Chapter 1

343 0 0
                                    


I was teaching and guiding Kylo on his Math homework when I heard a car came. The engine stopped when it reached the garage.

Nandito ako sa bahay ng tutee ko. Kylo is a 5 y/o boy. Nahihirapan kasi itong makasabay sa mga lectures sa classroom. Sobrang tahimik at mahiyain pero marunong naman. Yun nga lang ay kailangan siyang ma one on one. Almost 1 month na rin akong tutor niya.

I observed that he's only shy around many people. But then, pala kwento pala ito kung mas naging malapit na siya sayo. At lalo na pag nasa bahay nila dahil siguro sa mas komportable at maganda ang mood niya pag nasa tahanan.

Bumukas ang pinto na katapat lang ng sala kung nasaan kami. Bumungad ang malaking ngisi ni Kross, ang kuya ni Kylo. Masiyahin ito at mabait. Madaldal rin kabaligtaran ng personality ng nakababatang kapatid.

He's 24 y/o. Mas matanda sakin ng 2 years pero ayaw niyang mag patawag na kuya dahil hindi naman daw masyado nalalayo ang edad namin.
Niloko niya pa ako na mas mukha akong matanda kesa sa kaniya. Medyo nahampas ko siya ng pabiro dahil dun na ikinatawa niya lang. Medyo naging close na rin kami kahit pano. Matiyaga rin itong mag turo kay Kylo, yun nga lang may panahon na abala siya sa family business nila kaya kumuha na lang sila ng tutor.

Ngumiti agad ako ng makita siya. Si Kylo naman ay biglang umalis sa upuan at sinalubong ang kuya.

"Kuya! Where's my ice cream?" Nakayakap na sabi ng bata.

"Later na after niyo ni ate Liah." Sabi nito saka ginulo ang buhok ng nakababatang kapatid.

Naka pout na bumalik sa pwesto si Kylo sabay sabi ng "okay.." I chuckled.

"Bakit andito ka ngayon?" Tanong ko.

Nilapag niya ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng drawer sa gilid at dumiretso sa sofa kung saan kami naka upo ni Kylo.

"Bakit ayaw mo? Bahay ko 'to." Pabiro niyang sabi na may nakakalokong ngisi. Pabiro ko rin siyang inirapan na ikinahalakhak niya.

Na upo siya sa katabing sofa malapit samin.

"Umuwi muna 'ko. Sumakit kasi ang ulo ko." sabi niya sabay sandal sa sofa at nag inat.

"Sus baka tinamad ka lang at gusto mong matulog." sabi ko. Nakapikit na siyang nakahilata sa sofa at tumawa.

"Hey Kylo!" tawag niya sa kapatid habang naka pikit parin at naka ngiti.

Nag angat ng tingin ang bata mula sa sinusulatan niyang papel. "Yes kuya?"

"Are you doing great? Baka pinapahirapan mo si ate Liah ha." sabi ni Kross saka dumilat at umayos ng upo.

Kumunot ang noo ni Kylo at nag pout pa. "Of course, I'm doing great kuya. Diba ate L?" Sabay lingon niya sakin na nag papaawa pa ang mukha.

Tumawa ako at hinaplos siya sa pisngi. "Of course baby you are."
Nang aasar na tinignan ako ni Kross.

"Sige na baby, continue your writing  para finish ka na." Sabi ko ng nahinto ang pagsulat ni Kylo dahil sa tanong ng kuya niya.

Napatingin ako kay Kross nang gayahin niya ang pagtawag ko ng "baby" kay Kylo. Gusot ang mukha niya at parang batang ginaya ang sinabi ko. Habang hindi naka tingin si Kylo ay binato ko siya ng ballpen na agad niyang nasalo.

**

Maya maya lang din ay natapos na kami ni Kylo. 2 hours lang naman ako sa kaniya at 1PM kami nagsisimula.

"Hi Lola Babes.." bati ko sa kasambahay nilang matagal na sa kanila. Matanda na siya ngunit malakas pa rin at healthy. Nakilala ko siya dahil tumira sila noon ng apo niya malapit samin. Ngayon kasi ay nasa abroad na ang apo niya, kinuha na ng magulang. Kaya naman nag hanap ng libangan si Lola at ng ma aalagaan. Napadpad siya dito kela Kylo. 3 years na rin siya rito.
Nakasalubong ko siya noon sa palengke at nagtanong siya kung may trabaho daw ako at naghahanap sila ng tutor para sa alaga. Sakto namang wala pa 'kong pinapasukang trabaho kaya libre ang mga oras ko. Siya ang nag recommend sakin sa kuya ni Kylo para mag tutor.

FervorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon