Some of the events, places and persons in this story are only a fruit of the author's imagination. This may be non-fiction but I don't know someone who has this story. Gawa-gawa ko lang po 'toh.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Uy bes! Inggit na inggit talaga ako sa'yo. Kahit papaano, ang swerte-swerte mo sa naging boyfie mo. Mayaman, gwapo, matalino at sweet. Na sa kanya na ata ang lahat. Bes, ang swerte-swerte mo talaga!" sabi ni Jessica, ang matalik kong kaibigan.
"Shhhh. Ang ingay-ingay mo talaga. Ilang beses mo na bang ulit-ulitin yan? Oo, ako na ang swerte. Pero hindi naman sa dahil ganun siya, eh shinota ko na siya. Mahal namin ang isa't-isa, hindi dahil sikat siya." sabi ko habang inaayos ko na ang mga gamit ko. Dissmissal na kasi.
"Fine, whatever." sabi niya habang inaayos na rin niya ang gamit niya. "Uy, bes! Yung boyfie mo, oh!" sabi niya habang nakaturo sa pintuan ko saan nakatayo si Blake. Agad ko naman siyang nilapitan.
"So, shall we?" tanong ni Blake sa'kin.
"Sure!" ngiting-ngiting sagot ko sa kanya.
Hi! I'm Briara Rossette Vasquez, 18 years old. 2nd year college na ako sa kursong Fine Arts. Ito namang kasama ko ay is Christopher Blake Villacorta. Siya ang pinaka-gwapo, pinaka-mabait, pinaka-matalino at ang pinaka-sweet kong boyfriend. Halos nasa kanya na ang lahat. Napakaswerte ko nga sa kanya. Simula nung naging kami, maraming naiingit sa'kin. Siya kasi ang school heartthrob nung high school pa kami and I'm just a Ms. Nobody. So of course, pinagiingitan ako nung naging kami.
Magkaiba kami ng kurso pero sa iisang college lang kami pumapasok. Ako, Fine Arts siya, Engineering. Magkaiba man kami ng schedule, magkasama parin kaming uuwi at papasok.
Nakaupo na kami ngayon sa isang bench sa sea shore habang tinatanaw namin ang sunset. Ang ganda nito tinangnan. Napaka-romantic ng feeling.
Nakaakbay ang ulo ko sa balikat niya habang fini-feel namin ang moment.
"Juliet." tawag sa'kin ni Blake. Yan kasi ang tawagan namin. Tinatawag ko siyang Romeo, at ako naman si Juliet dahil isang Love Story daw ang kwento namin.
"Hmmm?"
"Kung makita mo akong kasama ang ibang babae, 'wag kang magalit, ha?" favor niya sa'kin.
"Ha?"
"Kasi..... ano..... Hi-hindi ako ang perpektong lalaki para sa'yo. Yung tipong ganun. Maari akong magbago o kaya't....ugh.....yung...... ano ba 'to?"
"Yung maging babaero ka?" tanong ko sa kanya.
"Uhmm..... medyo ganun." he sighed a while. "Pa'no kung maging babaero ako, Juliet? Mamahalin mo pa ba ako?" tanong niya. Napatingin lang ako sa kanya nun. "Eh, kasi.... Sana, kung maghihiwalay man tayo, sana, hindi parin magbabago ang pagmamahal mo sa'kin. Baka kasi, matuhan ako at sasabihing ikaw talaga ang mahal ko---" napatigil siya sa pagsasalita dahil nag-hand gesture ako sa kanya na tumahimik.
"Wag kang magsalita ng ganyan, Romeo. Mahal kita, mahal mo rin ako. Walang kahit na anong bagay ang makapaghiwalay sa'tin." sabi ko sa kanya. Nagpanggap akong kalamdo lang ako pero ang totoo, nasasaktan ako. Pa'no na lang kayo kung magkatotoo ang mga sinasabi niya? Ano na ang mangyari sa'min?
"Kita mo ang liwanag ng sunset na yan." sabi ko habang tinuturo ko ang sunset. "Gaya niyan ang pagmamahal natin. Walang hangganan." dagdag ko. Napangiti na naman siya dun.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (One Shot)
No FicciónSa dinami-daming taong pwede, bakit siya pa? Eh, ako? Gusto ko nang mamatay pero inligtas parin ako ni Lord. Bakit? Sana...... Ako Na Lang.........