New And Improved

314 7 18
                                    

Dos's POV

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong yan Dos?"

Tanong saakin ni Kuya JM. Tumango lang ako sakaniya habang nililibot ng tingin yung kwarto ko sa Amsterdam para idouble check kung may nakalimutan pa ako. Lumapit ako sa side table katabi ng kama at kinuha yung picture frame na andun.

Hinaplos ko ng daliri ko yung mukha nung babaeng nasa litrato.

"Kailangan. Kung hindi, hindi ako makaka-move on sa nangyari."

Sabi ko bago ko dahan dahang ibinaba sa side table yung frame. Naramdaman kong lumapit saakin si Kuya at inakbayan ako. He shoved me playfully bago nagsalita.

"It was not your fault, Dos. Accident yun. Walang may gusto sa nangyari."

Sabi niya. Tumango lang ako pero hindi ko magawang paniwalaan yung sinabi niya. Dahil wala siya sa loob ng sasakyan nung gabing yun.

Flashback...

Malakas ang volume ng radyo ng kotse habang masaya kaming sumasabay sa kanta. Kasama ko sa loob ng sasakyan yung girlfriend ko, si Kaitlyn. I proposed to her that night sa harap ng mga kaibigan namin at katrabaho. Sobrang saya namin kaya hanggang sa loob ng sasakyan pauwi eh party mood pa din kami.

"Finally! Akala ko hindi mo tatanggapin kanina. Kinabahan ako sayo."

Biro ko sakaniya habang nagmamaneho. Maulan nung gabing yun kaya dahan dahan lang ang patakbo ko at mejo nakainom din kasi ako. Tumawa siya. Yung tawa niya na nakakahawa.

"I wouldn't say no to you, Dos. Pero pwedeng pwede akong magprank. Ginulat mo ako kanina so naisip kong bumawi."

Sabi niya. Napailing na lang ako bago din natawa. Ganun talaga kami, we love each other pero may mga oras na pinagtitripan namin ang isa't isa. Sabi nga niya, parang Nico and Solenn daw kami. Kahit hindi ko naman alam kung sino yung mga yun.

I was so drawn to her that night kaya hindi ko naiwasan na ikiss siya. It was reckless, i know. By the time na ibalik ko sa kalsada yung tingin ko ay may sasakyan na sa harap namin at nasa kabilang lane na pala kami. Mabagal kami pero the other car was fast.

I woke up a month after and she's gone. It was all my fault.

(Remember Alex? Siya ang may kagagawan ng made up memory na yun.)

End of flashback...

"Thanks for helping me, kuya ha? Nasan na pala si Ate Ana? How is she holding up?"

Tanong ko. Si Ate Ana yung asawa ni Kuya JM. Huminga ng malalim si Kuya bago sumagot.

"She's not okay, pero she's coping up. Sobrang heartbroken siya sa nangyari sa baby."

Sabi ni Kuya Jm sabay pisil sa balikat ko. Tinulungan niya akong magsakay ng mga gamit sa kotseng nirent namin tsaka na kami dumeretso sa airport kung saan andun na si Ate Ana. Sinalubong niya kami sa may entramce at yumakap saamin ni Kuya. Ngumiti siya pero nakita kong hindi yun umabot sa mga mata niya.

We both lost someone that day. Sabay sabay kaming nagcheck in ng mga baggage at tahimik na naglakad papunta sa boarding gate.
Nagdecide akong magresign na sa work kahit ayaw sana akong payagan ni Mr. Cooper. Pinili kong manatili na lang din sa Manila kasama si Kuya and napagusapan namin na magtayo ng restaurant and record label.

"Alam niyo ba, hanggang ngayon nasa top spot yung sinulat niyong kanta? Nakakaproud kayo."

Sabi ni Ate Ana habang nasa himpapawid kami. I remembered that song, Isa Pang Araw, almost like a prediction sa mangyayari.

PUSO Book 4: InterventionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon