Dear Crush (The Girl's Side)

1.7K 31 5
                                    

Hey guys!

I just want to share a letter from a girl for his crush.

Hay.. Totally kilala ko yooown eii ..hawhaw xD

Hay Buhay!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~♥~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dear Crush, 

                Unang una sa lahat, alam kong hindi mo ako kilala pero sana pagbigyan mo akong masabi ang mga bagay na gusto kong sabihin sayo nung una palang...

                       Alam mo ba? Una kitang nakita noong nasa school gym tayo dahil sa isang program, Kasali pa nga yung section niyo sa mga contestants diba? Nakikipaglaro ka pa nga ng cellphone sa adviser namin.. napa"whoow" pa nga ako nung nakita kita kase bigla nalang tumibok yung puso ko ng sobrang bilis. Kaya simula ng araw na yun palagi nalang kita naiisip. Nakakainis nga e, hindi ka kasi matanggal sa isip ko kahit anong gawin ko hanggang sa marealize ko na crush na talaga kita. Nagkaroon na nga din ng time na may isa pang competition, iyon ata yung "Gods and Godesses"  na ikaw ang representative ng classroom niyo.. Alam mo ba inubos ko yung allowance ko sa kapipirma ng mga boto para sayo.

                       Minsan kapag dumadaan ka sa room namin hindi ko matanggal yung mga mata ko sa katitingin sayo... Kinikilig kilig pa nga ako noon ee. Isang araw nga habang naglilinis kami ng Guidance office dahil inutusan kami e bigla kang napadaan doon at napatingin naman ako. Yan tuloy napansin ng mga kaibigan ko na sayo ako nakatingin kaya ka nila tinawag. Hindi ko alam ang gagawin ko nung time na tinatawag ka ng mga kaibigan ko. Hiyang hiya ako sayo nung time na yun. namumula pa nga ata ako noon ee. Nung lumapit ka sa mga kaibigan ko, ipinakilala nila ako sayo pero ang sabi mo lang ay  "aa.". Nasaktan ako noon at nadismaya. Oo inaamin ko kasi parang balewala lang ako sayo. Pero sino nga naman ba ako para masaktan at umasa? Isa lang akong hamak na babaeng nagcracracrush sayo.

</3

                         Lumipas ang isang taon, crush parin kita. Hindi ko nga alam kung crush lang kita e kasi baka Mahal na kita. Hanggang ngayon hanggang tingin palang din ako at nangangarap na makalapit sayo at makausap mo na alam kong hindi magkakatotoo. Sana mapansin mo rin ako. Crush kita! Ay mali pala! Mahal na mahal na kita! </3

                                                                                                         Nagmamahal,

                                                                                                         Ang babaeng torpe

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~♥~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yan na po yon...

Haaaai... :(

                       

Dear Crush ♥ (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon