Prolouge

555 13 6
                                    

Ang sarap pagmasdan ng alon ng dagat, napaka-payapa. Habang ang mga ibon ay malayang lumilipad sa himpapawid.

Ako kaya? Kailan ako makakalaya sa nakaraan ko?

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan kami unang nagkakilala, halos 10 taon na rin noong huli kaming magkita.

Naglakad lakad ako sa gilid ng dagat habang pinagmamasdan ang payapang mga alon nang mapatingin ako sa isang babae na nasa di kalayuan.  Nakaupo sa buhangin habang hinahangin ang buhok na may katamtamang haba.

Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kung sino iyon,

Joy-joy...

10 taon na din ang nakalipas pero parang hindi nagbago ang kanyang itsura. Ang tagal ko siyang tinitigan...

Bakit ba kasi hindi mo ako pinaglaban?

Napabalik ako sa wisyo nang mapatingin sya sakin, nanlalaki ang mga mata niya, napakurap kurap at sandaling natulala. Dali dali ay tumayo siya at pinagpagan ang suot na bestida, akala ko'y lalapit sya sa akin pero dire- diretso syang pumunta sa tapat ng lobby ng resort kung saan may lalaking nakatayo at may katawagan sa telepono at nilapitan sya nito. Hinawakan ng lalaki ang bewang nya at giniya sya papasok sa loob.

Bago pa sila makapasok ay sumulyap ulit sa akin si Joy-joy, nang magtama ang paningin namin ay umiwas agad sya ng tingin at patuloy na naglakad papalayo kasama ang lalaki na nilapitan niya hanggang sa mawala silang dalawa sa paningin ko.

Napayuko ako at napakagat ng labi,  Bakit nga naman niya ako lalapitan kung gayo'y dati pa man ay ipinagtulakan niya na ako papalayo.

Pero heto naman na ako at nagbago, huli na ba ako? Kailangan ko bang tanggapin na wala na talaga? Wala na talagang pag-asa?

Handa naman akong tanggapin sya ulit, kahit ilang beses nya akong ipagtabuyan. Sabihin nya lang na mahal nya pa ako, babalik ako ulit, tatanggapin ko sya ulit.

Susugal ulit ako.

Pero sana,

sana hindi pa huli ang lahat para sa aming dalawa...


"Sana di pa huli" (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon