Ang istoryang ito ay hindi ko pagmamay-ari ikinuwento lamang ito ng aking kababata na si Adelyn kwento ito ng kaklase ng ate nya.
-
Ako si Aina 19 years old ako ang kapatid ni Adelyn na bff ng author. Ito ang aming kwento.
Summer noon ng maisipan naming anim na magbabarkada na mag night swimming sa isa sa mga magagandang beaches sa Opol,Misamis Oriental. Kami nila Andrew kasama ang girlfriend nyang si Monica , si Nico at ang girlfriend nyang si Mia , at ako kasama ang boyfriend kung si Miguel.
Naka settle na lahat ng plano namin nun para sa night swimming namin sa Opol. Sa K.S.Y na isang convinient store sa Carmen , Cagayan de Oro City namin naisipan ,magkitakita halos kumpleto na kaming lahat isa na lang ang hinihintay ang mag jowang si Nico at Mia.
Hindi na sana kami matutuloy dahil nag txt si Nico na hindi daw makakasama ang girlfriend nya dahil nag away di umano ito sa sarili nitong mga magulang . Nagulat na lang kami ng bigla silang dumating dalawa . Naglayas daw si Mia at kasalukuyang nakitira kay Nico. Hindi na kami nagtanong kung ano ang problema ni Mia sa magulang nito bilang isang kaibigan obligasyon namin na respetuhin ang mga desisyon nya.
Mahigit 30 minutos ang naging byahe namin doon at halos palubog na ang araw nun ika-siyes na ng hapon nun ng makarating kami sa beach. Hinanda na namin lahat ng mga gamit namin . Naging napakasaya ng gabi namin enjoy na enjoy kaming anim.
Sa gitna ng kasiyahan namin bigla na lang kaming nakarinig ng sigaw si Mia nalulunod ! Tumakbo ng mabilis ang mga lalaki para tulungan sya pero huli na lahat maputla na sya at hindi na humihinga . Napaiyak na lang kami lahat kanina lang ang saya-saya namin sana di na lang kami umalis , sana di namin sya hinayaang maligo mag-isa at marami pang sana.
Nakita na lang namin ang mga sarili namin sa harap ng isang purenarya dito sa CDO. Matapos ang lahat ng ginaw nila kay Mia pumasok kami sa isang kwarto doon para makita sya iyak lang kami ng iyak habang pinipigilan namin si Nico na magbasag sa amin lahat sya ang mas higit na nasasaktan. Pagpasok namin kasalukuyan pa syang mini make up.
Nagtatalo kami na dapat namin itong ipagbigay alam sa mga magulang nya ng biglang ang mga buhok ni Mia ay nagsitayuan ! Napaatras kami sa gulat at takot maging ang nag mamake.up sa kanya ay napa sign of the cross . May narinig din kaming sumigaw na "huwag". Napatingin kami sa nagmamake-up sa kanya sa mga binitiwang nitong salita ...
" mukhang ayaw nyang ipagbigay-alam ang nangyari sa kanya sa magulang nya. "
Hindi namin alam kung ano ang mararamdaman namin takot,panlulumo at sakit.
Pero kahit ganun ang nangyari nanaig pa rin sa amin ang tama , ang malaman ng magulang nya.
Hanggang sa huling hantungan di kami umalis sa tabi nya nakakapanghinayang dahil wala na sya .
Sa kasalukuyan naka move on na kami lahat maging si Nico na syang sobrang nawalan , at hanggang ngayon di ko malimutan ang pagtayuan ng mga buhok nya dun sa purenarya , tuwing naiisip ko yun kinikilabutan pa rin ako.
( katakot iimagine noh ! )