Lunch time. Andito ako ngayon sa cafeteria kumakain, at oo mag-isa pa rin ako hanggang ngayon. Wala na ba talagang may gustong makipag kaibigan sa akin? Wala? Okay fine, I can manage my own self naman. Sumubo ako ng lasagna sabay himas sa binti ko. Kagabe ko lang din napansin na nagkasugat pala ako sa binti ng dahil sa aso na yun, hayy my flawless legs wala na. Pero ayos lang, gagaling din naman ito at as if naman masisisi ko yung aso, tsaka isa pa mukha naman talaga siyang mabait eh.
"Oy nabalitaan niyo na ba? Bumalik na yung P4!" Narinig ko yung usapan ng kababaihan doon sa kabilang table malapit lang sa akin. Eh wala naman akong kausap o kasama man lang kaya hindi ko maiwasang makinig sa pinag-uusapan nila.
"Really? Omg makikita ko na ulit si baby Levi!!" Hiyaw naman nung babae na kasama nila.
"Eh? Mas gwapo naman si Taylor no! Ang super hot niya pa hihi!"
"Duh? Tinanong ko ba opinyon mo? Tsk." Pagtataray nung isa. Ano ba yang P4 na yan?? Curious lang ako kasi kanina ko pa naririnig yan eh. Ano ba yan, mga plastik4? Pogi4? O baka naman Pabida4? Tsk. Nakakabanas lang kasi halos lahat ng mga estudyante sila lang parati ang bukam-bibig!
"Hi Tanya!!" Nilingon ko yung tumawag sa akin. Kilala ko tong babae na 'to, classmate ko siya kaso hindi ko nga lang alam ang pangalan niya. "Uh, hi?" Tumawa siya ng konti.
"Ako nga pala si Cassidy! Pwede bang makiupo?" Tumango na lang ako alangan naman umayaw pa ako. Inaamag na kaya ako wala pa din akong kaibigan dito hanggang ngayon.
Cassidy Montes
The bubbly one. Energetic, friendly, sometimes whimpy, knows how to play different instruments.Motto: Habang may buhay, may pag-asa kay crush.
"Oo naman sige!" Sabi ko sabay usog upang makaupo siya. "Thanks!" Nguya lang ako ng nguya hanggang sa magsalita na ulit siya. "Alam mo, sabi nila mahirap ka daw kausapin pero parang hindi naman." Eh? Ang dali ko kayang kausap. Lalapit ka lang naman sa akin at mag open ka ng topic. Anong hirap dun? Hayy.
"Ganun ba?" Mukha lang talaga akong snobbish nang dahil sa mata ko, chinita kasi kaya mukhang mataray pero mabait naman ako promise! Haha. "Pero no offense ha? Para sa akin mukha ka talagang mataray at cold pero mabait naman pala." Pagpupuri niya pa.
"Salamat!"
Medyo mahaba na rin ang pinag-usapan naming dalawa kaya kahit papaano ay ngayon komportable na ako sa kaniya, hindi rin naman kasi siya mahirap kaibiganin. "Uy Cassidy? Alam mo ba yung tungkol doon sa P4? Mga ano ba sila? Tsaka bakit sila palagi ang pinag-uusapan ng mga tao dito??" Usisa ko. Kasi naman kating-kati na akong malaman. Tumigil siya sa pag-nguya ng cassava cake niya saka uminom ng juice.
"P4 is Pride4, binubuo sila ng apat na miyembro. Grupo ng mga cool, famous, overflowing at higit sa lahat, samahan ng mga pogi ayy! Hahaha" luh? Makatili neto parang ewan haha. May pagkabaliw rin pala tong si Cassidy kaya panigurado magkakasundo kami neto. "Oh tapos?"
"Eto yun sila--" aniya habang binibilang isa-isa ang daliri niya. "First is Axel Kim, siya yung pinaka-nangungunahan sa kanila, bad boy, cool, at captain ng basketball team dito sa school. Huwag na huwag mo siyang gagalitin kundi..." Naghintay ako sa sasabihin niya. Nakatitig lang din siya sa mga mata ko hanggang sa gulatin niya ako kaya napasigaw ako. "Jusme, Cassidy! Papatayin mo ako sa gulat!" Reklamo ko pero tinawanan niya lang ako.
"Pangalawa si Darwin Matt, hindi ko alam basta misteryoso siya, kalmado, charismatic, may sariling mundo, matalino, sabi ng ilan warmhearted daw siya, tsaka campus heartthrob yan bes! Naku 'pag nakita mo siya ewan ko lang kung hindi mafall yang panty mo! Hahaha" luh? Di kaya! Ano naman kinalaman ng panty ko sa kaniya? Di bale sana kung may feelings pa 'tong panty ko eh kaso wala na kasi loose thread na daw siya HAHAHA. Pft.
"Pangatlo naman ay si Taylor Fuentes, cute, pogi pero maypagka flirty! Sabi ng ilan na campus boyfriend daw siya. Ang dami na rin kasi ng mga babaeng niloko at pinaiyak niyan potek lang." Napatango-tango na lang ako. Teka nga, Taylor Fuentes? Yung lalaking nakilala ko kahapon? Sinasabi na nga ba, chic boy talaga yun eh! Hays buti na lang at hindi ako nagkagusto sa kaniya. Ang bilis ko panaman magkacrush sa isang tao.
"And lastly, si Levi Jasper, eto talaga yung hard core sa lahat, matalino, napaka competent, hardworking, tsaka mataas yung expectations niya sa mga babae, pihikan yan eh, at siya yung may suot na eye glass sa kanilang apat kaya nga ang cute niya! Alam mo crush ko siya." Kasabay niyon ay ang pag-giggle niya na parang batang babae.
"Huwag mong agawin ah!?" Utos niya.
"Luh? Crush ka ba?? Hahahahaha!" Natigil ako sa pagtawa nang napansin kong hindi siya natuwa sa sinabi ko kaya napa-ehem na lang ako at yumuko. "A-ang ibig kong sabihin.. Yun lang pala?" Pagpapalusot ko na lang. Kasi naman baka bigla niya akong bugahan ng apoy. Bahagyang kumunot ang noo niya, "Anong 'iyun lang pala'??"
"Wala naman pa lang whatsoever tungkol sa kanila. Just an ordinary students lang din naman pala." Sabi ko while rolling my eyes. "Yah! Pag nakita mo sila tignan ko lang kung hindi mo kainin iyang sinabi mo!" Hah, talaga.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpasama muna ako kay Cassidy pumunta sa library. Hindi ko muna isasauli yung libro, gusto ko lang pumunta dito kasi may ic-check lang ako about sa magiging topic namin bukas, just wanna have a little sneak peak. Sinabayan na din ako ni Cassidy na maghanap ng libro, ewan ko nga lang kung anong libro ang hinahanap niya. Mga lima na yung dala niya samantalang ako isa lang. Tinanong ko siya kung hihiramin niya ba ang mga iyan pero hindi naman daw kaya napasapo na lang ako. Hello? So ano yun? As if naman matatapos niyang basahin ngayon lahat ng iyan? Haha gaga ever talaga.
Pansin ko na parang tulira siya at para bang may inaabangan. "Uh Cass, hindi ka hihiram ng libro pero bakit ang dami mo naman atang dala?" Pagtataka ko. Sinenyasan niya lang ako na huwag maingay.
"Wala basta! Type ko lang hahaha!" Sabi naman niya. Okay haha. Papunta na sana kami sa mga upuan nang bigla siyang tumalikod kaya nabangga niya yung lalake. Nagtaka naman ako kasi parang sinadya niya 'yon. Kita ko na nanlaki bigla yung mga mata ni Cassidy sabay laglag nung mga librong hawak niya. "Uy Cass, okay ka lang?" Hindi niya ako pinansin, nakatitig pa rin siya sa lalakeng nasa harap niya ngayon. Ano bang problema ng babaitang to? Tsk. Mas naschock pa siya nung pinulot nung lalake yung mga librong dala niya sabay abot sa kaniya.
"Here." Marahan niya itong kinuha. "Ay, t-t-thank you very much!" Pft ang awkward niya hahaha.
Natigil ako sa pagpipigil ng tawa kay Cassidy nang mapansin ko 'yung kasama ng lalakeng ito binangga ni Cass. Nakangiti siya sa akin habang nakapamulsa siya. Hindi ko naman maiwasang hindi mapatitig sa mapupungay at kulay brown niyang mga mata, matangos na ilong, at mapupulang labi. Jet black ang kulay ng buhok niya kaya mas lalo siyang hot tingnan. Pero maamo pa rin ang mukha niya. "Oy bes, tara na!" Sabi ni Cassidy sabay hila sa akin palayo. Nang makalayo-layo na kami ay saka siya tumigil. Ilang segundo rin yung tinginan naming dalawa.
"Kyaa ang gwapo niya!" Natawa kami kasi sabay at pareho pa kami ng sinabi.
"Teka, sino yung tinutukoy mo??"-both. Natawa na naman kami ni Cass pareho. "Haha okay ako muna, sino ba yung kinakikiligan mo ha?" Natatawang sambit niya.
"Y-yung.. Kasama nung lalakeng binangga mo este nabangga mo." Nahihiya kong tugon. Naguat naman ako kasi mahigpit na hinawakan ni Cass ang magkabilang-balikat ko.
"Omg! Tanya, sila yung kinuwento ko sa'yo kanina. Sila yung P4, yung lalakeng tisoy na kinakikiligan mo ay si Darwin! At yung lalake naman na tumulong sa akin ay si Levi, yung gusto ko! Hihi--" tili niya pa. Gusto ka ba? Charot lang haha. "-oh diba sabi ko sa'yo kakainin mo rin yung mga sinabi mo!"
Oo na, maaaring nagkamali nga ako sa sinabi ko kanina kasi pakiramdam ko ay crush ko na nga yung Darwin na 'yun.
Crush ba 'ko?? Hays.
YOU ARE READING
I know, You're Mine.
Teen Fiction❝ just ɑ typicɑl love story between ɑ boy ɑnd ɑ girl. ❞