Chapter 1• Zach's jelousy

14 0 0
                                    

Sabrina's POV

Nandito ako ngayon sa basketball court ng village namin. Nakasanayan na kasi namin ni Jasmine na dito tumambay kapag parehas kaming walang pasok at paminsan minsan pumupunta kami sa bahay na kasalukuyan kong tinutuluyan.

"Kamusta naman yung taong nagpapatibok sa puso mo Sab? Ayieeeee..." sabi ni Jasmine sakin habang sinusundot ang aking tagiliran.

"Aray ko ha! Nakakasakit ka na! Anong nang papatibok? Papamotibok!" Pabirong bulyaw ko naman sa kanya nang biglang nakita naming nag lalaro sa court sina Tyron at Azrael.

"Oy tara nood muna tayo ng basketball, maaga pa naman e" yaya sakin ni Jasmine.

"Hmmm... sige" sagot ko sa kanya habang naka ngisi ng nakakaloka, alam ko namang may gusto itong si Jasmine kay Azrael. Ayun nanood kami ng laro nila habang nag chi cheer kahit dalawa lang naman kaming nanonood. Hahahaha

"Tyron! One on One tayo!" Sigaw ng isang pamilyar na bises mula sa likuran namin. Nang sulyapan ko ito'y tama nga ang hinala ko, ang sumigaw ay si Zach na kababata ko.

"Hi Zach" bati ko sa kaniya.

"Uy kala ko may sa-" hindi na natuloy ni Priam ang kaniyang sasabihin dahil iniwan na sya ni Zach para lumapit sa amin.

"Uy, andiyan ka pala? Panoorin mo ako ha. Magaling to" pag mamayabang nya sa akin habang nakataas ang kamay na pinapakita ang kaniyang muscle.

"Ang yabang mo talaga!" Hampas ko sa kaniya.

"Guys kayo muna, I'm already tired ba kasi." Pagod na pagod na sabi ni Azrael at siya ay naupo na.

Nang magsimula ang laro nila, unang naka- score si Zach, pero tahimik lang kami kasi mainit ang lavan ay este, laro pala, muka kasing laban dahil napaka seryoso ni Zach.

"Oy Sab, ang galing pala mag basketball ni Zach noh?" Singit na tanong sakin ni Jasmine.

"Oo naman, varsity yan ng school namin nung mga high school pa lang kami." Sagot ko kay Jasmine na napatango lang.

Nung una si Zach ang nakalalamang pero habang tumatagal ay nalalamangan na siya ni Tyron, kaya naman si Tyron ang nanalo, makikipag shake hands sana sya pero tinanggihan ito ni Zach. Patungo si Zach sa amin nang bigla na lang siyang nahimatay, buti  nalang at nasalo siya agad ni Tyron.

•○•○•○•○•○•○•○•○•○•○•○•○•○•○•○•○•○•○•○•

Nandito ako ngayon sa clinic kung saan dinala si Zach. Hinihintay ko siyang magising para masermonan. Ewan ko ba, sobra akong nag alala sa kaniya kaya siguro medyo naiinis ako.

Lumipas ang ilang minuto nang magising si Zach, at agad ko siyang binulyawan.
"Hoy Zachary! Bakit ka pa nag laro, ha?! Gusto mo vang mamatay? Sige ako na ang papatay sayo ngayon. Alam mo pang pinag alala mo kaming lahat? Tapos nag yayabang ka pa kanina. Bakit kasi hindi ka nalang nagpahinga? Napaka immature mong lalaki ka!"

Biglang bumangon si Zach, at tinitigan ako ng nakaka takot. Kaya naman lalo ko siyang binulyawan.

"ANO?! MAGLALARO KA ULIT? EDI MAGLARO KA! WALANG PUMUPIGIL SAYO!!"

"Magkita tayo mamayang 04:30 sa court. May importante akong sasabihin at para malaman mo kung ano ang dahilan nang pag lalaro ko kahit na may sakit ako" bigla siyang umalis at kinuha ang mga gamit niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon