Someone's POV
I was struggling at the books I was handling when suddenly may nabangga ako dahilan upang mahulog yung mga librong dala ko kaya dali-dali ko iyon na pinulot. "Oh-mg!Are you blind or what??" Bulyaw sa akin ng babaeng nabangga ko.
"S-sorry, hindi ko sinasadya." Depensa ko sabay ayos ng salamin kong nakasablay sa ilong ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Fine, pero try mo na kayang umalis sa harapan ko ng umaliwalas naman 'tong paningin ko!" Mariin niyang tugon sabay hawi ng buhok. Hindi ko na lang 'yon pinansin saka naglakad na palayo. Ano pa nga bang aasahan ko sa mga judgemental na mga iyon kundi panlalait sa mga taong kagaya ko. Pero hindi na naman ako nasasaktan kagaya nung una, sanay na ako sa mga panglalait nila no.
Naglakad na lang ako patungo sa grade 9 building kung nasaan ang room ng pinsan ko, hindi na rin ako kakain total medyo busog pa naman ako, at isa pa, wala na akong budget! Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may lalakeng biglang lumitaw sa harapan ko. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko, shocks! Hindi ako sanay na hawakan lang basta-basta ng mga boys. Hingal na hingal siya ramdam ko ang hard breathing niya.
"Excuse me, asan ba ang admin building? Kanina pa ako naghahanap, hapo na ako.." Kyaa! Ang pogi niya. Tagaktak yung pawis niya. Akin na kyaa punasan ko hihe. Bakit kaya ang pogi kapag pagod at basang-basa sa pawis mas lalo silang hot tingnan? Hmm. Niyugyog niya ako dahilan upang bumalik ako sa realidad. Mukhang abala nga siya, sige Kaye huwag mo muna siyang pagpatasiyahan ngayon at ituro mo muna ang hinahanap niya.
"Ah eh, d-dumiretso ka lang tapos 'pag narating mo yung dulo kumaliwa ka. Andun yung admin building.." Nakatitig lang ako sa kaniya, hindi ko namalayang nakanganga na pala ako na parang tanga. Parang bigla akong naistatwa nung ngitian niya ako omg.
"Thank you, Missy!" Aniya sabay kindat bago umalis. A-ano daw? M-missy? Biglang nanlaki ang mga mata ko, tumalikod ako para tingnan siya. Paatras na ako pero hindi ko pa rin inaalis yung tingin ko sa kaniya habang tumatakbo siya. Pak! Ang musculine ng likod niya, malalaglag na ata ang palda ko.
Nagulat ako nang biglang may bumangga na kung ano mula sa likod ko, humarap ako. Para bang nabuhusan ng sobrang malamig na tubig ang buong katawan ko. Apat, apat na mga gwapo, matatangkad, sikat, overflowing... The P4!
*gulp*
"I-im s-so sorry.." Pasalita pa lang yung isa sa kanila ay agad na akong kumaripas ng tumakbo palayo in a speed of light. Mahirap na, baka kung ano pang mangyare sa akin hindi ko carry yun.
End of Kaye's POV.
Huh? Nakunot ang noo ko dahil sa inasal nung babae. Bakit ganun na lang yung naging reaction niya? "What's wrong with that girl?" Tanong ni Levi.
"Malamang na'starstruck yun sa kagwapuhan ko." Sabi naman ni Taylor. Huh? Ano kaya yun? Nagwapuhan kaya napatakbo? Tss. "Hindi pa tayo nagpapakawala ng salita but they're already running out for their lives." Gatong ko samantalang si Axel naman ay nananatiling tahimik.
YOU ARE READING
I know, You're Mine.
Teen Fiction❝ just ɑ typicɑl love story between ɑ boy ɑnd ɑ girl. ❞