Chapter 30

46 9 0
                                    

"Ako si Prinsesa Balarya ang kaisa-isang anak ni Doña Gaveria.Ako ay galing sa unang panahon at pagpunta ko dito sa lupa ay sa Elemental Society Tribo na ako napadpad pero ng mapunta ako dito sa present time ay may kakaiba sa mata ko.I can see the past"Mahinahon na sabit ni Prinsesa Balarya

Nakaupo kami ngayon sa sentro ng kulangan na ito habang nakapabilog kaming nakaupo.May malaking apoy na nasa loob ng bilog na aming kinauupuan,sapat na ang apoy na nasa loob ng pabilog naming puwesto upang makita ang isa't-isa

"Sino si Doña Gaveria?"Takang tanong ni Himura kay Prinsesa Balarya.Huminga muna ng malalim si Prinsesa Balarya bago sumagot,"Sya ang kauna-unahang pinuno ng buong mundo"Napatahimik kami sa sagot ni Prinsesa Balarya

"Alam ko 'na."Cold na saad ni Kozuti kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Si Doña Gaveria ang tinaguriang 'The Queen of World' noong 1896 hanggang 1911.Namatay ito noong napanganak nya ang anak nyang lalaki na ngangalang Waestra kaya nung namatay na si Doña Gaveria ay si Prinsepe Waestra na ang namuno sa buong mundo.Pero ang pinagtataka ko kung bakit ikaw ang anak ni Doña Gaveria dahil ang kwento sa amin ng History Teacher namin na lalaki ang anak ni Doña Gaveria at Prinsepe Waestra ang pangalan nito"

Napakunot ang noo ni Prinsesa Balarya."Ako ang anak ni Doña Gaveria"Sabi ni Prinsesa Balarya saba'y nun ay napahawak sya sa kanyang baba at hinimas-himas ang baba neto

"Pero sabi ng History Teacher namin dati na si Prinsepe Waestra ang anak ni Doña Gaveria"Takang tanong ni Kozuti saba'y napakunot naman ang mga noo namin lahat pati si Prinsesa Balarya ay napahinto sa paghimas ng kanyang baba at napakunot din ang kanyang noo

"Okay okay tama na yan"Sabi ni Himura kaya bumuntong hininga na lang kaming lahat baka kase magkaroon ng away dito."Bat sabi mo sa amin na 'Kukunin nyo rin ba ang isa kong mata'?"Tanong ni Himura.Yumuko si Prinsesa Balarya bago sumagot sa tanong ni Himura

"Kinuha kase nung babaeng nangangalang Yngrid ang isa kong mata upang pagnakita nila ang nakaraan ng bawat isa ay ipang-bloblock mail nya iyon at yung masamang ginawa mo sa nakaraan mo ang gagamitin nila pangblock mail"

Nakasuot si Prinsesa Balarya ng isang puting gown,buhaghag ang buhok neto saba'y may eye patch ito sa kanilang mata

Parang may mali

***

Kailangan naming makaalis agad dito at kunin ang Frozen Flower dahil dalawang araw lang kase ang kailangan namin dito kagaya nga ng sinabi ni Sir.Sato

Nakasandal kami ngayon sa pader.Walang ni misking kumibo sa amin,pero parang may mali kay Prinsesa Balarya.Kanina ko pa sya pinagtatakahan pero parang si Himura at Kozuti ay hindi napapansin,parang ako lang yata ang nakakapansin na parang may mali

Parang may mali kase kay Prinsesa Balarya

"Gusto mo bang tumakas Prinsesa Balarya?"Katabi ko ngayon si Kozuti habang katapat naman namin sila Himura at Prinsesa Balarya na nakasandal sa pader.Napatingin si Prinsesa Balarya sa tanong ni Himura

"Oo naman"Tanong ni Prinsesa Balarya.Sumeryoso si Himura kaya sumeryoso din ang mga mukha namin dahil sa itsura ni Himura."May plano ako"Agad kaming napatingin kami kay Himura."Kailangan nating makatakas dito agad.At ang gagamitin natin para sa pagtakas ay ang ating mga special power"Kumunot naman agad ang noo ni Prinsesa Balarya."Pano?"Takang tanong neto

"Dahil underground cell 'to ay susunugin nila Kozuti at Kozuto ang bubong hanggang tumagos ito sa lupa at dun ay makakalabas na tayo.Pero alam kong hindi ganun kadali ang pagtakas natin dahil sa puno nakatira ang mga taga-EST.Kaya ako na ang magvovolunteer na tignan ang mga tao"Paliwanag ni Himura."Pero pano tayo makakalabas?"Tanong ni Kozuti sa mahinahon at cold na boses

"Teleport"Mahinahon na saad ni Himura,biglang tumayo si Prinsesa Balarya at tinignan ang mga ito."Di ako marunong magteleport"Saad ni Prinsesa Balarya

"Kumapit ka lang sa amin nila Kozuto"Tumango naman si Prinsesa Balarya.Tumalikod ito sa amin at tumayo rin ako saba'y lumakad papalapit sa kanya.

Nang makalapit na ako sa kanya ay hinawakan ko ang isa netong balikat."Prinsesa Balarya"Saad ko.Nasa likuran ko sila Himura at Kozuti na nakaupo saba'y magkatabi sila

Humarap sa akin si Prinsesa Balarya at ang kamay na nakahawak sa balikat nya ay biglang dumapo ito papunta sa pisngi nya.Hawak-hawak nya ang pisnging sinapak ko at napaupo sya dahil sa lakas ng impact ng pagkasapak ko sa kanya

Napatayo sila Himura at Kozuti sa kinauupuan nila at alam kong puno ng pagtataka ang mukha nila kahit na nakatalikod sila."Ba-bakit?"Tanong ni Prinsesa Balarya at unti-unting nahulog ang kanyang mga luha

Tinignan ko sya ng cold.Seryoso ang mukha ko na ito dahil minsan lang akong manakit ng babae

"KOZUTO ANO BA YAN?!"Galit na sigaw ni Himura.Hindi nila nararamdaman na may mali sa babaeng 'to

Umiiyak na si Prinsesa Balarya dahil nga sa lakas ng impact ng pagkasapak ko sa kanya.Tumalikod ako papunta kanila Himura,para sana sabihin ko sa kanila na may mali sa babaeng ito

Pero bigla akong sinapak ni Himura sa pisngi kaya napaupo ako.Biglang lumapit sa akin si Kozuti at sinuri ang mukha ko."A-ayos ka lang 'ba Kozuto?"Tanong ni Kozuti,agad akong napatayo saba'y tinignan ng masama si Himura

Hingal na hingal si Himura dahil sa galit sa akin.Rinig ko pa rin ang pagiyak ni Prinsesa Balarya na nagpaparindi dito sa cell

"Babae yan brad tapos sasapakin mo?!"Nanggigigil na saad ni Himura sa akin.Tinignan ko lamang ito ng masama."Kailangan magtulungan tayo!Hindi yung nagaaway!"Malakas na sigaw ni Kozuti na tumayo na rin pala

Pumagitna sya sa aming dalawa."Ba-bakit mo a-ako si-sina-napak Ko-Kozuto?"Naiiyak na saad ni Prinsesa Balarya habang nakaupo pa rin sa likod saba'y hawak-hawak ang pisnging sinapak ko sa kanya.

"Wag magtiwala basta-basta"Saad ko saba'y umupo na lang at humiga."Kailan ang plano,Himura?"Tanong ko kay Himura.Napatigil naman si Himura at napaupo na rin sya saba'y nun ay napahiga at ganun din si Prinsesa Balarya pero umiiyak pa rin ito

"Bukas"

I know It(Book 1 of part3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon