Two Minus One

152 5 5
                                    

Alex's POV

Nakasimangot ako habang nakaupo sa tabi ni Mr. T sa rooftop ng ospital. Paulit ulit kong tinitignan yung pangalan sa black na envelope na yun at paulit ulit kong iniisip kung paano nangyari lahat ng to.

"Wag mo na isipin. Basta sunduin mo na lang."

Sabi ni Mr. T saakin habang nakahalukipkip at nakamasid sa kaguluhan sa ibaba. Dalawang ambulansya ang mabilis na paparating lulan yung dalawang taong nagging mahalaga saakin.

"Gusto mo nang matapos yung misyon mo di ba? Oh sumundo ka na. Dito na natatapos lahat ng to, Alex."

Tila walang damdaming sabi ni Mr. T saakin. Hindi ako lumingon sakaniya. Kung pupwede lang akong umiyak baka kanina pa ako humahagulgol dito. Mabuti na lang wala akong kapasidad na umiyak.

"Alam ko. Wag kang paulit ulit jan pwede? Hayaan mo muna akong iabsorb yung mga pangyayari."

Sabi ko sakaniya. Naramdaman ko naman na nagkibit balikat siya bago sumagot.

"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo, Alex. Magagawa ko na ng maayos yung trabaho ko."

Sabi niya bago naglahong parang bula. Bumuntong hininga ako bago sumilip sa ibabaw. Nakita kong inilalabas na sa ambulansya sina Dos at Vice. One after the other.

Parehong walang malay at duguan. Napabuntong hininga ulit ako bago naglakad papunta sa kwarto ni Tom kung nasaan si Jaki.

Nakaupo siya sa sofa habang binabasa yung divorce papers na nakita sa kotse ni Tom nung araw na naaksidente ito.

Lumingon siya sa labas ng bintana pero hindi tumayo. Dinig mula dito yung ingay ng siren ng ambulansya na nagdala kay Dos at Vice sa ospital na yun.

"Napaka-ironic no, Jaki? Sa hinaba haba ng tinakbo ng kwento niyo, dito pa din talaga magtatapos ang lahat."

Malungkot kong sabi habang nakamasid din sa labas ng bintana. Tinignan ko ulit si Jaki na may hinahanap na kung ano sa bag niya bago ako lumabas dun at nagpunta sa emergency room kung nasaan yung taong susunduin ko.

Sinulyapan ko ulit yung itim na envelope na lukot lukot na ngayon sa sobrang kakatago ko.

Pumasok ako sa loob ng emergency room kung nasaan siya. Aligaga ang mga tao sa paligid at hindi magkanda ugaga. Nasa gitna si nung si Vice at pinapalibutan ng napakaraming nurses at apat na sugeons.

"Call Cardio now, his heart is not functioning properly. It seems clogged, there are debris in there. NOW!"

Sigaw ng isang doctor na naglelead ng surgery. Agad namang kumaripas ng takbo ang isang nurse na nasa bandang likod. Bumuntong hininga ako at pumunta naman kay Dos.

Kung gano katensed sa loob ng OR ni Vice ay ganun naman kakalmado dito. Mukhang okay lahat.

"Vitals?"

Tanong ng lead surgeon habang nagaalis ng kung ano anong mga debris mula sa katawan ni Dos.

"Stable."

Sagot naman ng isang nagaassist sakaniya. Namulsa ako bago ako lumapit kay Dos. Steady ang paghinga niya at mukhang panatag naman siya.


Lumabas ako at naupo sa may hallway. Sinandal ko yung ulo ko sa pader bago ko inilabas yung black na envelope. Ilang minuto ko yung tinitigan bago ko napansin na may nakatayo na sa harap ko. Tumingala ako para tignan yung pamilyar na mukhang nakayuko saakin.

Ngumiti ako.


"Ready ka na? Ambilis naman."

Sabi ko sakaniya. Tumawa lang siya bago lumingon sa dalawang pintuan ng magkatabing OR.

PUSO Book 4: InterventionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon