The Library(One Shot)

259 6 5
                                    

Bakit ka ba pumupunta sa library? Para mag research? Magbasa? Magpalipas oras? Magpalamig? O matulog? Lahat tayo may kanya kanyang dahilan kung bakit tayo pumupunta sa library..

Kagaya ko, araw-araw akong nakatambay dito dahil sa kanya. Yung taong matagal ko ng hinahangaan.. Oo si crush.haha tama! Tama!.. Siya nga ❤__❤ Walang araw na hindi ako pumupunta dito, at sa bawat araw ng pagtambay ko dito, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.Kanina nga tinakasan ko yung mga kaibigan ko, manlilibre pa naman daw yung isa dahil kaarawan niya pero hindi ako nagpapigil. Gumawa ako ng mga paraan para hindi makasama. Ansama ko bang kaibigan? Haha Oo inaamin ako, ako na masama. Pinagpalit ko sila dahil lang sa kanya. Pero wag niyo naman akong sisihin, yung puso ko na lang. Minsan lang din ako magkaganito kaya sana pag bigyan niyo na. 

Nakita ko siyang nakaupo sa may sulok. Kumuha ako ng libro at naupo sa mesa katapat nung kanya. Nilagay ko ang book sa bookstand at iniharang sa mukha ko. Nagkunwari akong nagbabasa pero ang totoo tinititigan ko siya. Ganito ako lagi. Ewan ko, Obssess na ata ako. 

Nakita ko siyang may kinukuha sa bulsa,  headset pala. Inilagay niya yon sa tenga at nagsimula ng magsulat. Binuklat ko na din ang kanina ko pang hawak hawak at nagsimula na ding magsulat.

Dear Confidante, 

Ito na naman ako, parang temang na nakatambay dito at nakabantay sa lahat ng kilos at galaw niya. Kahit hanggang tingin lang ako okey lang, hindi ako nagsisising tumakas sa mga kaibigan ko, kasi makita ko lang siya busog na ko. Haha oo ang corny ko. Sana balang araw mapansin din niya  ako.

Sinara ko na ang notebook ko at bigla akong napaisip. Hahayaan ko na lang bang hanggang tingin na lang ako? Hahayaan ko na lang bang hanggang sa apat na sulok lang ng libraring ito ang nararamdaman ko? Sabihin ko kaya sa kanya? Bahala ng mapahiya atleast ginawa ko kung ano yung narararapat. 

Nag-ipon ako ng lakas ng loob at nagsimula ng tumayo upang lapitan siya pero biglang ng ring ang bell, hudyat na magsasara na ang library. Ang malas naman oh! Niligpit ko na lang ang mga ginamit ko at lumabas na. 

"Miss!" tawag sakin ng isang familiar na boses.

Lubdublubdublubdub Holo ang puso ko. Ang OA mag react.

Lumingon ako para ikompirma.

Shit!Siya nga, nakangiti siya sakin..

"Ahhm bakit?" Ang hina lang ng pagkasabi ko. Di ko alam kasi nabibingi na ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Naiwan mo to." Inabot niya sakin yung isang notebook na hawak-hawak pala niya..

O.o Holo!Si confidante!

Dali dali kong inabot ito. Mas lalo pang lumakas tibok ng puso ko. Shemay! Binuklat kaya niya to?

"Wag kang mag-alala, di ko binasa yan." Nakangiti parin niyang sabi. Mind-reader ata to. Ang OA ko naman kasing magreact.

"Ah,haha salamat" pakyut pa ko.Haha landi lang..

"Walang anuman. Oh sige mauna na ko." Ngumiti siya at umalis na...

God! Answered prayers na ba to? Ang saya saya ko sa araw na yon. 

Hanggang sa lumipas ang mga araw. Lagi na kaming nag ngingitian at nagtatanguan. Nung minsan pagpunta ko sa library puno ng mga studyante, ang iingay nila.. Hinanap kaagad ng mga mata ko ang taong gusto kong makita pero wala siya. Umupo ako sa sulok katabi nung bakanteng upuan.

Ahh baka wala pa o kaya ay umalis na?. Disappointed ako nun kaya nag busy busyhan na lang sa pagbabasa..

"Hi miss, pwede tumabi?"

The Library(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon