===

9 0 0
                                    


Lumipas ang isang araw ay parang ibang hangin na ang hinihinga ko.

Hindi na kami nagpapansinan ni Bea pero sina Jessie, Lea at Daina ay nakakausap pa nila.

Iba sa pakiramdam. Parang nawalan nga ako ng  problema at the same time nawalan ako ng isang kaibigan.

Sa isang iglap iba nanaman ako.

Kami nina Jessie, Lea at Daina ay balik normal lang.

"Jessie tara badminton tayo." Yaya ni Lea kay Jessie

"Geh tara. Sama kayo?" Tanong ni Jessie sa amin ni Daina pero tumanggi kami.

Vacant namin ngayon kaya makakapaglaro sila ng mga sports at pwede ring gumamit ng gadgets.

Kinuha ko ang cellphone at earphones ko. Nakinig ako ng music habang nagbabasa sa cellphone.

Pipindutin ko dapat ang Wattpad app pero napindot ko ang gallery ko. Sakto naman lumitaw ang picture ko kasama si Bea. In-exit ko agad ang gallery at nagbasa na.

Napangiti ako ng mapait nang may naisip ako.

Bakit hindi ko binura iyong picture?

~~~~

Natapos mag-laro ng badminton sina Lea at nakatutok sa electric fan ngayon si Lea.

"Grabe sakit ng katawan ko." Naka-simangot na sabi niya.

Bumalik ako sa pagbabasa pero maya-maya ay napansin kong wala si Lea.

"Nasan si Lea?" Tanong ko kay Daina

"Lumabas." Simpleng sagot niya.

Tumingin ako sa labas at nakita kong nag-lalaro nanaman siya. Akala ko ba masakit katawan niya?

Pagkauwi sa bahay ay nag-on ako sa messenger. Nalaman kong kailangan naming bumili ng props bukas para sa play namin sa Filipino. Ka-group ko si Lea rito at siya ang bibili. Kailangan ko siyang samahan.

Maya-maya ay nag-chat siya na hindi na makakaalis dahil linalagnat.

Sabi na magkakasakit ito eh, at ito ang isa pinaka-ayaw ko na nangyayari sa mga kaibigan ko.

Nag-chat ako sa kanya ng, 'maglalaro kasi tapos sasakit katawan pero makikita ko bigla naglalaro ulit'

Nagyo-youtube ako ay nag-reply siya.

'Hindi ko naman sinabing masakit katawan ko ah? Sabi ko linalagnat ako kaya hindi na ako makaka-aalis'

May sumunod pa.

'Hindi lahat alam mo, minsan isipin mo mga sinasabi mo kasi baka nakakasakit ka na. 😅'

Kahit na may emoji na ganun ay alam kong naka-simangot siya.

Lumipas ang ilang oras bago ko ma-gets ang sinabi niya.

Na-miss understood niya ang sinabi ko. Hindi nalang ako nag-reply. Ewan ko pero feeling ko lalala ito. Mabuting sa personal nalang ako magpaliwanag.

Humiga ako at sinuot ang earphones ko.

"Ngayon, may nagawa akong ikaaayos ng sitwasyon..."

"Ayokong may mawala nanaman sa akin. Baka hindi ko kayanin."

"Pero kahit takot akong may mawala sa akin, gusto ko namang mabago ang mundong ginagalawan ko."

SeesawWhere stories live. Discover now