?"

"Yeah Friends basta wag mo lang ulitin yon sasapakin na talaga kita" sabi ko sabay tawa

"Opo pren" sabay wink. Kaya nagtawanan naman kaming dalawa.

"Teka hindi mo pa sinasagot tanong ko ah 'bat mo ba ako tinatawag kanina? Hindi naman tayo magkakilala" takang tanong ko sakanya tas umupo sa tabi nya.


Dexter's POV

"Uhmm ano kasi uhmmm... Hehehe" bat ko nga ba sya tinatawag kanina?

"Hala?! May sira ata ulo mo Dex pft!" Pigil tawa nyang sabi kaya napakamot nalang ako sa aking ulo.

"Ehh? Hehehe siguro? Nakakita kasi ng maganda" pero syempre binulong ko lang yong huli kong sinabi.

"Ewan ko sayo hahahaha pero promise ngayon lang kita nakita dito sa school ayy hindi pala familiar ka sakin eh ay ewan" tas tawa sya ng tawa.

Ang ganda nya grabe...

"Hoyyy! Nakikinig ka ba? Para pala akong tanga dito na kinakausap lang sarili ko ehh sama mo" sabi nya sabay pout.

"Wag ka ngang mag pout you look like a duck" baka mahalikan kita ehh tss.

"Wowww sama mong kaibigan ah!" Sabi nya tas tumayo

"Oh san ka pupunta?"

"Sa room malapit ng matapos vacant time ko ehh tsaka nawalan ako sa mood makipag usap sayo. Ang sama mo kasi tss!" Sabi nya sabay lakad uli. Napatawa nalang ako ang cute nya.

"Okay, see you when I see you kath!" Sigaw ko at nakita ko namang kumaway sya pero nakatalikod parin.

Napangiti naman ako...

Anong nangyari sa akin? First time kong maging ganito sa iba ah? Kilala ako bilang cold dito sa school tsaka bakit hindi nya ako nakikilala? Ehh sikat kaya ako dito sa school uhmm marami pala kami hahaha hindi ako lang. Bakit naging isip bata ako kanina? At isa pa ako ang nag ayang maging kaibigan nya?

Napangiti nanaman ako. Shit! D naman ako nagmumukhang baliw nito diba?

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na papunta sa room ko. Kapagod talagang mag aral.

Kathy Lourille Buenavista hindi ko alam kong 'bat ako nagkakaganito pero alam ko namang ako lang ang makakasagot sa mga tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon