Ako si Tanya Venice Geronimo. Simpleng babae na naninirahan sa siyudad ng Makati.
Palipat-lipat ako ng school at lugar dahil sa napakaraming issue ni papa sa kaniyang trabaho na kung ano-ano na lang. Mainitin kasi ang ulo at mapikon si papa kaya madalas siyang napapa-away sa trabaho niya. Hindi kami mayaman, sadyang nagkataon na sinuwerte ako kaya naging scholar ako sa unibersidad na Felixre Academy. Every year halos napapalipat ako sa ibang school dahil sa issue ni papa ay teka nga paulit-ulit na ako haha. Nag-iisang anak lang ako nina mama at papa kaya nasa akin lahat ng atensiyon nila. May papa akong ubod ng bolero, at mapang-asar, lalo na pagdating kay mama. May mama naman akong saksakan ng ganda at mapagmahal. Sila ang magulang ko, si Papa Victor at Mama Tori.
Medyo spoiled ako pagdating sa kanila pero masunurin naman ako tsaka mabait. Mahilig akong magbasa ng mga novels tsaka hilig ko din ang magagandang tanawin, kaya asahan niyo na kapag nakakita ako ng magandang lugar ay agad kong kukunin ang camera ko tsaka kukuha ng mga litrato. Ang tipo ko naman sa lalake ay yung tall, dark and handsome, pero ayoko ng may maitim na budhi, gusto ko sina siyang maging mabait, thoughtful at mamahalin ako ng lubos hihi.
*ppff ppff*
Naramdaman kong may tubig na nagsisitalsikan sa mukha ko. Guess what, yan na yung pinangs-spray sa akin ni papa kapag hindi ako makaalis sa higaan ko tuwing umaga. "Anak gising na, baka mahuli ka mamaya." Ayoko pa rin imulat ang mga mata ko, sobrang inaantok pa kasi ako kaya muli ay inispray-han nanaman ako ni papa sa mukha.
"Hiiissh!!" Singhal ko.
"Err nagmumukhang kuting ka nanaman diyan na handang mangalmot, bumagon ka na para makakain na tayo." Kasi naman, ang lamig ng tubig! Pusa talaga ako kasi ako si Cat Lady chos. Pero di biro, kung hindi niyo pa naitatanong ay mahilig ako sa pusa, may pusa ako dito sa bahay named Liv.
Napasinghap na lang ako bago tumayo. Dumiretso agad ako sa banyo naligo tsaka bumaba na upang makakain. Simpleng almusal lang naman ang meron kami, pandesal na may palaman na margarine, pansit tsaka gatas ang akin, kina papa naman ay kape. Pero kung may natira kaming kanin sa hapunan ay sinasangag namin para sa umagahan. Nang matapos akong kumain ay tinungo ko yung lababo tsaka nagsipilyo.
I wonder, ano kaya ang mga mangyayare sa akin ngayong pasukan? Tsaka sa bagong paaralan na aking papasukan? Hay sana naman ay huling lipat ko na to, ang hirap kayang mag-adjust na parati ka na lang lilipat ng ibang eskwelahan, pero hindi ko sinisisi si papa ah? After all sila parin yung nagpapaaral sa akin at thankful ako dun. Pero sana naman maging normal at tahimik na ito this time. Hayy.
"Hoy Vee! Hindi ka pa ba tapos diyan? Aba tagal mo na ah??" Singhal ni mama. Aish tulira nanaman, excited daw kasi siya para sa akin kasi may bagong mga mukha at taong makikilala nanaman ako ngayon, pft as usual, hello? I'm like, I'm already used to it like duh? As if this doesn't freaking happen every year round?
"Opo mama andiyan na po.." Bumalik na ako sa hapagkainan at kinuha ang bag ko. Hinalikan ko muna sina papa at mama sa pisngi bago magpaalam. "Alis na po ako." Nakita ko si Liv sa pintuan ng kusina namin nakatingin sa akin. Nakangiti rin akong lumapit sa kaniya. "Babye, Liv. Magpakabait ka kina mama habang nasa school ako ah? At huwag mapili sa pagkain." Tugon ko sabay yakap sa matabang pusa ko na si Liv.
"Mag-iingat ka anak!" Ani mama.
"Good luck sa school, Tanya!" Gatong naman ni papa. Tumango ako saka dali-daling umalis na ng bahay.
YOU ARE READING
I know, You're Mine.
Teen Fiction❝ just ɑ typicɑl love story between ɑ boy ɑnd ɑ girl. ❞