"Anong kailangan mo?"Matapang kong sagot ngunit tanging ngiti lang ang kanyang ginanti.
"Gusto kitang kunin upang isama sa aking mga experiment at dahil dun ay makukuha ko na ang kapangyarihan mo!"Sambit neto saba'y tumawa ng napakalakas.Sa mundong kinagagalawan ko ay laging tumatawa ng parang baliw ang mga kalaban kaya't parang mga wala ng originality ang mga ibang kontrabida
Tinitigan ko sya sa mata at bigla itong tumalsik kung saan,maglalakad na sana ako ng may limang lalaki naman na humarang sa akin kaya't nagfighting position ako.
Ang limang lalaki ay may hawak ng isang mahabang arnis na may blade sa dulo.Lahat ng mga sandata nila ay nakatutok sa akin kaya't nagmukha akong corner ngayon
Kinagat ko ang ibabang labi ko saba'y tumalon ng mataas.Pero ganun na lang ang gulat ko ng bigla akong natumba dahil di ko na control ang aking pagtalon
Babasag na sana ako sa lupa ng bigla akong pumikit at nagteleport kung saan.Laking gulat ko na lang ng mapunta ako sa tapat ng isang malaking puno
"WAHHH!"Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaki na kasama sa limang lalaki na makakalaban ko sana.Gumilid ako upang hindi ako matamaan dahil ang kanyang sandata ay nakatutok sa akin
Nadaplisan ako sa braso gamit ang blade na nasa dulo ng sandata ng lalaki kaya't napaupo ako."Ano!Sumama ka sa amin upang hindi na kita pahirapan pa!"Malakas at nakakarindi nitong sigaw
Hinawakan ko ang braso kong napadlisan ng kanyang blade at nagteleport nanaman ako kung saan dahil di ko na kinontrol ang pagteleport ko
Saktong pagteleport ko ay may biglang tumusok sa tagiliran ko kung kaya't napapikit ako."SORRY!"Sambit ng babaeng may maarteng tinig na may halong pagaalala ang kanyang boses
Napatingala ako sa langit at pilit kong hindi dinadama ang sakit pero matindi ang kanyang pagkakasaksak kung kaya't damang-dama ko pa rin ang sakit na aking nararamdaman
"A-alicion"Sambit ko habang namimilipit sa sakit.Tumulo na ang mga luha ko sa sakit saba'y nun ang pagbagsak ng mga tuhod ko sa lupa,"So-sorry!"Sambit ni Alicion habang natataranta sya
Inalalayan nya akong tumayo at saktong pagtayo ko ay bigla nya akong sinapak sa panga kung kaya't natumba ako
Bumagsak ako sa lupa."Ano Aki?!Naramdaman mo na ba ang naramdaman ng kababata kong kaibigan na si Dinrel?!Napakatanga mo!"Tumuloy ang pagagos ng luha ko at halos hindi ako makapaniwala na si Alicion pa ang nagsasabi neto sa akin
Nasa likod ni Alicion ang dalawang lalaki na sa tingin ko ay mga taga Elemental Society Tribo dahil sa pananamit nila
Pumunta sa likod ko ang dalawang lalaki saba'y hinawakan nilang dalawa ang magkabila kong braso.Pinaupo nila ako at pinulupot nila ang braso nila sa braso ko
Tinapat ni Alicion ang hawak nyang dagger sa aking leeg."Mamatay ka na Aki!Kasama mo na si Dinrel sa langit at makukuha ko na ang hustisya dahil hindi mo sinabihan si Dinrel na matulog na upang sya ay hindi mamatay!"
Sambit neto.Tumulo ang luha ko dahil tama nga naman sya,ako ang dapat sisihin,idiniin nya ang pagtutok sa dagger nya sa aking leeg kung kaya't kinabahan ako at ramdam ko ang tulis ng dagger nito
"Himura bilisan mo!"Sambit ni Nn sa di kalayuan kaya nakaramdam ako ng pagasa ng makita ko sila,tumakbo sila papunta sa pwesto ko saba'y ginawa ni Himura ang dropkick sa isang lalaki kaya't napabagsak yung lalaking nakapulupot sa braso ko
Ginawa din ni Himura ang dropkick sa isang lalaki kaya't napabagsak na nya ito kung kaya't malaya na ako.Inalalayan nya akong tumayo at kinuha ang aking braso saba'y pinulupot ito sa kanyang leeg
Nakita ko naman si Nn na nakikipaglaban kay Alicion.N agwrewrestling silang dalawa at bigla na lang kaming nagteleport ni Himura sa kung saan
Napaupo na lang ako dahil biglang sumakit ang tigilirin ko.Nagteleport kami dito sa isang bench at hinang-hina na rin ang katawan ni Himura sa hindi maintindihan na rason
Unti-unti akong tumayo dahil nakaupo ako kanina sa bench.Dumuwal ako at bigla na lang akong sumuka ng dugo,umiiyak ako sa hindi maintindihan na rason
Kung dahil ba sa pagkasaksak sa akin ni Alicion o dahil sa mga nangyayari ngayon sa academy?
Nahihilo akong umupo at pinunasan ang dugong nasa labi ko.Biglang tumayo si Himura at sya ka ito bumagsak sa lupa
Pinikit ko ang aking mga mata dahil di ko na kaya pang imulat ang mata ko.Sa pagpikit ng aking mga mata ramdam ko na may nakatingin sa akin
'Your the long lost powerful daughter of Lord Faurguss'
Ayan ang narinig ko sa pagpikit ng aking mga mata.Halos nasa eighteen years rin akong namuhay bilang normal na tao ngunit eto na yata ang magiging karanasan ko sa pagtapak sa paaralan na Dwinaga Academy
Biglang may pumatak na luha na galing sa aking mga mata.Alicion,that bitch,i mean the queen of bitch.Tratraydurin ako?Balak pa ako patayin?for what reason?
Oo nga pala dahil pala nakalimutan kong pagsabihan si Dinrel na matulog na,pero bakit balak nya akong patayin at kasama nya pa ang mga taga Elemental Society Tribo!
Parang trinaydor nya na rin ang Academy dahil sa kumampi sya sa mga kaaway ng Academy namin.Nakapaikit pa rin ako at may naanig akong isang lalaki na puti ang buhok na hanggang bewang ang abot ng buhok nya habang meron syang puting balbas na medyo mahaba rin,may hawak din syang tungkod kung kaya't sa tingin ko ay matandang-matanda na 'to
"Anak?"Naguluhan man ako sa sinabi nya ay pinipilit ko pa ring sumagot.Hindi ko alam kung asan kami dahil black lang ang kinatatayuan namin pati na rin ang paligid
"Si-sino pong anak?"Nagtataka kong tanong sa kanya
"Ikaw ang aking anak!Nabuhay ka dahil pinagsama-sama ng mga god and goddesses ang kanilang dugo upang ikaw ay mabuhay ulit!"Naguguluhan man ay niyakap ko sya bigla
Is this is real?Sa eighteen years ko sa mundo wala akong tinuring na ama kaya't niyakap ko agad sya ngunit hinagod nya lang ang aking likod
Hanggang mawala na sya sa aking paningin.
BINABASA MO ANG
I know It(Book 1 of part3)
FantasyIf you think you can do it,you can *** BookCover made by:Dekugreen Date published: 9/15/18 Date end:10/13/18