Chapter 2

234 0 0
                                    


**

Dinala ako ni Kross sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. I can't help but admire the designs here. Ito ang pangatlong beses kong makapunta sa parteng ito ng bahay nila. Minsan kasi pag nag papaturo si Kylo ay gusto niyang sa kwarto niya. Nasa kanang bahagi iyon. Ngunit lumiko kami sa kaliwa ni Kross at tumapat sa isang pinto sa dulo.

"Dito ba ang guest room niyo?" Tanong ko ng buksan niya ang pinto.

"Nope."

"Eh ano 'to, Extra?" Taka 'kong pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Medyo madilim dito dahil nakatabing ang makapal na kurtina sa bintana. Maayos at malinis ang paligid. Combination ng white and wooded brown ang kulay ng silid. May malaking kama sa bandang gitna nito na naka ayos.

"Nope. Kwarto ko." Parang wala lang na sabi niya at binuksan pa ng malaki ang pinto upang igiya ako sa pag pasok.

Habang ako ay natulala pa ng konti. Napalunok na lang akong humakbang papasok.

"S-sana sa isang guest room niyo na lang ako dinala. Nakakahiya naman tuloy sayo."

"Maalikabok pa sa guest room. We are not expecting visitors that will stay here yet. Kadalasan tuwing holidays pag bumibisita ang relatives or family friends, inaayos namin ang guest rooms." Paliwanag niya at nag tungo sa bathroom.

"Nako. Ako nga na di niyo naman ka anu-ano pinatuloy mo dito sa mismong kuwarto mo pa talaga."

"I have no problem with that Liah. I just want you to feel comfortable in your nap." Sabi niya ng matapos siyang maghilamos at mag sipilyo sa banyo.

"Can I use the bathroom first too?"

"Sure." sabi niya at umalis sa tapat ng pinto ng bathroom kung saan pinupunasan niya ng towel ang mukha.

Once I got inside, I immediately closed the door and stared at myself in the mirror. Asking myself why the heck do I feel funny. I mean, why? what's happening to me? I feel like my body is reacting to something I don't even know!

Buti at dala ko ang emergency kit ko kung saan laman ang ilang toiletries and other stuff in case kailanganin. Dahil minsan pag inabutan akong tinamad umuwi ay sa bahay ng kaibigan rin ako nakikituloy. Naghilamos ako ng mukha at nag sipilyo. Naligo naman ako before going here so I don't feel like taking a bath. Hindi rin ako pinag pawisan dahil malamig sa bahay nila.

"Feeling ko lalagnatin ako." agad kong nasabi ng lumabas ng banyo.

Napatingin si Kross sakin at naabutan ko siyang kasusuot lang ng black shirt. Naka shorts na din siya na pwedeng pang lakad.

"Aalis ka?" Tanong ko na agad niyang inilingan.

"Humiga ka na at mag pahinga. Ikukuha kita ng malamig na towel sa baba." Sabi niya habang may inaayos sa drawer niya.

"Hindi na. Itutulog ko na lang 'to." Medyo may inis na sa tono ko dahil ang kulit niya. Masyado siyang nag aabala para sakin.

Ngunit hindi siya nakinig at lumabas na lang basta ng pinto. Wala 'kong nagawa kaya pabagsak akong nahiga sa kama niya. Ang sarap matulog dahil ang lambot ng higaan at ang bango. Tama lang din ang lamig ng aircon niya.

Napadilat ako ng pumasok siya. Umupo rin ako ng dahan dahan at nakita kong may hawak siyang bowl na may lamang tubig at towel. Sa kabilang kamay ay isang maliit na mug.

"Inumin mo daw sabi ni Lola Babes. Pang paginhawa daw yan ng katawan." Sabay abot ng mug sakin na may tea.
Umupo siya at walang pasabing dinama ang noo ko. I gasped upon the contact of his hand to my skin.
Nagulat ako ng hawiin niya ang buhok kong nakaladlad sa gawing balikat. Umaamba pa siyang pupunasan ng towel ang leeg ko. Bago pa mangyari yon ay hinawakan ko na ang kamay niya so he'd stop.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FervorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon