AGKWC 9 - DEAL

705 54 74
                                    

KRYSTAL FORTALEJO

Today is Saturday and as usual, nandito ngayon sila Divina, Alexa at Roxie sa apartment ko. Lagi nalang nilang ginagawang tambayan ang lugar ko. Nakakaasar -_-

Pag tinatanong ko naman kung bakit sila dito tumatambay ay iisa lang lagi ang sinasagot nila sa akin. At yun ay 'ANG SARAP MO KASING MAGLUTO HEHE FEED US GIRL YES CMON FEED US'

Parang mga timang diba? Ay hindi pala parang. Timang na talaga!

"Hay! Ang sarap talaga mag-invade ng kama. Haha!" Sabi ni Alexa na ngayon ay nakahiga na sa aking malambot na kama. Gumulong gulong pa ito dahilan para gumulo ang maayos kong hello kitty bedsheet.

Yes. Hello Kitty is my obsession. Wala kayong magagawa dun!

"Hey Alex! Will you stop that! Ayusin mo yan!" Pagsigaw ko sa kanya pero ginantihan lang nya ako ng pag-irap.

May kalakihan din naman itong apartment na binili sa akin nila Mr. and Mrs. Fortalejo. Yeah, ayaw ko silang tawaging mom or dad dahil they don't deserve it. Tss.

"Akin nalang itong hello kitty stuff toy mo girl!" Pagsigaw sa akin ni Alexa.

The hell?! Hindi mo kailangang sumigaw!

"No. You can't" malamig na tugon ko dito.

Kunin niya kahit ano. Wag lang ang stuff toy ko. May sentimental value kasi ito.

Andito ako ngayon sa kwarto ko kasama si Alexa habang si Roxie naman ay nasa sala at mukhang nanonood na ng TV at si Divina naman ay nasa may kusina at inaayos ang mga grinocery nila.

Yeah. Yan ang deal ko sa kanila. They can go here in my apartment anytime they want basta sila ang bahalang bumili sa kakainin nila. Ako lang ang magluluto, but the ingredients? Aba! Sila na ang bumili! Ako na nga magluluto, ako pa gagastos? Hell no!

Lumabas na kami ni Alexa sa kwarto ko at dumeretcho ako sa kusina habang si Alexa naman ay sinamahan si Roxie sa panonood niya.

Tinulungan ko na si Divina sa pag-aayos ng grinocery nila.

"Ang dami naman. Isang buwan nyo ba balak manggulo dito?" Malamig na tanong ko kay Divina habang hinihiwalay ang mga chichirya sa mga pang-ulam.

"Yung iba dyan, kakainin natin ngayon, at yung iba naman, syempre sayo na. Stocks mo na. Para naman lalo mo pa kaming i-welcome dito. Haha!" Pagsagot ni Divina sa tanong ko habang tinitiklop ang mga plastics na pinaglagyan ng mga pinamili.

"Wow. Ang kind-hearted nyo naman." Please note my sarcasm there. Psh.

"I know right!" Kasabay ng pagtawa niya na sobrang hinhin.

"Krystal!!! Divina!!! Dalian nyo na dyan at nagugutom na kami!" Rinig na sigaw ni Alexa sa amin.

Wow? Ano ako? Katulong nila?!

"Hoy Alexa tumigil ka nga. Dinamay mo pa ako, ikaw lang naman gutom dito!" Rinig din na pagsalungat ni Roxie kay Alexa.

Hindi na lang namin pinansin ni Divina at nagsimula nang magprepare ng lulutuin for lunch.

Yung mga chichirya ay nilagay ko na sa iisang plastic at nilagay ko sa may sala.

"Nandito ang mga chichirya." Pagsabi ko ay nilapag ko ito sa may lamesahan sa sala.

"Thanks nanny!" Pang-aasar sa akin ni Alexa at binigyan ko ito ng masamang tingin bago ako bumalik sa kusina.

Chicken adobo ang lulutuin namin ngayon dahil hindi naman sila mahilig sa pasta tulad ko. So I have no choice kundi mag-adjust at mag kanin.

Ang Girlfriend Kong Wattpad Character (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon