Teaser

41.3K 746 49
                                    

"Teacher Jas, masaya ba ang may mommy?" Inosenteng tanong ni Sam.

"Oo, masaya kasi may nag-aalaga sa'yo, may nagmamahal, bakit mo naitanong yan?" Napatingin si Jas sa malungkot na mukha ng bata.

"Kasi po wala akong mommy." Nalungkot lalo si Sam.

"Why, Nasaan si mommy?" Tanong niya habang sinusuklay ang alun-along buhok ng bata although alam niya naman na patay na ang ina ni Sam.

"Nasa heaven na po." Mukhang iiyak na si Sam.

"Don't be sad, kahit nasa heaven na siya ay love ka pa rin ng mommy mo, at saka may daddy ka naman di ba?" Niyakap niya sa likod ang bata at hinalikan ang buhok nito.

"Lagi naman akong iniiwan ni Daddy." Napahikbi na si Sam.

"I heard you call me baby." Boses lalaki ang narinig ni Jas.

"Daddy ..!" Sigaw ni Sam at patakbong lumapit sa bagong dating.

"How's my baby, I miss you so much." Kinabahan si Jas, 'Bakit parang kilala ko ang boses.'

Unti-unti ang ginawang paglingon ni Jas, nanlaki ang mga mata niya ng mapagsino ang bagong dating. "Daddy, she's my tutor, si Teacher Jas." Excited na pakilala sa kanya ni Sam.

Hindi makapagsalita si Jas, para siyang napako at umurong ang dila. "Ikaw?" Ang tanging nausal niya.
****

Hello readers,

If you liked this story, pls vote or, if you noticed some flaws, pls comment.

Thank you :)

Si Dok at si MamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon