Doppelganger2

108 1 0
                                    

Ang istoryang ito ay pagmamay ari ng kaibigan/kababata/bff kung si Wayne. Medjo may kaya sila sa buhay at isang bahay lang ang pagitan ng mga bahay namin.

Grade five kami ng mangyari ang kababalaghan na yun , we were playing tumbang-preso sa tapat ng bahay nila.Bilang bata natural na ang pagkaingay namin , sa gitna ng laro namin bigla na lang natigilan si Wayne habang nakatingin sa bahay nila , kaya ayun natamaan sya ng tsinelas sa ulo , pero di pa rin sya kumilos.

Lumapit sya sa bahay nila at may tinawag .. yung papa nya ang tinatawag nya. Di na namin sya pinansin nagpatuloy lang kami sa laro.

Samantala tinatawag pa rin ni Wayne ang papa nya nakatalikod ito sa kanya at ang nakapagtataka nakabarong ito , alam ni Wayne na papa talaga nya yun base na rin sa tindig at pangangatawan nito.

Tinatawag pa rin nya ito ...

Nang biglang ...

Beep

Beep

Beep

PumuntA kami sa side at pinadaan namin ang sasakyan nila wayne kararating lang ng papa nya.Nakita namin na namutla si Wayne at di makakilos , nilapitan sya namin at hinila bumaba ang papa nya at tinanong sya kung anong nangyayari sa kanya .. kilalang istrikto ang papa nya kaya umiling na lang si Wayne hinila namin sya sa isang tabi at tinanong.

Nagsimula na syang magkwento , na sana di na lang nya sinabi dahil di kami nakapaglaro na ulit sa tapat ng bahay nila dahil sa takot.

May gumaya daw sa papa nya at naniniwala kami sa kanya dahil nakita naman talaga naming tinatawag nya ito sa loob sa gitna ng laro namin.

( hindi na nagpakita ang gumaya sa papa nya ayon kay wayne pero hanggang ngayon di sya nagtitigil sa bahay nilang mag-isa sa takot na bumalik ito. )

KABABALAGHAN SA CARMEN,CAGAYAN DE ORO CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon