AGKWC 54 - Rule No. 3

156 11 128
                                    

AXEL CASTRO

Damn it! Nasaan na ba iyong babaeng iyon? She had never done this before. Nagpapaalam siya lagi pag may pupuntahan siya. She even tell me the smallest details of what she'll be doing. And now what? She went somewhere at this time of the night?!

Oh fcking god if something bad happens to her, I'll fcking kill myself!

Roxie! Where the fck are you?!

I went out of the apartment, with wearing only a black undershirt. I tied my hair in a bun and rode my motorcycle.

Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang kapatid ko pero tangina hindi ako uuwi hangga't hindi ko siya kasama.

Isa lang ang pinaghihinalaan kong pupuntahan niya. Alam kong hindi ang mga kaibigan niya ang kasama niya ngayon. Pinaharurot ko ang motor ko papunta sa pinaghihinalaan kong lugar.

Ang secret hideout ni Sidero.

Pagkarating ko dito sa liblib na lugar na ito ay nakita kong nakabukas ang mga ilaw sa secret hideout ni Sidero.

So I was damn right. You fcking ass.

Humakbang ako ng dahan dahan upang hindi ako marinig ng mga agents na nakapaligid sa hideout. Sinikap kong hindi gumawa ng ingay sa bawat hakbang ko kahit na medyo mahirap dahil puro nalaglag na mga lantang dahon ang nasa paligid.

Matapos ang mahaba habang minuto ng paglalakad ko ay nagtagumpay naman akong makarating sa harap ng walang nakakapansin sa'kin. Tsk. I'm still the best agent here duh.

Sumilip ako sa may bintana na kahit nakaharang ang mahabang pulgada ng pulang kurtina ay nakahanap pa rin ako ng siwang na makikita ko ang nasa loob.

And to my shock, I saw my sister. With Sidero. Fcking all alone!

Do you get me huh?! She's with Sidero and they're fcking alone! Paano kung may mangyari sa kapatid ko?! Damn!

I was about to recklessly enter when the next thing that happened caught me off guard. Napalaki ang mata ko.

Did he really...

Did he just...

Did he fcking removed his mask?!

Did he just let my sister see his face?!

He revealed his identity to my sister.

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

What's going on?

What the hell is he thinking?

What the hell is he planning to do?!

And when I looked at her,

I saw shock in her eyes.

As if she knew who Sidero is.

Tangina naman kasi, soundproof yung hideout niya kaya hindi ko marinig ang pinaguusapan nila.

At dahil hindi na ako nakapagpigil, dalidali akong pumasok at galit na galit na humarap sa kanilang dalawa.

"Greg." He monotonously said. I can feel the anger from his voice but he's wearing his devilish smile which I find uncomfortable.

"K-kuya? Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako kay Roxie na pulang pula ang mga mata marahil ay dahil sa pag-iyak nito.

"Hahahaha! You really are something, Greg. Hindi ko akalaing malalaman mong nandito ang kapatid mo." I clenched my fist in anger. Kung hindi ka lang boss dito, sinapak na kita gago!

Ang Girlfriend Kong Wattpad Character (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon