Chapter 1

31 10 2
                                    

Start

Pagmulat ng mga mata ko ang sinag ng araw ang kaagad na sumalubong. Panibagong araw na naman. Nilisan ko ang aking higaan dahil kailangan ko pang maghanda para sa unang araw ng klase.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang unibersidad kung saan ako papasok. Pagkatapak ko pa lang na aking mga paa ay agad kong inilibot ang aking paningin. Nakakamangha. Ang tataas ng mga building. Sobrang sarap tingnan ang mga halaman. Pagtingin ko sa aking kanan ay may mga estudyanteng naglalakad sa sobrang lapad na field. Hindi ko ine-expect na ganito ka gandang unibersidad ako mag-aaral. Ang laki siguro ang ibiniyad ni mama dito. Matanong nga mamaya.

Agad kong hinanap ang classroom ko. May 30 minutes pa ako para hanapin ito. Siguro sa susunod na araw na ako maglilibot. Baka aabutin ako nang isang araw para malibot ito. Pagkatapos nang labinlimang minuto ay nahanap ko na ito.

Room IV-A

Pagkapasok ko ay may iilan na estudyante na. Hindi na sila nag-abala pang tumingin sa akin. Well, who cares? Kaagad akong tumingin sa upuan malapit sa bintana. Buti na lang at wala pa doon nakaupo kaya doon na lang ako umupo. My favorite spot. Habang hinihintay kung sino man ang magtuturo sa amin ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro.

Humigit kumulang sampung minuto ay dumating na ito.

"Good morning class. I'm your adviser for this school year, I am Melanie Garcia. Nice to meet you all. Please kindly introduce yourself in front. Starting with you girl in black dress."

Natapos ang klase namim kay Miss Melanie na puro pagpapakilala. Recess namin ngayon since first day ko dito ay wala pa akong ni isa na kilala. Hindi kasi ako yung tipo na first day pa lang ay marami ng mga kaibigan. I'm not that friendly. Kaya napag-isipan ko na sa library na lang ako pupunta. At least doon ay tahimik. No one will disturb whatever you are doing. Bago pa man ang susunod naming klase ay nilisan ko na ang library. Habang naglalakad ay patuloy pa rin ako sa pagbabasa kung kaya't may nabunggo ako. Nahulog ang libro ko at agad ko itong pinulot at saka dali daling tiningala ang kung sino man.

"I'm sorry at hindi kita nakita. I was busy reading so I didn't saw you coming. Sorry."

He just shrugged off then he leave. At least hindi nagalit. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Pagtingin ko sa aking orasan ay late na Pala ako. May kalayuan kasi ang library plus ang pagbunggo ko don sa lalaki. I was  kinda amazed of his feature. Kaygandang lalaki. Dali dali ang aking paglakad. Pagdating ko sa room namin ay may professor na. Patay.

"Good morning Sir," I greeted.
"I'm sorry I'm late," Errr. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako na late.

"It's okay miss. Please have a seat."

"Thank you sir."

Inubos namin ang oras ng klase na puro pagpapakilala naman. What do you expect? Hello, first day of class. Malamang puro ganon ang ginagawa. Natapos na ang klase. Habang naglalakad ay nakita ko naman ang lalaki na nabangga ko kanina. Shit. Mukhang papalapit siya sa akin. Sa akin nga siya papunta.

"Uhm Raven Ivory, right?" fudge. How did he know my name.

"Tawag ka ng Dean." uhuh.

"Okay. By the way how did you know my name?"

"ID," oh shit. Oo nga pala.

"Uhh."

"Okay I got to go." pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagmadali siyang umalis at tinungo ang gate.

Dumiretso naman ako sa sa office ng Dean. He just asked me few things and give the key para sa locker. Humingi rin siya ng sorry dahil hindi niya ito nasabi kaninang umaga at sana nalibot na rin ako ng presidente ng SSG (Supreme Student Government) dito sa campus.

In a Heartbreak Where stories live. Discover now