3-Birth & Death

37.1K 530 72
                                    

Kanina pa sa loob ng sasakyan niya si Li, Iniisip niya si Jasmine. Di niya maintindihan ang sarili, gusto niya itong I-comfort kanina pero iniwasan niya, awkward ang sitwasyon. Dahil sa pagmamahal nito sa ama ay nagawang ibenta ang katawan mabuhay lamang ito.

Naalala niya bigla si Sam. 'Oo nga pala, birthday ni Sam.' Na-guilty siya, wala pala siyang birthday present sa anak at malamang tulog na ito pagdating niya. Bakit ba lagi niyang nakakalimutan ang birthday ni Sam? Dahil ba ito  rin ang death anniversary ng kanyang asawa? Napabuntonghininga si Li, hanggang ngayon hindi pa rin siya maka - move on sa pagkawala ni Estella. Kanina maaga siyang dumalaw sa puntod nito. Pag nami -miss niya ang pinagsamahan nila ay nabubuhay din ang pangangailangan niya bilang lalaki kaya nandoon na naman siya sa hotel kanina. Pero iba ang mga pangyayari sa araw na ito. Naalala niya uli si Sam, naawa siya sa anak, hindi na nito nakita ang kanyang mommy. Parang pelikula na naman na bumalik sa isip niya ang mga pangyayari.

"Daddy, parang ang dami yata nating binili para kay baby Sam, baka ang iba dito di niya magamit." Masayang masaya si Estella pagkatapos nilang magshopping para sa kanilang baby.

"Mommy, lahat yan magagamit, di ba baby?" Sabay hawak ni Li sa umbok na tiyan ng asawa at kinausap ang nasa loob nito. "Two months na lang makakasama ka na namin ni mommy sa pamamasyal." Sobra ang excitement nilang mag-asawa, limamg taon nilang hinintay na magkaanak at konti na lang masisilayan na nila ang kanilang angel.

"Holdaper..! holdaper..!" Sigaw ng isang Ale sa tindahan ng mga alahas.

"Bang..!Bang..! Bang.!" Nagtakbuhan ang mga shoppers ng mall, Nayakap ni Li ang asawa.

"Dad-Daddy.." Unti-unting dumausdos si Estella sa yakap niya.

"Mommy! My God, may tama ka." Nataranta si Li, yakap yakap ang bumagsak na asawa. "Help! Help us please!" Sumisigaw siya sa takot, humihingi ng tulong para sa asawa.

Sa hospital. "Li, marami ng dugo ang nawala kay Estella, baka hindi na makayanan pa ng katawan niya but the baby is safe now." Sabi ng doctor sa kanya. General Surgeon siya, magaling sa kanyang larangan pero wala siyang nagawa para iligtas ang buhay ng asawa.

Hilam na naman sa luha ang mga mata ni Li, limang taon na ang nakalipas, sariwa pa rin sa kanya ang sakit ng pagkawala ng asawa. Maraming babae pero para sa kanya ay wala ng papantay dito. Pinaandar ni Li ang sasakyan. May bukas pa namang mall, bibili muna siya ng regalo para kay Sam.

**

Tulog na si Sam ng dumating si Li. Naaawang hinaplos niya ang pisngi ng anak. Naalimpungatan at nagising ito. Pupungaspungas na lumapit sa ama. "Daddy." Mahigpit itong yumakap sa kanya.

"Happy birthday, baby Sam." Hinalikan ni Li sa pisngi ang anak at mahigpit ding niyakap. "Here's my gift to you." Iniabot sa anak ang isang big bear stuff toy na halos kasing laki ni Sam.

"Wow! Mama bear. Thank you Daddy." Tuwang tuwa ang bata, mahigpit na niyakap ang stuff toy at umugoy ugoy pa. "Mama Bear."

Niyakap uli ng mahigpit ni Li ang anak. Alam niya kung bakit ito tawag ni Sam sa stuff toy. Ilang beses na siyang tinanong ng anak tungkol sa ina. Naintindihan na nito na patay na ang kanyang mommy. Pero isang katanungan ng bata ang hindi niya masagot.

"Daddy, kelan po ako magkaka-mommy?" Nagulat si Li sa tanong ng anak. Muli na namang naulit ang tanong na mahirap sagutin.

"Baby, wala pa kasing nakikita si Daddy na kasingbait at kasingganda ng iyong mommy." Ito lang naman lagi ang sagot niya. "Go back to sleep baby, hug your mama bear." Lambing niya sa anak. Pinahiga ni Li ang anak, kinumutan at hinintay na makatulog bago pumunta sa kanyang kuwarto.

Pasensiya na po. Nasa Dreame at yugto na po ang kumpletong story nito.

Si Dok at si MamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon