====

7 0 0
                                    


Pagdilat ko ng mata ay parang nasa ibang mundo na ako. Iba ang uniform, ang daanang dadaanan, ang eskwelahan, ang mga mukhang sumasalubong sa akin.

Nangyari na nga ba ang gusto ko? Na mabago lahat?

Wala na sina Lea, Jessie, Bea at Daina. Pero ibang mundo na ito. Wala ng mga problema. Ito ang gusto ko.

"Good morning class! So may transferee tayo ngayon at sana magkasundo kayo." Pagbungad ng teacher namin.

"Iha pumasok ka na at magpakilala." Sabi niya sa akin at sinunod ko naman siya.

Bawat hakbang ko ay kakaibang pakiramdam ang dulot nito. Saya. Iba na talaga. Ibang atmosphere. Parang nasa bukid ako at malayo sa lungsod.

"Good morning my name is Amber Morie." Simpleng pagpapakilala ko pero kita ko ang pagkasabik sa mga mata nila.

"Thank you Amber, upo ka na sa bakanteng upuan." Turo ni Ma'am sa pangalawaang row.

Tahimik akong umupo at nakinig sa teacher namin. Pagkatapos ng time ni Ma'am ay kinausap ako ng katabi ko sa kaliwa.

"Hi Amber, ako si Shane." Naka-ngiting pagpapakilala niya.

"Ako si Gio, president ng section natin."

"I'm Chris, vice president."

Sunod-sunod silang nagpakilala sa akin. Pagkatapos nilang magpakilala ay nag-discuss sila about sa eskwelahan na ito. Nagkwento rin sila ng mga masasayang alaala nila at mga tungkol sa sarili nila.

Habang pinapanood ko sila ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ang saya nilang tignan. Magkakasundo silang lahat dala siguro ng mahigit 3 taon nilang pagsasama.

Pero bakit yung sa amin hindi?

Patuloy lang sila sa pagkekwento hanggang sa lumabo sila at maging itim nalang ang nakikita ko. Itim lang at wala ng iba. Pumikit ako at nagbaka sakaling bumalik sa normal ang lahat pero nagsisi ako pagkadilat ko.

*beee beee beee beepp beee bee bee beeep

Pinatay ko ang alarm clock ko at tumayo. Naghanda para sa totoong araw, dadaan sa totoong daanan, papasok sa totoong eskwelahan at sasalubong sa akin ang mga totoong mukha.

Nasa totoong mundo na ulit ako.

Pagpasok ko sa room ay naabutan kong nagtatalo ang mga kaklase ko.

"Guys! Dali na umayos na kayo seryoso na. Kapag wala pa tayong napili na representative disqualified na tayo. Nico! Raven! Tumigil na nga kayo! Umupo kayo sa pwesto niyo!" Suway ni Jane, class president namin.

"O dali na, si Mark at Rachel nalang kasi." Sabi ni Orly na may pinakamalakas na boses sa aming magkakaklase.

"Uy Jane! Paano pala batch tshirt natin?"

"Mike may data ka? Paconnect!"

"Woy! Rainie! May promo sa starbucks! Hanggang bukas nalang punta tayo mamaya."

"Geh geh buti nalang may extra akong dalang pera."

Tahimik akong nagmasid sa paligid ko.

Ibang iba ang realidad ko kaysa sa panaginip ko.

Nandito ulit ako sa realidad.

Napatingin ako kay Bea na nakikipag-usap sa iba kong mga kaklase. Malayo na siya sa amin at hindi ko alam kung maaabot pa ba namin siya ulit. Hindi na siguro maibabalik pa sa dati. Wala na.

Lahat ng mga nasisira ko ay hindi na naibabalik pa. Hanggang panaginip nalang.

Napunta ang paningin ko kay Lea.

Meron pa siguro akong maaayos?

Umupo ako sa tabi niya.

"Wuy. Na miss understood mo ata ako kagabi."

"Huh?" Tugon niya na may normal na mukha pero iba ang mga nasa mata.

"Sorry kagabi pero na-miss understood mo ata ako. Sinasabi ko doon na kaya ka linagnat ay dahil napagod ka. Sumakit na katawan mo pero naglaro ka pa. Na-binat ka siguro kaya pag-uwi mo linagnat ka." Paliwanag ko.

"Weh?" Tanong niya at kinuha ang cellphone niya. Matagal niya rin itong binasa

"Ahhh ok, sakit kasi ng ulo ko kagabi kaya hindi ko na siguro nabasa ng mabuti." Natatawang sagot niya at napangiti naman ako.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko.

"Ok naman. Akala ko nga hindi ako makakapasok ngayon eh." Sagot niya

Napangiti ako dahil may naibalik ako kahit isa. Akala ko may mawawala nanaman.

Kung nagpaiwan ako sa panaginip ko kanina siguro hindi ito mangyayari, pero kahit anong takas ko naman sa katotohanan ay babalik at babalik parin ako sa realidad dahil ito ang totoo at dapat.

Ang buhay ay parang seesaw. Minsan nasa taas ka at minsan nasa baba. Hindi pwedeng nasa taas ka lagi dahil paano naman ang kasama mong nasa baba?

Minsan sinusubukan niyong maging balanse sa seesaw pero hindi iyon nagtatagal dahil mahirap. Pero sa totoo lang, ang totoong balanse sa buhay ay iyong may ups and downs.

Kaya siguro may panaginip at reyalidad. Para sa kabila ng nakakasakal na reyalidad ay nandyan ang magandang panaginip para iparamdam ang saglit na kasiyahan. Saglit lang iyon pero ipinaramdam parin sa iyo para magkaroon ka ng dahilan upang ipagpatuloy at harapin ang reyalidad mo. Kung nagkaka-bangungot ka ay siguro inaabuso mo ang maganda mong reyalidad.

Kagabi ay tinakasan ko ang reyalidad ko pero pagdating ko sa reyalidad ay may magandang nangyari naman. Simple lang ito pero kung uunti-untiin ko ay may mararating ito.

Dapat kong ipagpatuloy ang buhay ko, patuloy akong maglalaro sa seesaw.

—_

SeesawWhere stories live. Discover now